꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 4꧂

492 25 41
                                    

ZYRON'S P.O.V

~KWARTO NI DENNISE~

Pagkapasok ko nadatnan ko sila Dens at ang mga kaibigan nya na magkayakap. Pfft anong drama 'to? 

"Ehem ehem Dens." tawag ko kay Dennise, pare-pareho naman silang napatingin sa'kin. Agad namang tumayo si Dens at lumapit sa'kin.

"Oh? Zyron hindi ka naman nagsabi na nandyan ka pala. May kailangan ka ba?" bulong nya sa'kin.

"A-Ahh Ehh.. Sila Yinx at Maji gustong i-celebrate dito ang birthday ni Maji, okay lang ba?" tanong ko sa kanya, tinanguan nya lang ako.

"Ah oo nga din pala dito na titira sila Rauxelle at Aki, nasabi ko na kela Mama at Tita pumayag naman sila, okay lang din ba sa'yo?" tanong nya din sa'kin.

"Tsh ano pang magagawa ko eh pumayag na sila Mama at ang Mama mo?" taray-tarayan kong saad. Agad namang bumalatay sa kanyang mukha ang pagkatakot at kung ano-ano pa. 

"Ah eh kung hindi okay sa'yo na nandito sila Raux at Aki, sige sasabihin ko na lang sa kanila." kabadong saad nya at akmang tatalikuran na'ko ng bigla ko siyang hinawakan sa braso, kaya naman napatingin sya sa'kin. 

"Joke lang ito naman.." boses babaeng sabi ko dito. Agad naman siyang sumimangot, natawa naman ako. 

"Uy basta okay lang sa'yo ha?" pangungulit nya tinanguan ko naman sya.

"Sige babalik na'ko sa kwarto ko dahil baka hinihintay na'ko ng mga kaibigan ko." pagpapaalam ko dito, tinanguan nya lang ako kaya naman bumalik na'ko sa kwarto ko.

~KWARTO KO~

"Oh mga bakla, pumayag si Dennise." sabi ko sa mga ito agad namang napatingin sa'kin sila Yinx at Majs na nakangiti. Nginitian ko na lang din sila.

"Oh bilis na bili ka na ng iinomin natin Yinaxa." pag-uutos ni Majs kay Yinx nakangiti naman siyang tinanguan ni Yinx at tumayo at kinuha ang pambili kay Majs.

"Teka lang mga bakla ah, bibili lang ako." pagkasabi nya non ay lumabas na sya.

𝗠𝗔𝗬𝗔-𝗠𝗔𝗬𝗔 𝗣𝗔 ay nakabalik na si Yinx ng may dalang.... SPRITE at C-CHUCKIE?!

"Para saan yang sprite at chuckie Yinx?" tanong ko dito, nilapag nya muna ang mga iyon sa bakanteng lamesa na nandito sa loob ng kwarto ko atsaka umupo at tumingin sa'kin.

"Yung chuckie at sprite?" tanong nya, tinanguan ko naman sya. "Yan yung iinumin natin!" masayang saad nya. Agad naman akong napasimangot ng wala sa oras. Di nga? Yung chuckie at sprite ang iinumin namin? Seryoso?

"Ah pero yan lang ba talaga ang iinumin natin?" tanong ko dito agad namang kumunot ang kaniyang noo.

"Oo naman pero bakit? May gusto ka pa bang inumin Zyzy?" tanong nya sa'kin atsaka kumuha ng isang chuckie, binuksan at ininum iyon. 

"I mean akala ko kasi ay mga beer or wine ang iinumin natin." sagot ko atsaka kumuha ng isang baso at nilagyan iyon ng sprite at ininum. Nagulat lang ako ng matapos ko itong inumin ay seryosong nakatingin sa'kin si Yinx.

"Ba't anong meron?" tanong ko uli sa kanya atsaka nilagyan uli ng sprite ang baso ko at dahan-dahan iyong ininom.

"Don't tell me Zyzy..." pagpapabitin nya. "Don't tell me.. Lalaki ka na uli!" agad ko namang nabuga sa kanyang damit ang iniinom kong sprite matapos marinig ang huli niyang sinabi! Ako? Lalaki uli? Neveer! Nakita ko naman siyang napatayo.

"O-Oh my s-sorry Yinx..." panghihingi ko ng paumanhin dito atsaka kumuha ng isang plain shirt sa damitan ko at inabot iyon sa kanya. Agad nya naman itong kinuha at sinuot. Uupo na sana ako ng may biglang bumato sa'kin ng t-shirt. Inis kong tinanggal ito sa mukha ko at hinanap kung sinong bumato. Bigla akong nainis ng mahagip ng gilid ng mga mata ko si Yinx na nakadila sa'kin! Agad ko naman siyang tinignan ng masama. Tinawanan nya lang ako.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon