Chapter 7: Dr. Bless

53 11 0
                                    

          Ledesma University-High School Department

     Mahimbing na natutulog si Blake sa kanyang desk nang biglang may sumipa sa kanyang kinauupuan.

     Wala silang klase para sa kanilang first subject.

     Naalimpungatan si Blake. Eksaktong iangat niya ang kanyang ulo ng makita niyang may kamay na akmang magbubuhos ng juice sa kanya.

     She's well trained in self defense. Kaya kapag may panganib mabilis pa sa kidlat ang kanyang mga kamay. She automatically grabbed the hand and twisted it.

     Sumigaw ang nagmamay ari ng kamay. Si Alyana Escudero.

    Nagtakbuhan ang mga PSG sa loob ng classroom.

    Pero bago pa sila nakalapit naibuhos na ni Blake ang laman ng bote ng orange juice sa ulo ni Alyana.

          "I hate being disturbed when I'm asleep!" Nanggagalaiting sabi ni Blake. She's very furious. Binalibag niya ang hawak na babasaging bote ng juice sa sementadong sahig.

     Nagkapira-piraso ang bumagsak na bote sa sahig.

     Napapitlag ang mga naroon.

     She grabbed her back pack. Aalis na sana siya nang bigla siyang tumigil at lumakad pabalik sa harap ni Alyana na shocked pa rin.

          "Ah....! One more thing...I hate bullies..Papatulan kita, kahit anak ka pa ng Presidente ng Pilipinas"  Nanggigigil niyang bulong dito. "Next time...Pipilipitin ko na ang leeg mo!" banta niya.

     Napaiyak si Alyana sa kahihiyan at galit.

     Lalo na nang marinig ang bulong ng ilan niyang mga kaklase.

          "She deserved it...!"

          "Nakahanap ng katapat..!"

          "Mayabang kasi....!"

----------***----------

          Ledesma Tower, Makati City.

     Padabog na ibinaba ni Blake ang kanyang back pack sa coffee table na nasa gitna ng maluwang na opisina ni Iggy.

          "Binuhusan mo talaga ng Juice si Alyana?"  Salubong ni Iggy sa kanya.

     Tila biglang nahilo si Blake.  Sapo ang ulo napaupo siya sa upuang malapit sa kanya.

     Napatakbo si Iggy papalapit dito.

           "Are you alright?"

     Napapikit ito. Hindi umumik ng Ilang minuto.Hindi tinugon ang tanong ng asawa.

    Kinabahan si Iggy. Bigla niyang hinawakan sa balikat ang nakapikit na asawa.

          "Don't touch me!"  Galit na iwinaksi ni Blake ang mga kamay ng asawa. Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido. "What happened again?" bulong niya.

          "Blake?" Nag aalalang tawag ni Iggy sa asawa. Hindi niya alam kung hahawakan niya ulit ito.

     Biglang bumukas ang pintuan, pumasok si Andy.

          "Andy, grab a bottle of water please!" tarantang utos niya kay Andy.

     Dali daling tinungo ni Andy ang refrigerator na nasa sulok ng maluwang na silid.

          "I don't need water!" Iritadong sabi niya, sapo ang kanyang ulo. Tumayo siya.  Iniikot ang paningin sa kinaroroonan. "Nasaan ako?!"

          "You are in my office. You just came from school." Tarantang tugon ni Iggy sa kanya. 

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon