◦•●◉✿𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 3✿◉●•◦

579 22 15
                                    

LETISHA'S P.O.V

"HUWAAAAA!!!" sabay na sigaw namin ni Zyron, pano ba naman kasi may mga multoo! May mga kakaibang nilalang apat ang uloo! Huwaaa! Sorry na Papa God, kung... Kung... Kung minahal ko tong baklang to huwaaaa!! Huhuhuhu sorry na po sa mga kasalanan koo! Huwaaaa! Natigil lang ako sa pagsigaw ng mapansin kong hindi ito gumagalaw. Kaya naman kinalabit ko si Zyron. Natigil naman si Zyron sa pagsigaw.
"Girl wala akong time ngayon sa drama okay?" mataray na bulong nya.

"Hindi ako mag-da-drama noh, may sasabihin ako." inis na bulong ko din. Ang ano kasi nito, pano ako makakapag-drama ngayon eh wala nga sa'kin yung atensiyon nya tsh.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo ha? Ha? Ha? Ha---"

"Ang atat mo, kanina ayaw mo tas ngayon nagmamadali ka na?" sinamaan nya lang ako ng tingin. "Ganto kasi, napansin mo parang hindi gumagalaw yung mga ulo?" napalingon naman sya dun sa may mga ulo at tinanguan ako. "Hindi kaya hindi tao yan?" nanlaki ang mga mata nya. "Anong ibig sabihin mo girl? Alien sila? Si Shrek? O si... Mother head?" "Anong Mother head pinagsasabi mo dyan? I mean baka mga kahon lang yan tas namamalik mata lang tayo? Or baka.... Multo talaga sila---" naputol ang sinasabi ko ng biglang lumawak pa yung pagkakabukas ng pinto at nagsimula ng magsigalawan yung mga ulo! Napaatras tuloy kami ni Zyron. Patuloy lang sa paglapit yung mga ulo hanggang sa bumukas na yung ilaw!

"HUWAAAAAAA" sigaw namin ni Zyron habang nakapikit, pero napatigil lang ako ng wala na akong marinig na ingay. Kaya naman dumilat na ako at nagulat ako ng makita ko ang mga kaibigan namin.

"Rauxelle? Aki?" yan lang yung nasabi ko kasi.. Gabi na pero..

"Maji? Yinx?" usal ni Zyron, nagulat din sya siguro.

"Pano kayo nakapunta dito gabi na ah? Atsaka bakit magkakasama kayo?" sabay na tanong namin ni Zyron sa mga kaibigan namin. Nakakagulat lang na magkakasama sila. Lumapit sa'kin ang mga kaibigan ko at lumapit naman kay Zyron ang mga beki niyang kaibigan. Dumeretso kami sa mga kwarto namin kasama ang mga kaibigan, pero syempre ni-lock na muna namin yung gate at yung main entrance door.

~KWARTO KO~
"Tuloy kayo" sabi ko sa mga kaibigan ko nginitian lang nila ako. Umupo sila dun sa medyo maliit na sofa na nasa kwarto ko. Tinabihan ko sila.

"Rauxelle, Aki anong ginagawa nyo dito hindi naman sa ayaw ko na nandito kayo pero gabi na ah? Baka hanapin kayo nila Tito at Tita?" magkapatid kasi sila Rauxelle at Aki. Classmate/Bestfriend ko si Rauxelle, tapos pinakilala nya sa'kin ang nakababata niyang kapatid, then naging friends din kami kalaunan.

"Yun na nga ehh. W-Wala nang sasaway at maghahanap samin." napatingin ako kay Raux ng marinig ko siyang suminga.

"Bakit? Nasaan sila Tito?" nasaan ba sila Tito? Ba't nila hinayaan nilang lumabas ang mga anak nila? Strikto kasi ang mga magulang nila Rauxelle, hindi sila pwedeng lumabas tuwing gabi at hindi din sila pwedeng lumabas ng walang kasamang mga bodyguards.

"W-Wala na sila Mama.." nagulat ako sa sinabi ni Aki. Kaya naman napatingin ako kay Aki. Umiiyak din sya.. "Wala na ang Mama at Papa ko.." umiiyak na saad ni Aki. Niyakap naman sya ng Ate nya.

"Anong nangyari? Ba't sila nawala? P-Paano?" nagulat talaga ako.

"Remember Vanessa Ruthven?" tinanguan ko sya. "She's the reason." what?! Yung Vanessa Ruthven na yon ang dahilan? "How?" curious na tanong ko. Gusto ko talagang malaman. "Sinundan nya sila Mom and Dad, then nag-utos sya na harangan yung dadaanan nila Mom and then.. Naaksidente sila.. Kausap namin si Mom non and suddenly nag-end yung call. Tas may tumawag samin, sabi naaksidente sila. Pagkarating namin sa hospital.. Sabi.. N-Nasa morgue na sila... Patay na sila.. " kwento ni Rauxelle, agad naman akong pinangiliran ng luha. Kasi kahit papaano tinuring ko din na magulang ang mga magulang nila. Nung una ayaw nila na maging kaibigan ako ng mga anak nila, pero sa huli okay na lang din sa kanila. Binilinan pa nga nila ako na bantayan ang mga anak nila at maging mabuting halimbawa sa mga ito.

"Condelence Aki, Raux." sabi ko at niyakap ang mga ito. Nakakalungkot lang na wala na sila Tito.

"Ahhh. Aki, Raux huwag niyong mamasamain pero, bakit nandito kayo? I mean anong connect ng pagkamatay nila Tita?" nagkatinginan muna sila.

"Pwede bang dito kami tumira." saad ni Raux, nanlaki ang mga mata ko. Dito sila titira?

"Ahh.. Ehh.. Raux, Aki.. Alam nyo namang matutulungan ko kayo sa lahat ng bagay maliban... Dyan.." napayuko naman sila. Naawa naman ako.

"Sige kakausapin ko sila Mama at Tita, pero nasaan yung mga gamit nyo?"

"Ahh nasa bahay pa ehh." sagot ni Raux. Nginitian ko lang sya at niyakap silang dalawa.

"Stay strong Aki, Raux I'm here." ngiti lang ang sinagot nila.

ZYRON'S P.O.V

~KWARTO KO~

"Hoy mga bakla anong ganap? Ba't nandito kayo?" tanong ko sa kanila.

"Hoy bakla hindi mo ba muna kami pauupuin?" mataray na tugon ni Yinx, inismiran ko lang sya at tinuro ang mini sofa na nandun sa kwarto ko. Nung makaupo na sila tumabi ako.

"Oh ano nga mga bakla anyare ba't nandito kayo? Emote?" tanong ko sa mga ito.

"Hoy bakla!" biglaang sigaw ni Yinx kaya naman napatingin ako sa kanya. "Nandito kami para mag-celebrate nohh!"

"Celebrate? Para saan bakla?" celebrate? Anong i-ce-celebrate ng mga ito?

"Ayy wala fake friend ang bakla! Hindi alam kung anong meron ngayon!" saad ni Yinx, inismiran ko lang sya.

"Ano ka ba bakla? Bertdey ni Maji ngayon! Ano ba?!" sigaw nya natigilan naman ako. Oo nga pala birthday ni Maji ngayon! Nakalimutan ko!

"Ohh sabi na sayo Majs ehh nakalimutan ni Zyzy!" napatingin naman ako kay Maji, tulala lang sya.

"Uyy sorry na Majs, pero oo nga bertdey ni Majs ngayon pero bakit ngayon lang kayo pumunta? Ba't kung kelan gabi dun tayo mag-ce-celebrate?" ang weird lang ng mga to, bampira ba ang mga itey kaya ngayong gabi mag-ce-celebrate?

"Ahh... Ehh.. Kasi bakla ngayon lang din namin naalala hehe." sagot ni Yinx.

"Tsh pareho lang din pala tayo Yinx ehh ngayon mo lang din pala naalala tas saasabihan mo akong fake friend, ikaw din naman pala!" pinanlakihan naman nya ako ng mata.

"Hoyy baklang Zyzy, excuse me nohh kanina ko pa naalala ikaw ngayon lang! Atsaka tigilan mo nga ang pagtawag sa'kin ng Yinx! It's Yinaxa nohh!" tinawanan ko lang sya. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Ohh sige magpa-paalam muna ako kay Dennise, mamaya magalit yon." tinanguan lang nila ako. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Dennise.
-
-
-
-
To be continued~

©All Rights Reserved.2020.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon