꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 12꧂

252 18 34
                                    

𝗟𝗘𝗧𝗜𝗦𝗛𝗔'𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

Dahan-dahan akong bumangon mula sa prenteng pagkakahiga ko sa kama.

𝘈𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢?

Idinilat ko ang mga mata ko pero muling ipinikit ng masilaw sa sikat ng araw!

𝘓𝘦𝘤𝘩𝘦! 𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘳𝘵𝘪𝘯𝘢? 𝘈𝘳𝘨𝘩!

Hihiga pa sana ulit ako ng mag-ingay si Zyron!

"Ay, buti naman at nagising ka na señorita LETISHA? Baka naman gusto mong kumilos na? Aba, 10:00 na ng umaga?! Ang dami ko ng nagawa, samantalang ikaw, humihilik ka pa?!" sunod-sunod na pagrereklamo niya. Kesyo siya pa daw ang naunang gumising at tumulong kela Mama eh ako naman daw ang anak at siya ang bisita.

"Sheesh, manahimik ka na Zyron! Ang aga-aga ang ingay mo! Kita mo namang kakagising ko lang, 'di ba? Daig mo pa si Mama, siya nga hindi ako sinisigawan, ikaw pagkagising ko, sermon agad?! Ikaw ba Mama ko, ha?!" iritang saway ko sa kanya, inirapan niya lang ako.

"Tse! Kapag naubusan ka ng ulam, huwag kang umangal, ah!" to the fullest volume of his voice na sigaw niya bago lumabas. Napabuntong hininga na lang ako.

"Psh, isang malaking pagkakamali na isinama ko siya dito." iiling-iling na sabi ko, sabay tayo para ayusin na ang higaan ko. Napatingin naman ako sa higaan niya buong akala ko ay nakaligpit na ito pero, ang gulo-gulo pa din nito.

𝘗𝘢𝘳𝘶𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘸 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘭𝘢𝘵𝘦 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘴𝘪𝘯𝘨, 𝘱𝘴𝘩.

Pagkalabas ko ng kwarto ay imbes na nakangiti akong tanungin ni Mama kung maayos ba ang tulog ko, kabaligtaran ang sinabi niya.

"Aba! Mabuti't nagising ka na, Letisha?! Kanina pa si Zyron tumutulong dito, samantalang ikaw ay nakahiga pa!" reklamo din ni Mama katulad ng ginawa ni Zyron kanina.

𝘉𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘸𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘢.

"Eto na nga po, Ma. Kikilos na." kakamot-kamot sa ulo na sabi ko. Pumunta muna ako ng lababo para maghilamos at mag-toothbrush.

Patapos na sana ako sa pag-totoothbrush ng bigla akong siniko ni Zyron, dahilan para mapaatras ako at mahulog yung toothbrush ko! Inis ko siyang tinignan, nagkibit-balikat lang siya! Kunot-noong pinulot ko na lang yung toothbrush.

𝘒𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘶𝘸𝘪 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢, 𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘴𝘢'𝘬𝘪𝘯 '𝘵𝘰!

Hinintay ko muna siyang matapos maghugas ng kamay niya bago ako muling lumapit sa lababo para hugasan na lang yung toothbrush at magmumog, pero napapikit ako sa inis ng iwisik sa'kin ni Zyron yung basa niyang kamay!

"Nananadya ka?!" inis na tanong ko sa kanya at inambaan siya ng suntok, pero tinalikuran niya lang ako at umupo na sa upuan niya doon sa may lamesa.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay balak ko sanang sikuhin si Zyron kasi katabi ko siya pero bago ko pa maisagawa ang balak ko ay sinaway na ako ni Mama.

𝘗𝘴𝘩, 𝘱𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘪𝘵 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘔𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢!

Bago kami kumain ay nagdasal muna kami, at dahil daw ako ang pinakanahuling nagising, ako ang nag-lead ng prayer. Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon