꧁𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 27꧂

212 14 123
                                    

LETISHA’S P.O.V

“Anong ginagawa nya dito?” wala sa sariling bulong ko, ni hindi ko man lang maalis ang tingin ko sa babaeng tinutukoy nilang si Arnette na sya ring babae sa bar.

Model din sya dito? Bakit parang hindi ko naman ata sya nakikita lagi dito?

“Denisha, ayos ka lang?” napatingin naman ako kay Manzie nang yugyugin nya ako sa braso, tumango lang ako bago muling ibinalik ang tingin sa harapan.

“Everyone, meet Hannah Dervaux, Mr. Yinx Dervaux’s older sister. She’ll be one of our emergency models starting from today.” anunsyo ni Direk Cail sa mic.

“Emergency model? So that means…” napalingon ako kay Manzie nang bumulong sya.

“Pupunta lang sya dito sa studio if Direk Azicail asked for a temporary replacement for models na hindi maka-attend ng shoot nila. But she can also run to the studio for minor shoots, hindi yung shoots na ilalabas sa media.” pagdugtong ni Allisa sa sinabi ni Manzie, tinanguan ko lang sya habang si Manzie naman ay parang nalungkot. Taka kaming napatingin sa kanya.

“Sayang, makikipagclose pa naman sana ako sa kanya para kay bebe Yinx.” nakangusong sabi nya, mahinang binatukan lang sya ni Allisa habang ako ay napailing na lang.

Manzie’s Manzie. Akala ko pa naman gusto niyang makipag-kaibigan kay Hannah, pero for Yinx lang pala. Tsk.

Emergency models are like the temporary models na ipapasok lang sa shoots for replacement sa mga models naming hindi makaka-attend ng shoot nila for emergency purposes; katulad nung ginawa ko nung hindi maka-attend ng shoot si Ms. Arnette. Pero hindi naman ako emergency model, talagang kinailangan lang namin ng replacement for Ms. Arnette that time at sa kasamaang palad, wala pa kaming emergency models noon, meron man pero dadalawa lang at busy pa sila sa iba pa nilang mga works kaya unavailable silang lahat. Parang part-timer lang din ang emergency model pero ang pinagkaiba lang, ang part-time may oras pa din, eh ang pagiging emergency model ay no exact date at time talaga, kaya we’re really recruiting for at least 10 emergency models para sure, kasi hindi naman laging available lahat ng emergency models kasi nga pwedeng may iba pa silang trabaho.

“Stop using people na malapit kay Mr. Dervaux para lang makaclose mo sya, kung gusto mo talagang makaclose si Mr. Dervaux, then ikaw na mismo ang lumapit sa kanya hindi yung gagamit ka pa ng iba.” napatingin ako kay Allisa, cross-arms siyang naglakad palayo sa’min, ngumuso lang si Manzie, sumulyap sa’kin bago sumunod kay Allisa. Napabuntong hininga na lang ako.

Susunod na sana ako sa kanila ng marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

“Letishaaa!!” napalingon naman ako sa likuran ko; at tama ngang si Hannah ‘yon. Humarap ako at hinintay na lang siyang makalapit sa’kin.

“Namiss kitaaa!!!!” napaatras naman ako ng kaunti ng sinalubong nya ako ng mahigpit na yakap.

“Huy! Magsalita ka naman d’yan, napipi ka na ba?!” mariin akong napapikit nang sumigaw si Hannah. Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

“Okay na okay na, Hannah. Namiss din kita, okaay?” naiilang akong ngumiti sa kanya, para kasing mas umingay sya ngayon. Nginitian nya lang ako ng pagkalawak-lawak kaya mas lalo akong nailang.

Hindi kaya sumanib sa katawan nya ang espiritu ni Lalaine? Nagkapalit kaya sila ng kaluluwa ni Laine?

Napailing na lang ako.

Masyado na naman akong nag-ooverthink, hindi na maganda ‘to.

“Kamus—” hindi pa tuluyang natatapos ni Hannah ang sasabihin nya ng may tumawag naman sa kanya. Sabay naman namin itong nilingon at laking gulat ko nang makita yung babae sa bar—este yung Arnette.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon