꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 19꧂

236 17 81
                                    

𝗟𝗘𝗧𝗜𝗦𝗛𝗔'𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

Dahan-dahan naman akong humarap sa pinanggalingan nung boses, natuod naman ako ng makita ang mukhang hindi ko inaasahan.

𝘡-𝘡𝘺𝘳𝘰𝘯?

Kumurap-kurap pa ako, tinitignan kung totoong si Zyron nga yung nasa harapan ko dahil baka nananaginip lang ako. Pero hindi nawala yung pigura.

𝘛𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘯𝘨𝘢. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘨𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘪𝘱.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng dahan-dahang lumapit sa'kin si Zyron.

𝘈𝘳𝘨𝘩𝘩!! 𝘎𝘢𝘭𝘢𝘸, 𝘓𝘦𝘵𝘪𝘴𝘩𝘢! 𝘎𝘢𝘭𝘢𝘸!!

Nasa harap ko na sya pero hindi pa din ako nakakagalaw. Kaya naman wala akong ibang nagawa kundi titigan na lang sya.

𝘕𝘢𝘨𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘺𝘢.

Hindi sya yung dating Zyron na mararamdaman mo yung overflowing energy sa katawan, sumeryoso sya ngayon.

𝘋-𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘣𝘢 '𝘵𝘰 𝘥-𝘥𝘶𝘯 𝘴𝘢 𝘣-𝘣𝘳𝘦𝘢𝘬 𝘶𝘱 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯?

Gusto ko mang sabihing hindi, pero hindi ko magawa. Wala ng kaemo-emosyon ang mga mata nya. Dati, kapag tinititigan ko yung mga mata nya, halos mapangiti din ako kasi parang nakangiti yung mga mata nya sa'kin. Nakakahawa. Pero ngayon, wala. Ni single emotion, wala.

Para naman tuloy akong naguilty, pero hindi ko hinayaang yumuko ang ulo ko, sinikap kong huwag alisin ang paningin ko sa kanya, pero nakayuko din ako sa huli.

𝘛𝘩𝘦 𝘭𝘰𝘯𝘨𝘦𝘳 𝘐 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘦 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘴 𝘦𝘺𝘦𝘴, 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘐 𝘧𝘦𝘦𝘭 𝘨𝘶𝘪𝘭𝘵𝘺. 𝘗𝘢𝘬𝘪𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮 𝘬𝘰, 𝘢𝘬𝘰 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘦𝘮𝘰𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢 𝘯𝘺𝘢.

"Anong ginagawa mo dito, Dennise?" lalo naman akong natigilan ng tawagin nya akong Dennise.

𝘕𝘢𝘴𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘋𝘦𝘯𝘴-𝘨𝘪𝘳𝘭..

Agad naman akong muling tumingin sa kanya.

Nag-iba yung gupit ng buhok nya, mas lalo siyang pumuti. At parang tumangkad ata sya ng kaunti?

"Anong ginagawa mo dito, Dennise?" pag-uulit nya sa tanong nya kaya naman natigil ako sa pagtitig sa kanya.

"U-Uhm.. B-Binisita ko lang 'tong bahay." sagot ko, hindi alam kung saan titingin.

𝘈𝘸𝘬𝘸𝘢𝘳𝘥.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng lumayo sya sa'kin. Lalabas na sana ako ng magtanong ulit sya.

"Kamusta?" I froze. Hindi inaasahang tatanungin nya yan.

𝘒𝘢𝘮𝘶𝘴𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰?

Nagrecall naman ako ng mga nangyari sa'kin these past days at masasabi ko namang,

"Ayos lang ako. Ikaw?" pabalik na tanong ko sa kanya, kahit na alam at nakikita ko naman na ang sagot.

𝘏𝘦'𝘴 𝘧𝘪𝘯𝘦, 𝘓𝘦𝘵𝘪𝘴𝘩𝘢.

Alam kong ayos lang sya, dahil kita naman ito sa mukha nya. Pero gusto ko pa ding marinig 'yon galing sa kanya.

"I'm fine." matipid na sagot nya bago ako tinalikuran. Saktong aalis na sana sya ng muli nya akong hinarap.

"Oh, if you're planning on staying here a bit longer, feel free to." walang emosyong saad nya, bago ako tinalikuran at lumabas ng kwarto.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon