꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 23꧂

246 17 114
                                    

LETISHA’S P.O.V

Anong ginagawa nila Yinx at Maji dito?

Napatingin naman ako kay Manzie na halos mahimatay na ng makita si Yinx.

Geez, kailangang kumalma ni Manzie.

“O to the M to the G!!” impit na sigaw ni Zanie, pero walang napatingin sa kanya dahil halos lahat din ng mga kasamahan namin, naglalaway habang nakatingin kela Yinx, Zyron at Maji!

Reunion ba naming apat ‘to?!

Buti na lang at hindi napadapo ang tingin sa’kin nila Yinx at lalo na ni Maji. Dahil kung hindi, isang malaking gulo ang mangyayari.

Tahimik ko lang na sinundan ng tingin ang tatlo na ngayo’y naglalakad papalapit kay Direk Cail at Mrs. Bornes.

Akala ko, dumating lang sila Maji at Yinx dito dahil may itatanong sila or baka magtatanong kung naghahanap ba ng model ang agency namin. Pero hindi, mukhang kasama din namin sila dahil pagkatapos nilang kausapin si Mrs. Bornes at si Direk Cail, tumayo din sila sa isang tabi katulad namin.

Pero hindi ko naman nakita ang mga pangalan nila Maji at Yinx sa listahan kagabi, ah? So sinong kapartner nila?

Natigil na lang ako sa pagtatanong sa sarili ko ng magsalita na si Mrs. Bornes.

“Form a straight line with your partner!” anunsyo nya, kaya naman nagpaalaman na kami nila Manzie at Allisa dahil hindi naman sila ang kapartner ko.

Natuod na lang ako ng makitang papalapit na sa’kin si Zyron, pero hindi ko pinahalata ‘yon. Huminga lang ako ng malalim at hinintay siyang makalapit sa’kin.

“Uy, Zy! Kapartner mo pala si Letlet?!” napabaling naman ako kay Maji ng marinig ang boses nya. At tama nga, dahil katabi lang namin sya ni Zyron. Bumaling naman ako sa partner ni Maji at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Manzie na nakakrus ang mga kamay habang nakanguso.

Eh?!

Hinanap naman ng mga mata ko si Yinx at mas lalong nagulat nang makitang si Allisa ang kapartner nya!

Nagkapalit sila Manzie ng partner?!

Si Manzie kasi, gustong si Yinx ang makapartner nya ngayon dahil magiging chance na daw ito ngayon para landiin si Yinx, habang si Allisa naman ay okay na siyang si Maji ang kapartner nya, pero mukhang opposite ang nangyari!

Kaya pala nakanguso si Manzie eh!

“Hi Letlet!” napatingin na lang ulit ako kay Maji ng mahagip ko sa gilid ng mga mata kong nakangiti siyang kumakaway sa’kin. Nginitian ko lang din sya bago kinawayan pabalik.

Tumingin na lang ako sa harapan at tumahimik.

Magiging maayos kaya ‘tong camping na ‘to, eh kasama ko ang mga taong nakasama ko dati sa iisang bubong?!

--

Dumungaw na lang ako sa bintana ng van na sinasakyan namin.

On the way na kami ngayon papuntang beach.

Napatingin naman ako sa katabi kong si Zyron na ngayo’y nakaheadset at nakapikit.

Natutulog na ba sya?

Iinspeksyunin ko pa sana ang mukha nya ng dahan-dahan siyang dumilat at agad na dumapo ang tingin sa’kin.

(At tumigil ang mundo, nung ako’y tinignan mooo~~ chaar ✌︎)

Nginitian ko lang sya bago muling dumungaw sa bintana. Mariin na lang akong napapikit.

Ano ba ‘yan, Letisha?! Magnanakaw ka na lang ng tingin, nagpapahuli ka pa?! Arghh!!

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon