꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 30꧂

229 14 172
                                    

LETISHA’S P.O.V

“Denisha! Wait lang!” sunod-sunod na pagtawag nila sa’kin lalo na nila Manzie at Allisa pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Hindi ko nga alam kung bakit ako tumatakbo, pero isa lang ang gusto kong mangyari sa ngayon—ang makalayo sa kanilang lahat.

Kaya naman tumakbo lang ako nang tumakbo, hanggang sa di ko namalayang nasa harapan na pala ako nang gate ng sementeryo.

Aika..

Bigla na lamang nangilid ang luha ko nang maalala ang kapatid ko.

Agad kong pinunasan ang mga luhang nag-uunahang tumulo pababa ng pisngi ko, umayos ako ng tayo at huminga ng malalim bago pumasok sa sementeryo.

You got this, Letisha.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nasa harapan na ako ng puntod nya. Inilabas ko maman ang dala kong kandila at sinindihan ito bago itinayo sa harapan ng lapida nya.


𝐼𝑛 𝐿𝑜𝑣𝑖𝑛𝑔 𝑀𝑒𝑚𝑜𝑟𝑦 𝑜𝑓
Lyka Szajhelle A. Goriadoa
SEPTEMBER 01, 1999 – JUNE 04, 2013
𝘞𝘦 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶, 𝘈𝘪𝘬𝘢.


“Hi, Aika. Kamusta ka d’yan, hm?” pagkausap ko dito bago lumuhod at nilinis ang puntod nya.

“Grabe, 7 years na pala simula nung iwanan mo kami dito.” mapait na ngiting dagdag ko, bumuntong hininga bago tinitigan ang kanyang lapida na halos matabunan na dahil natatakpan na ng mga dahong tumubo dahil sa sobrang tagal ng hindi nalinis.

“Biglaan ba pagdalaw ko sa’yo? Hahaha. Sorry, medyo confused lang kasi ako ngayon. Alam mo namang sa’yo ako lumalapit sa tuwing may digmaan sa pagitan ng mga braincells ko, ‘di ba?” pabirong sabi ko—dahilan para matawa din ako.

Para kang eng-eng, Letisha.

“Pero may sasabihin ako sa’yo ha? Secret lang natin ‘to, okay? Wala kasi akong kilalang pwede kong pagsabihan nito sa ngayon maliban sa’yo.” bulong ko, huminga ulit ako nang malalim bago muling nagsalita.

“Uhm, you know Zyron, right?  Yung girly kong boyfriend na mas babae pa kesa sa’kin?” natawa naman ako sa last sentence na binanggit ko.

Totoo naman kasi. Just stating the facts.

“Nag-break kami 5 years ago, then nagkita ulit kami ngayon. A few months pa lang simula nung first meet namin ulit after our break up pero today—nagpropose sya sa’kin. So I’m really shocked right now. Alam kong tatanungin mo ako kung nag-yes ba ako sa proposal nya, pero sorry to disappoint you; hindi ako um-oo. Pero hindi ko din nireject yung proposal nya, I just ran away kasi wala akong masagot.” kwento ko bago dahan-dahang napayuko, sabay-sabay na nagsink-in sa’kin ang mga feeling na hindi ko naramdaman kaninang tumakbo ako paalis.

Regret, embarrassed, feeling ko masyado akong naging dramatic.

“Dapat ba.. hindi ko sila iniwan? Dapat ba, Lyka, nag-iwan muna ako ng sagot kung oo ba o hindi para hindi sila maguluhan, lalo na si Zyron? Babalik ba ako doon? Sasabihin ko bang hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko?” sunod-sunod na tanong ko bago huminto dahil naalala kong—hindi pala sasagot si Lyka sa’kin. Kaya wala sa sariling natawa ako.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon