꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 15꧂

265 17 59
                                    

𝗟𝗘𝗧𝗜𝗦𝗛𝗔'𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

I was currently peacefully sleeping when I suddenly woke up.

Charot lang. Ganto talaga 'yon.

Payapa pa akong natutulog ng biglang naramdaman kong parang bigla akong bumagsak mula sa kung saan. Kaya naman dahan-dahan akong bumangon at narealize ko na nahulog ako sa sofa.

"Tsk, kelan pa ako naging malikot matulog?" nakasimangot na bulong ko habang hinihimas-himas ang likod ko.

𝘈𝘯𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵, 𝘵𝘴𝘬.

Tatayo pa lang sana ako ng biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Zyron.

"Goooooood moooorrninnggg!!" halos mabingi ang bagong gising kong tenga ng sigaw agad ni Tita ang bumungad.

"Tita! Tulog pa po si Zyron, ssh po tayo!" mahinang sigaw ko kay Tita pero siniguro kong maririnig nya. Nang marealize niyang tulog pa si Zyron agad niyang tinakpan ang bibig nya at natatawang lumapit sa'kin.

"Hihi, sorry. Akala ko gising na kayo ng ganitong oras." sabi ni Tita sa'kin habang nililigpit ko ng maayos ang hinigaan ko.

"Hindi po, dapat nga po humihilik pa kami ngayon, kundi lang ako nahulog sa sofa." kakamot-kamot sa ulo na sabi ko, natawa naman ng mahina si Tita.

"Ah, Tita? Anong oras na po pala?" tanong ko kay Tita sabay sulyap kay Tita bago bumalik sa pagliligpit.

"Ah, 5:00 pa lan--" halos matumba ulit ako ng marinig kong 5:00 am pa lang.

"5:00 ng umaga?!" hindi ko na napigilang hindi sumigaw, alanganing tumango si Tita.

"Ugh, ang ingay mo naman Dens!" napatingin naman ako kay Zyron ng magreact siya.

"Natutulog pa si baby Zyron ko, ssh muna tayo hihihi." panggagaya ni Tita sa sinabi ko kanina. Napatampal na lang ako sa noo ko.

"Halika na po, Tita. Labas na muna tayo. May pagkain na po ba?" tanong ko kay Tita habang inaalalayan siyang lumabas ng kwarto.

"Ay oo! May hotdogs, scrambled eggs, at tocino! Syempre hindi mawawala ang ating hot fried rice hihihi!" proud na sabi ni Tita. Naramdaman ko naman ang biglang pagkalam ng sikmura ko.

-HAPAG KAINAN-

Nagtaka naman ako ng hindi ko makita si Tito Ron.

"Tita, si Tito po?" tanong ko ulit kay Tita habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Ay, ayun! Borlogs na borlogs! Senglot na senglot kagabi eh kaya na-knock out sya, hihihi! Buti na lang hindi mahilig sa mga alak si Tita mo, kasi kung hindi, wala pa din tayong breakfast ngayon!" nakangiting sabi ni Tita. Nginitian ko na lang din sya bago nagsimulang kumain.

-A FEW MOMENTS LATER-

Napatingin naman ako sa kwarto ni Zyron ng marinig kong bumukas ang pintuan niya. Nang marinig din ni Tita, agad siya nitong nilapitan.

"Baby Zyron, gising ka na pala! Kumain ka na din doon, sabayan mo na si baby Letisha. May umagahan na kayo." dinig kong sabi ni Tita kay Zyron, mayamaya pa ay umupo sa tabi ko si Zyron at naglagay na din ng pagkain sa plato nya.

"Si Fatherbels, Mamei?" tanong ni Zyron kay Tita habang ngumunguya, nakinig lang ako sa kanila.

"Knock out ang Father mo kagabi, kaya ayun, tulog na tulog!" tumatawang sabi ni Tita sabay turo sa kwarto nila ni Tito. Napailing na lang ako.

"Kaya ikaw, baby ko. Huwag na 'wag kang iinom ng alak, ha? Masama yun sa health mo atsaka sasakit lang ang ulo mo do'n kinabukasan." paalala ni Tita kay Zyron.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon