꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 14꧂

230 16 102
                                    

𝗟𝗘𝗧𝗜𝗦𝗛𝗔'𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

Halos mapanganga naman ako ng makita ko kung gaano kabongga ang harap ng bahay nila Zyron. As in! Yung sa may taas ng pinto may pa-cartolina pa na may nakasulat na 'Happiest Birthday, my dearest Ron!' Tapos may mga balloons na kulay pink, yellow, blue, red sa magkabilang gilid ng pintuan nila.

"Woah, tama ba yung napuntahan natin, Zyron?" tanong ko sa kanya sabay siko pa. Napadaing naman ako ng sikuhin niya din ako bewang ko. Susuntukin ko na sana siya ng magsalita agad siya.

"Malay ko sa'yo, girl! Ikaw ang nag-drive!" mataray na tugon niya, inirapan ko na lang sya. Magsasalita na sana ako ng sumingit ulit sya.

𝘉𝘢𝘣𝘢𝘵𝘶𝘬𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢 '𝘵𝘰, 𝘦𝘩!

"Halika na nga, girl! Pumasok na lang tayo! Atsaka obvious naman siguro na bahay namin 'to kasi may RON, oh." turo niya doon sa pangalan na nakasulat sa cartolina. Sininghalan ko na lang siya at sumunod sa kanya ng nagsimula na siyang maglakad.

Bago pa kami mag-away ni Zyron kung sino ang kakatok, pinindot ko na lang yung button na nakita ko sa tabi ng pintuan.

𝘋𝘰𝘰𝘳𝘣𝘦𝘭𝘭 𝘢𝘵𝘢.

Halos atakihin ako sa puso ng kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang abot Neptune na sigaw ni Tita.

𝗭𝗬𝗥𝗘𝗡𝗜𝗔'𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

~DINGDONG~DANTES~ (charowt, baka magselos ang baby Ron ko hihi)

Halos kumaripas ako ng takbo papuntang pintuan ng marinig ko ang doorbell.

𝘕𝘢𝘯𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘺 𝘡𝘺𝘳𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘣𝘢𝘣𝘺 𝘓𝘦𝘵𝘪𝘴𝘩𝘢 𝘬𝘰𝘰𝘰𝘰𝘰𝘰𝘰𝘰𝘰𝘰𝘰! ^-^

"ZYROOOOOOOOON BAAAAABYYY, LEEEETISHAAAAAA!!" heart warming na welcome ko sa kanila habang nakangiti ng sobrang lawaaak!

𝗟𝗘𝗧𝗜𝗦𝗛𝗔'𝗦 𝗣.𝗢.𝗩

Ngumiti naman ako kay Tita Zynia ng buksan niya yung pintuan sa'min at bumungad ang napakaaliwalas na ngiti ni Tita.

𝘗𝘩𝘦𝘸, 𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘱𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘦𝘢𝘳 𝘥𝘳𝘶𝘮𝘴 𝘬𝘰.

As expected, yinakap kami ni Tita ng mahigpit! Mas mahigpit pa sa sinturon na suot ko!

𝘐𝘯𝘩𝘢𝘭𝘦, 𝘌𝘹𝘩𝘢𝘭𝘦. 𝘏𝘶, 𝘩𝘢.

Nakahinga ako ng maluwag ng kumalas na sa yakap si Tita. Kung wala nga lang si Tita baka exaggerated na akong humihinga ng malalim ngayon.

"Oh, sya hihi. Sorry na-miss ko lang kayong dalawa. Lalo na ang baby Zyron ko hihihi!" nakangiting sabi ni Tita sabay pisil pa sa pisngi ni Zyron. Akala ko nga aangal 'tong si Zyron pero matamis lang niyang nginitian ang Mama niya.

𝘗𝘭𝘶𝘴 𝘱𝘰𝘨𝘪 𝘱𝘰𝘪𝘯𝘵𝘴 '𝘺𝘢𝘯, 𝘫𝘰𝘬𝘦!

"Oh, halika na. Pumasok na kayong dal--" hindi pa natatapos ni Tita ang sasabihin niya ng biglang sumingit si Tito Ron.

Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang suot ni Tito Ron.

Pink off-shoulder dress na abot hanggang paa na kulay pink na may halong yellow. Pero kahit papaano ay kita pa naman ang white high heels ni Tito. At bongga din ang kanyang mala-Miss Universe na crown ni Tito na kumikinang-kinang pa. Naka-curl din ang buhok ni Tito at may light make-up.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon