꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 26꧂

234 17 148
                                    

LETISHA'S P.O.V

"HUWAAAAA!! BABY YZY KOOO!!!" shigaw ko bago tumayo at kinuha shi baby Yzy sa ulonan ko.

Watdahek, Letishaaa!!!

"Shori, bebi Yzy. Hindi keta kashi nakhita eyh. Shori tologo bebi Yzy koh.." sabi ko dito shabay kiss sa ulo nya at hinimas-himas ang mga fur nya.

*YAWN* "Tulogshi na tayo, bebi Yzy.. Antok na koh.." kiniss ko na lang ulit sya sa ulo bago pinikit ang mata ko. Lasheng man ako pero bago ako tuluyang magdoze off to sleep malinaw ko pang naaninag at narinig ang ginawa ni Zyron na paghalik sa noo ko, bago kumalas at tinitigan muna ako saglit at sinabing,

"Goodnight, Dennise."

-MORNING-

Napakunot naman ang noo ko nang biglang sumakit ang ulo ko.

Tsk, sige inom pa, Letisha! Tsh!

Dumilat na lang ako at agad akong sinalubong ng mainit at tirik na sikat ng araw. Agad din akong napatakip sa mga mata ko dahil hindi nito kinaya ang liwanag na dala ng araw.

"Hm, gising ka na pala, Dennise?" napadilat na lang ulit ako ng marinig ang boses ni Zyron. Naramdaman ko din ang pag-upo nya sa harapan ko.

Obviously.

Napairap ako nang magtanong sya ng napaka-obvious na tanong.

May mata naman sya. Tsh.

Natigilan ako nang tumawa sya.

"Oh come on, umagang-umaga. Ang sungit-sungit mo!" tawa nya, inirapan ko lang ulit sya bago dahan-dahang umupo. Awtomatikong napangiti ako ng madinig ko ang tahol ni baby Yzy. Napatingin naman ako sa may likuran ko at nakitang nandoon sya, alive na alive habang winawagwag ang buntot nya. Nakangiti ko naman siyang kinarga bago hinalikan.

"Kamusta ang baby Yzy ko?" nakangiting tanong ko dito, tinahulan lang ako nito kaya naman kumunot ang noo ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni Zyron kaya taka akong napalingon sa kanya.

May ginawa ba akong masama kagabi?

Pilit ko mang inalala pero wala talaga akong matandaaan. Nasapo ko na lang ang noo ko dahil malamang sa malamang, may ginawa akong nakakahiya kagabi.

"So you can't remember, huh?" nakangising tanong ni Zyron. Inirapan ko lang sya bago tumingin kay baby Yzy pero tinahulan lang ako nito.

Galit talaga si baby Yzy sa'kin. Haayyss...

Napailing na lang ako bago tumayo at inayos na lang ang mga gamit ko. Nagkalat kasi sya sa tabi ng sleeping bag ko.

Ginalaw ata ni baby Yzy kanina eh!

"Hinigaan mo lang naman ang buntot nya kagabi so that's why galit sya sa'yo ngayon." natigilan ako sandali, bago bumaling kay Zyron. Naniniguro kung hindi ba sya nagsisinungaling.

"Weh? Sigurado ka? Baka nga ikaw pa yung nakahiga sa buntot ni baby Yzy eh!" paninisi ko sa kanya. Inilingan nya lang ako.

"Did you ever see me get drunk?" sarkastikong tanong nya. Napahiya naman ako doon kaya umiwas ako ng tingin at ipinagpatuloy na lang ang pagligpit sa gamit ko.

"Tsk. Why did you drink 5 bottles yesterday? Yan tuloy, may consequences kang kailangan pagbayaran." napairap na lang ako sa sinabi nya. Halatang nang-iirita lang 'to.

Pero seryoso? Limang bote ng beer ang ininom ko?

Parang bigla tuloy akong nacurious kung ilang bote naman ang sa kanya.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon