꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 9꧂

317 20 25
                                    

𝗟𝗘𝗧𝗜𝗦𝗛𝗔'𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

Matapos kong isara yung pinto, agad akong bumalik sa pagkakaupo ko sa kama at tumingin sa bubong.

𝘈𝘯𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘙𝘢𝘶𝘹, 𝘩𝘢𝘢𝘢𝘢𝘺𝘺!

Muli akong tumingin kay Aki para tignan kung gising na ito, pero mahimbing pa din itong natutulog. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumunganga na lang.

𝘏𝘢𝘢𝘢𝘢𝘺𝘺 𝘢𝘯𝘰 𝘣𝘢 '𝘺𝘢𝘯, 𝘢𝘮𝘣𝘰𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯. 𝘜𝘮𝘢𝘭𝘪𝘴 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘢𝘨𝘢𝘥 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘠𝘪𝘯𝘹 𝘢𝘵 𝘔𝘢𝘫𝘪 𝘵𝘢𝘴 𝘴𝘪 𝘙𝘢𝘶𝘹 𝘥𝘪𝘯. 𝘏𝘢𝘢𝘢𝘢𝘺𝘺..

"Eh kung tawagan ko kaya sila Mama?" tanong ko sa sarili ko.

"Sige, tutal wala din naman akong ginagawa, atsaka wala din naman akong magawa." pagkasagot ko sa sarili ko, agad akong tumayo at kinuha sa drawer ang cellphone ko.

𝗦𝗬𝗟𝗩𝗜𝗘'𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

"Sylvie! Si Letisha, tumatawaaag!" agad ko namang nabitawan ang sandok na hawak ko atsaka nagmamadaling naglakad sa salas, kung saan nandoon ang cellphone ko at ang asawa ko ng si Mikael, hawak niya kasi ang cellphone ko naglalaro siya nung 'Candy Crush'.

"Sinagot mo na, Mikael?" tanong ko sa aking asawa, inilingan niya lang ako atsaka inabot ang cellphone sa'kin, agad ko namang sinagot ang tawag.

"Hello, anak!" masayang bati ko kay Letisha.

"Hello po, Mama, Papa!" awtomatiko kaming napangiti ng marinig namin ang boses ng anak ko.

"Kamusta ka na, anak? Na-miss ka namin ng sobra-sobra!"

"Ayos lang naman po ako, na-miss ko din po kayo. Kamusta po kayo ni Papa?" sagot nito sa kabilang linya.

"Okay lang naman kami, anak!" si Mikael na yung sumagot.

"Mabuti naman iyon, Papa. Hehe."

"Eh kayo ni Zyron, anak? Kamusta na kayo, yung relasyon niyo?" agad naman kaming nagkatinginan nang marinig naming bumuntong hininga si Letisha.

"Nako, Mama. Ganon pa din po! Walang pinagbago!" sabi nito na animo'y  nagbantay siya ng benteng bata sa isang linggo.

"Haaayy, basta anak. Habaan mo lang lalo ang pasensya mo, ha? Atsaka imbes na mainis ka ng bonggang-bongga sa kanya, mas lalo mo pa siyang mahalin!" pagpapaalala ko dito.

"Siyempre naman Mama, Papa. Ako pa! Ako si Letisha Dennise Goriadoa, ang nag-iisang babaeng hinding-hinding magsasawa sa pagintindi at pagmamahal kay Zyron!" agad naman akong napangiti nang marinig ko ang sagot ng anak ko.

'𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘨𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘴𝘪 𝘡𝘺𝘳𝘰𝘯.' sabi ko sa isip ko atsaka mas lumawak ang pagkakangiti.

𝗟𝗘𝗧𝗜𝗦𝗛𝗔'𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

"Ah, Mama. Sila Rauxelle at Aki po, nakikitira na din dito sa bahay. Namatay na daw po kasi sila Tita Aerie, at Tito Venn." nakayukong sabi ko.

𝘏𝘢𝘢𝘢𝘢𝘺𝘺, 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘢𝘨𝘢𝘥 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘙𝘢𝘶𝘹.

"Aba, anong nangyari kay Aerie, at Venn?"

Bumuntong hininga muna ako bago kinuwento ang storya.

"Eh yung ex kabit po ni Tito Venn ang may kagagawan. Sabi ni Raux, parang nagpa-utos daw yung Vanessa na humarang sa daraanan nila Tito kaya naaksidente sila, eh kausap daw nila pa si Tita Aerie no'n tas bigla daw nag-end yung call tas tumawag na ata yung ospital sa kanila na p-patay na sila Tita." feeling ko tuloy naiiyak ulit ako.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon