꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 25꧂

265 15 141
                                    

LETISHA'S P.O.V

Napabalikwas naman ako nang bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Zyron.

Eh?!

"Goodmorning, Dennise." nakangiting bati nya, nagtatakang napalayo ako.

Ba't parang mas naging showy at lively ngayon si Zyron? Eh nung nasa agency, poker face lang sya lagi ah?

"Wala man lang ba akong 'good morning'?" nakangiting pang-aasar nya.

"Good morning. P-Pwede bang lumayo ka kaunti?" sinunod naman nya ako, kaya nakahinga ako ng maluwag. Umupo ako mula sa pagkakahiga at nag-unat-unat.

Ang aga naman ata niyang nagising?

Napatingin ako sa cellphone ko nang macurious ako sa oras, at nanlaki ang mga mata nang makitang 10AM na!!

"10 na pala ng umaga?!" gulat na baling ko sa kanya, tumango lang sya bago tahimik akong tinitigan.

"Bakit di mo 'ko ginising?!" tanong ko ulit, kita ko namang nagtaka sya dahil sa pagkakunot ng noo nya.

"Wala ka namang binilin na gisingin kita ng maaga ah?" kunot-noong tanong nya, tinignan ko lang sya ng masama bago tinali sa low ponytail ang buhok ko.

"Ah, kakain na pala." napatingin ulit ako sa kanya nang magsalita sya.

"Actually, kaninang 6AM pa ako nagising kasi nag-announce si Mr. Azicail, but he said na , dapat daw kasama mo ang partner mo kumain so I just waited for you to wake up." he said, explaining kung bakit kanina pa sya nakatitig sa'kin. Parang nahiya naman ako kaya nag-iwas ako ng tingin.

Geez, napaka-insensitive mo talaga, Letisha! Bakit ba kasi laging mainit ang ulo ko tuwing nagigising ako?!

"T-Tara na. Baka gutom ka na." pagyaya ko sa kanya bago naunang lumabas ng tent. Mas lalo akong naguilty nang umakto siyang gutom na gutom habang hinihimas ang kaniyang tiyan.

Pagkalabas, maaraw pa din pero iba na ang tama ng sikat ng araw, mas direkta at mainit.

Napatingin naman ako sa mga kasamahan naming nagkalat sa mga bench. May ibang lumalangoy na sa dagat at may ibang naglalaro sa buhanginan, yung iba ay nagmumuni-muni lang.

Come to think of it, hindi pa pala ako nakakalangoy sa dagat. Mamaya, umalis na kami bukas at lahat-lahat, ako na lang ang hindi pa nakakalangoy.

Isa sila Manzie at Maji sa mga taong lumalangoy na sa dagat, habang si Yinx ay nakatulala lang tapos si Allisa at kumakain.

Nagulat naman ako nang hilahin ako ni Zyron papunta sa may mesa.

"Masyado kang nag-oobserve, nagugutom na 'ko." seryosong usal nya, doon ko lang ding narealize na nakanguso na pala sya.

Gutom na din naman na ako pero hindi ako basta-basta na lang nanghihila.

Nang nasa harapan na kami ng lamesa, kumuha ako ng paper plate at tinitigan muna ang mga pagkain na nakahain sa lamesa, nakapatong ulit sya sa dahon ng saging.

Fried rice, nilaga, sunny side up at scrambled na itlog. Mayroon ding inihaw na hotdog, longganisa, kamatis, nilagang talong, siomai, tuyo, spam at hinog na mangga.

Lalo akong nagutom.

Nagsandok ako ng kanin sa plato ko, bago naglagay ng scrambled egg, longganisa, kamatis, nilagang talong at tuyo sa plato ko.

Babalik ulit ako mamaya mwehehehe.

Pagkatapos ay tabi kaming umupo ni Zyron sa isang bakanteng bench, bago nilantakan ang pagkaing kinuha namin.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon