×𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 1×

1K 38 10
                                    

LETISHA'S P.O.V

I'm Letisha Dennise Goriadoa. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, sa bahay namin ng Childish Gay Boyfriend ko, yepp meron kaming sariling bahay yun nga lang hindi kami yung bumili HAHAHA binili to ng mga parents namin actually gusto ng parents nitong boyfriend ko na tutal girlfriend naman daw nya ako gusto nila na baguhin ko na din sya, payag naman dito yung parents ko. Nung una ayaw ko syempre kasi mahirap pero napa-oo na lang ako. So yung nga nandito ako sa kwarto ko ng bigla kong naalala kung paano kami nagkakilala nitong Childish Gay Boyfriend ko.

~FLASHBACK~
Naglalakad ako ngayon sa field ng may nakabangga sa'kin.
"Ouch!" mahinang bulong ko, pano ba naman ehh halos mapahiga na ko sa sobrang lakas ng pagkakabunggo nya sa'kin, sh*t! Nagdudugo yung siko ko.
"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginawa mo---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko ang mukha nya. Woahh! Ang gwapo nya. Ang weird pero pakiramdam ko hindi na ko galit sa kanya. Teka.. Anong pinagsasabi mo Letisha? Manahimik ka na lang at wag magsalita sa isip mo okay? *tango*tango*
"Anong ginagawa mo?" nagulat ako ng magsalita sya kaya naman napatingin ako sa kanya. Shemss ang gwapo nya talaga... Help me! Nalulusaw na ko sa sobrang gwapo nya! Tsh O.A mo self.
"Are you okay Miss?" nag-aalalang tanong nya at tinulungan akong tumayo.
"N-Nag-aalala ka s-sa'kin?" feeling ko ampula-pula na ng mukha ko. Unti-unti naman syang tumango. WAAAHHHHH!!
"G-Gusto mo k-ko?" hala! Ano bang pinagsasabi mo self? Gulat na napatingin ako sa kanya nung tumawa sya.
"Ano ka ba sis girlalu din is meh okay? Atsaka hindi kita type nohh!" sabi nya at naglakad papalayo. Ako naman ay naestatwa ng dahil sa narinig ko. Jonginaa siss! Bakit ba karamihan sa mga pogi bading? Huhuhuhu.

~END OF FLASHBACK~

"HAHAHA!" di ko namalayan na napalakas yung tawa ko kaya naman narinig kong pagsigaw akong tinawag ng boyfriend ko. Ayy wait ipapakilala ko lang sya sa inyo.
________________________________________________________
Zyron Ynocrist Eusebsky ang pangalan ng “Childish Gay Boyfriend” ko. Saktong naging kami nung nag-birthday sya ngayong taon. Many sa mga kamag-anak nila ay support samin, yung iba hindi. Ewan ko kung bakit.
________________________________________________________
"DENNISE! Girll!" Hala! Oo nga pala tinatawag nya pala ako! Kaya naman agad akong dumeretso sa kwarto nya, Pagkapasok ko ay bigla na lang akong napahiga sa sahig, ay mali! Nandoon sya sa may pinto ehh tumakbo ako papunta dito hindi ko sya napansin kaya naman napahiga kami sa sahig. Ohmyghadd!! Shet sobrang gwapo nya kapag malapitan. Agad ding natigil ang pagkausap ko sa sarili ko ng magsalita sya.

"OH MY!! Alis! OHMYGHADD GIRLL! ALISS!! MAGAGALIT SA'KIN SI ICE BEAR! HUHUHU!" sigaw nya sa'kin kaya naman tumayo ako, nung makatayo na kami ay pinagpag nya pa yung parte ng dibdib nya na nadaganan ko.

"Girl naman! May date pa kami ni beybeh ice bear ko! Nadumihan na tuloy ako!" sigaw nya habang pinapagpag ang damit nya. Nung nakatingin na sya sa'kin tinaas yung isang kilay ko.

"Beybeh ice bear? Date? Zyron tanggap kong bakla ka at isip bata, pero--may date kayo ni ice bear? Shunga lang ang peg? Hindi totoo si ice bear okay? Kung totoo man sya ay dun mo sya makikita sa North or South pole okay? Meron din ata non sa Antarctica, pero walang ice bear dito sa Pilipinas."

" Girl, tanggap kong nagseselos ka hindi mo kailangang siraan ang beybeh ice bear ko. Atsaka alis nga okay? Ba't ka ba nandito ha? Ano akala mo naliligo ako noh? Tas sisilipan mo ko? Bastos! Bastos ka Dennise! Bastos!" sigaw nya at pinaghahampas ako sa braso.

" Kingina! Zyron tumigil ka okay?! Atsaka anong sisilipan? Nauntog ka ba kaya nag-iisip ka ng mga ganyan!? Atsaka kaya ako nandito dahil tinawag mo ko!" sigaw ko na tahimik naman sya, kinuha nya phone nya at nag-walk out. Kaya naman bumalik na ulit ako sa kwarto ko. At humiga sa kama.

*AFTER 1 HOUR*

Nasaan na yon? Hindi kaya ng dahil sa inimagine nya ay na-rape sya? Hala! Wag naman sana! Kaya naman agad akong lumabas ng bahay at hinanap si Zyron oo nga pala sa village kami nakatira. Nakakatakot kasi ang dilim pala sana pala dinala ko yung phone ko. Hala! Hindi ko nagsara yung gate at yung pinto ng bahay! Ha ayyy hayaan mo na ang layo na rin ng nalakad ko bilisan ko na lang. Natigilan ako ng may narinig akong boses.

"Shuu! Shuu! Huwaaaaa! Beybeh ice bear!! Tulongan mo kooo!!" alam kong si Zyron yon sya lang naman ang tao dito sa village na may gusto kay ice bear. Atsaka halata naman na. Kaya naman dali-dali kong hinanap kung saan nanggaling yung boses. Nakita ko naman si Zyron na kasalukuyang umiiyak habang hinihila ang phone nya. Hawak din kasi nung holdaper yung phone nya para bang kinukuha sa kanya yung phone nya.

"Ayan na ang beybeh ice bear ko! Yari ka sa kanya!" narinig kong sigaw nya, nakita nya ba ko? Malamang. Kaya naman nung tumingin sa'kin yung holdaper agad akong kumaripas ng takbo papalapit sa kanila. At pinagsusuntok yung lalaking holdaper.

*PAK!*

*BOOGSH!*

*PAK!*

*BOOGSH!*

Yung holdaper na mismo ang sumuko, aalis na sana sya nang pinigilan ko sya.

"Akin na ang kinuha mo sa kanya." utos ko sa kanya.

"Wala akong kinuha sa kanya." sabi nya at sinubukang alisin ang pagkakagawa ko sa braso nya. Pero mas lalo ko itong hinigpitan nakita ko naman na nasasaktan sya dahil halos mapahiga na sya.

"AKIN NA SABI!!" sasampalin ko na sana sya ng magsalita si Zyron kaya napatingin ako sa kanya.

"Ahh M-Miss S-Superwoman wala po syang nakuha sa'kin." sabi nya ngunit sa iba ako nakatingin dun ako nakatingin sa kamay nya na nakahawak sa braso ko. Naramdaman ko namang kinakabahan sya kasi nanginginig pa yung kamay nya. HAHAHA.

"Sige umalis ka na!" sabi ko at binitawan yung holdaper pero nagulat ako nung naglakad na din palayo si Zyron. TF?! Ako naman ang iiwan nya.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya kaya naman napatingin sya sa'kin. "Halika nga dito!" sigaw ko ulit lumapit naman sya.

"Bakit?" tanong nya sa'kin nung makalapit sya.

"Ngayong niligtas kita ako naman ang iiwan mo?"

"A-Ahh E-Ehh sorry." nakayukong sabi nya.

"Huy umayos ka nga wala naman akong sinabing yumuko ka." sabi ko sa kanya.

"Salamat nga pala ha?" nakangiting sabi nya sa'kin hinawakan ko naman ang pisngi nya, halatang nagulat sya.

"Tama yan ngumiti ka ha? Mas gwapo ka kapag nakangiti ka." sabi ko sa kanya inis naman nyang inalis yung kamay ko.

"Tss girlalu din ako." sabi nya kaya naman natawa ako.

"Anong nakakatawa?"

"Wala." sabi ko at tumalikod nya pero napahinto ako nung maramdaman ko ang kamay nya sa braso ko kaya naman napatingin ako don.

"Ano nga pa lang pangalan mo?" tanong nya sa'kin. Hala! Anong sasabihin ko?

"A-Ako si D-Denden." ayun na lang yung naisip kong pangalan ehh. Ayaw ko munang malaman nyang ako yung nagligtas sa kanya.

"Ahh alam mo ba kapangalan mo ang girlfriend kong masungit. Akala mo araw-araw may mens kasi araw-araw din siyang masungit.. Dennise ang pangalan nya.... Letisha Dennise Goriadoa.." sabi nya napangiti naman ako.

"Ahh. O sige mauna na ko mag-iingat ka pauwi ha?" sabi ko, hindi ko na sya hinintay na sumagot agad akong tumakbo narinig ko pa syang sumigaw.

~BAHAY~
Agad akong dumeretso sa kwarto ko at ni-lock ang pinto at pinunasan ang pawis ko. Haayyy....
-
-
-
-
To be continued~

©All Rights Reserved.2020.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon