Chapter 24 : Dreams Are My Reality

37 12 0
                                    

Nakaupo silang lahat sa harap ng mahabang dining table. May apat na unipormadong babae na nakatayo sa bawat sulok ng dining room.

"Nay, nandito si Chef Aran?" Tanong ni Bless ng makita ang mga nakahaing pagkain. Mixed cuisine Chinese at Thai.

"Pinatawag ko siya nang magsabi kang uuwi ka." Tugon ni Nanay Rita na abala sa pagbibigay ng instructions sa apat na unipormadong babae.

Tinawag ni Bless ang isa sa mga unipormadong babae.

"Could you tell Chef Aran to join us when he's done in the kitchen?"utos niya sa tinawag na babae.

Tumango naman ito at mabilis na tumalima.

"Kung mapapansin niyo iba-ibang lahi kami dito. Pero lahat kami nakakapagsalita ng English, Tagalog, at Mandarin. Sabay sabay kaming pinaturuan ni Blessilda." Paliwanag ni Nanay Rita.

Inalalayan ito ni Bless na umupo sa upuan sa tabi ni Almira.

"Lahat kami mga walang kapamilya. Kaya kami-kami na lang ang nagtuturingang magkakapamilya." Patuloy nito. "Napakaswerte naming lahat na may taong katulad nitong si Blessilda. Halos lahat kami pinulot niya sa lansangan. Dinamitan, pinakain, binigyan ng tahanan, at mabuting pagkatao."

Lahat ng mata nakatingin kay Bless na masayang ngumiti lang sa kanila.

"I have so much to share. I'm blessed to be a blessing." Kaswal niyang sabi.

Maya maya pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng puting uniporme. Matikas at gwapo ito kahit hindi masyadong katangkaran. Nakatutok ang mga tingin kay Bless, nakabalandra ang matamis na ngiti sa mga labi.

"Haojiu Bujian, Xiao Tianxin!"  Masaya itong lumapit kay Bless.

Mabilis na tumayo mula sa kinauupuan si Bless, sinalubong ito. Halos patalon niya itong niyakap.

"Long time no see, handsome!"

Napatayo si Iggy ng makitang halikan nito si Bless sa ulo. Agad naman hinila ni Mickey ang katabi pabalik sa pag upo.

"Relax!...Just observe." Bulong ni Mickey kay Iggy. "Nakakamatay ang sobrang selos, Ignazio." buska niya sa kaibigan.

"I don't like other man kissing my wife." Gigil na ganting bulong ni Iggy. Matalim ang tingin kina Blake at sa kausap.

"I miss you, little sweetheart. I heard you got hurt? We are all worried here." Masuyong sabi ng chef.

"I'm totally fine." Nakangiting tinapik nito ang pisngi ng kaharap. "By the way, these are my family" ipinakilala niya ang kanyang pamilya isa-isa. "This is Chef Aran. He's half Filipino-Thai. His mom was from Thailand and his dad was a Filipino." Masayang dugtong ni Bless.

Yumukod ang pinakilala bilang paggalang. "Magandang Gabi po sa inyong lahat. Please enjoy the food. Ikinagagalak ko pong ipagluto ang first family ng Pilipinas." Nakangiti nitong sabi.

Hinila ito ni Bless at pinaupo sa tabi ng kinauupuan niya kanina. Nasa gitna siya ng asawa at ng chef. Tahimik na pasulyap sulyap lang si Iggy sa asawa.

Pinunasan ni Chef Aran ang kamay sa basang hand towel na nakahanda sa tabi ng kanyang plato. Kumuha siya ng ilang pirasong hipon. Isa-isa nitong binalatan at inilagay sa plato ni Bless.

"Xiexie Ni." nakangiting sabi ni Bless na isa-isang sinubo ang nabalatang hipon. "I missed your cooking!" She exclaimed.

"Paano kayo nagkakilala ?" Tanong ni Mickey sa dalawa.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon