꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 31꧂

187 12 226
                                    

LETISHA’S P.O.V

Everything was still the same.

Akala ko kasi magbabago ang pakikitungo nila sa’kin dahil iniwan kong nakatunganga si Zyron nung proposal nya. Pero hindi naman sila nagbago, parang medyo tumahimik lang.

Hayst.

Si Manzie parang nalulungkot kasi halata namang ZyDen admin daw sya, pero naniniwala daw siyang may chance pa kami. Si Allisa chineer up lang ako. Sabi pa nya alam naman daw niyang may rason ako kung bakit ko iniwan na lang ng walang sagot si Zyron. Masaya naman ako na kahit papaano ay naiintindihan nila ako.

Si Zyron? Ayun, kinakausap pa din naman nya ako. Parang gusto ko nga siyang kausapin tas sabihing ‘yes’ ang sagot ko sa proposal nya pero ayoko namang madaliin. Kailangan ko talagang pag-isipan ng mabuti itong desisyon na ‘to lalo na’t sabi nga ni Raux, future married life ang nakasalalay dito. One wrong move, ako din ang magsusuffer.

Pero parang as time goes by, parang narerealize ko na kung ano ba talaga yung nararamdaman ko.

Right, ilang months na pala ang nakalipas matapos siyang magpropose, pero ni kailan man, hindi na ulit iinungkat ni Zyron yung proposal nya. Para bang tanggap nyang ‘no’ ang sagot ko at nirerespeto nya ‘yon.

Kahit na wala pa naman talaga akong sinasabi.

Birthday ni Tita Zyrenia next week, tas next next week, debut na ni Aki. Pero wala naman nang problema dahil may naipon na ‘ko.

Months na pinigilan ko ang sarili kong bumili ng extra snacks para sa debut ni Aki. Pero allam ko namang worth it ‘yon.

“Okay, guys. Tapos na ang shoot, thank you for your cooperation and hard work!” sabi ni Direk Ire sabay palakpak, pumalakpak din naman ako.

Oo nga pala, nagbreak daw muna si Direk Cail at next month pa babalik. Kaya si Direk Ire daw muna ang substitute nya—kaibigan ni Direk Cail.

Pero lalaki si Direk Ire eh. Hmm.. Pwede ding bf ni Direk Cail. Joke. Pero pwede din..

“Denisha, Allisa. Una na ‘kong umuwi sa inyo ha? May ice cream daw na dala si Papa eh.” Sabi ni Manzie na halatang atat na atat ng umuwi, natawa na lang ako bago sya tinanguan.

Parang bata talaga ‘to hahah. Pero sino nga bang tatanggi sa ice cream? Maliban na lang kung ‘di ka mahilig sa desserts. Pero parang wala pa talaga akong kilala na may ayaw sa ice cream.

“Mhm. Sige lang, Manz.” nakangiting sabi ko sabay babye, napataas naman ang kilay nya ng marinig ang tinawag ko sa kanya.

“Bago ‘yan, ah? Haha. Sige. Allisa!! Sasabay ka ba?” sigaw nya kay Allisa na nasa makeup room pa, inilalagay sa kit nya ang mga makeup na pinadala sa kanya. Mayamaya lang ay lumabas na din sya. Tinapik nya lang ako sa balikat bago sumabay nang maglakad kay Manzie. Sabay naman silang kumaway sa’kin at ganoon din ako sa kanila.

Napabuntong hininga na lang ako, nang biglang may tumapik sa braso ko.

Hm?

“Dennise.” nagulat naman ako nang makita si Zyron.

“Uhm, are you free?” tanong nya habang napapakamot sa batok at napapayuko, napakagat naman ako sa labi ko—pinipigilan ang sariling matawa.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon