꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 17꧂

304 22 189
                                    

𝗟𝗘𝗧𝗜𝗦𝗛𝗔'𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

Nang makapasok ako sa loob ng bahay bigla akong napahawak ako sa dibdib ko. Huminga naman muna ako ng ilang beses, bago dahan-dahang umupo sa sofa.

Ilang minuto ang lumipas, bago muling bumalik ang sakit na naramdaman ko kanina.

𝘎𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘺 𝘙𝘢𝘶𝘹 𝘬𝘢𝘴𝘰 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘺𝘢. 𝘈𝘺𝘢𝘸 𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘴𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯.

Bumuntong hininga na lang ako bago binaba ang tingin ko sa sahig.

Wala sa intensyon ko ang pag-iyak, pero nang bigla kong maalala yung nakita ko kanina, pakiramdam ko bubuhos ulit yung mga luha ko.

"Masyado ka ng o.a ngayon, Letisha." bulong ko sa sarili ko sabay sampal ng mahina sa pisngi ko, umaasang mapipigilan non ang unti-unting pagbuhos ng luha ko. Pero walang epekto. Mas lalo lang sumunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.

Hinayaan ko muna ang sarili ko, hanggang unti-unti ng tumila ang sunod-sunod na pagbuhos ng luha ko. Ang kulit nga eh, umulan ng mahina kani-kanina, tapos tumila yung ulan kasabay ng pagtila ng sunod-sunod na pagbuhos ng luha ko.

Agad ko namang pinunasan ang magkabilang gilid ng mata ko, bago tumayo at nagtungo sa balkonahe.

-BALKONAHE-

Pagkaupo ko sa upuan, agad na sumalubong sa'kin ang malamig na hangin, dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko. Agad ko namang niyakap ang sarili ko hanggang sa unti-unti ng masanay ang katawan ko sa lamig.

Halos mapanganga naman ako ng makita ang makapigil-hiningang view ng siyudad. Bilang man ang puno dito at mas madami ang mga nagtataasang building, hindi pa din ito naging hadlang para maging maganda ang kapaligiran. Isama mo na yung full moon na nasa taas ng mga buildings.

𝘕𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘳𝘦𝘭𝘢𝘹.

Nagsitayuan ulit ang balahibo ko ng madama ulit ng balat ko ang kaninang malamig na hangin. Napayakap tuloy ako sa sarili ko.

Nanatili akong tahimik habang nakayakap sa sarili ko. Pakiramdam ko, nag-iisa lang ako ngayon, kahit na nandito din sila Raux at Aki sa bahay.

Napakunot ulit ang noo ko ng maramdaman ko na naman abg unti-unting pag-init ng gilid ng magkabilang mata ko.

𝘛𝘪𝘨𝘪𝘭 𝘯𝘢, 𝘓𝘦𝘵𝘪𝘴𝘩𝘢. 𝘔𝘢𝘴𝘺𝘢𝘥𝘰 𝘬𝘢 𝘯𝘨 𝘦𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭.

"Siguro, dadatnan ako nito. Ang tindi ng mood swing ko eh." bulong ko sa sarili ko. Pinagmasdan ko naman ang buwan na unti-unting tumataas ngayon. Napangiti ako ng makita kung gaano ito kaganda at kaliwanag.

𝘛𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘧𝘢𝘪𝘭𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘢𝘮𝘢𝘻𝘦 𝘮𝘦.

-•-•-

𝘎𝘳𝘳𝘳, 𝘱𝘶𝘴𝘢𝘯𝘨-𝘨𝘢𝘭𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 '𝘵𝘰 𝘴𝘪 𝘡𝘺𝘳𝘰𝘯 𝘦𝘩! 𝘎𝘪𝘯𝘶𝘭𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘳𝘵𝘪𝘯𝘢!

"Zyron, ano bang prob--" natigilan naman ako ng marealize kung nasaan ako.

𝘕𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘭𝘬𝘰𝘯𝘢𝘩𝘦?!

Inilibot ko pa ang paningin ko bago nakumpirmang nasa balkonahe nga ako.

Tatayo na sana ako ng maramdaman na may parang nalaglag sa katawan ko. Tinignan ko naman yung paa ko at nakita ang fluffy blanket ko.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon