Part 16 : Jealousy Is Love

45 12 0
                                    

     Magdamag na hindi umuwi mula sa Hospital si Bless. May sixteen hours surgery ito.

     Nasa Operating room pa rin ang asawa ng dumating si Iggy sa Hospital para sunduin ito. Tahimik siyang nakaupo sa waiting area sa làbas ng Operating room.

          "Ignazio?!" Tawag ng sexy at magandang babae na papalapit sa kinauupuan niya.

          "Samantha?!" Napatayo si Iggy sa pagkakaupo. "Long time no see!" Masayang sinalubong niya ito.

     They hugged each other.

     Matamis ang ngiti sa isat isa.

     Nakahawak pa rin si Iggy sa beywang ni Samantha at nakahawak naman sa magkabilaang braso ni Iggy si Samatha ng malabasan sila ni Bless mula sa Operating room.

     Kumuyom ang kanyang mga kamao, she don't understand her feeling but she knows, she's angry. Nagpupuyos na nilagpasan niya ang dalawa ng walang imik.

     Nakita ni Iggy si Bless, bigla siyang bumitaw kay Samantha.

          "Dr. Bless!" tawag niya dito pero hindi siya nilingon. "She's my wife." sabi niya kay Samantha. "Nice to see you again, I have to go." paalam niya dito bago mabilis na hinabol si Bless.

     Nakangiting tumango si Samantha.Isa siya sa mga Ex-girlfriend ni Iggy. Siya lang naman ang isa sa mga Highest paid sexy star ng Philippine show business.

     Namumula ang maganda at cute na mukha ni Bless ng lumabas sa locker room. nakapagpalit na ito ng casual clothing. Matalim ang tinging ipinukol sa asawa.

         "Hi, wife!" nakangiting bati ni Iggy dito, naghihintay siya sa labas ng locker room.

     Nilagpasan lang ni Bless ang asawa. Dire-diretso siyang nagmartsang palabas.

     Hinabol siya ni Iggy, nang mahagilap ang isa niyang kamay, hinila siya nito at sumubsob siya sa dibdib ng asawa.

          "What are you doing?!" she exclaimed "we are in a hospital!" Galit niyang sabi dito.

          "I know, pero hindi mo ako pinapansin eh!" mahigpit na niyakap ni Iggy ang asawa na nagpupumiglas. "Dahil ba nakita mo akong yakap si Samantha,? We're just catching up..." paliwanag ni Iggy.

          "Catching up with hugs and smiles?!" naiiritang sabi niya. Pinilit kumawala sa pagkakayakap ng asawa. "Let's go home!..."sabi niya ng makawala mula sa pagkakayakap ni Iggy, at nagpatiuna na sa paglabas.

     Nagkakamot sa ulong sumunod si Iggy sa kanya.

     Hanggang sa sasakyan nakasimangot si Bless.

     Gustong matawa ni Iggy pero pinigilan niya ang sarili. Tahimik siyang nagmaneho pauwi.

     Wala paring imik si Bless hanggang makauwi sila.

      Sinundan ito ni Iggy pero bago pa man siya makapasok sa loob ng kwarto binalibag ni Bless ang pintuan ng silid tumama ito sa mukha niya.

     Gusto matawa ni Dra. Magda na nakaupo sa sofa. Pero pinigil niya ang sarili. Napailing na lamang ang Dra.

     Kinatok ni Iggy ang pintuan ng silid. Pero hindi siya pinagbuksan ni Bless.

         "What happen?" tanong ng Dra. kay Iggy na nakabalandra ang di mapigil na ngiti sa mga labi nito.

           "I think, she's so upset. I'm not sure if she's jealous or just angry." Naguguluhang tugon ni Iggy. "What should I do?"

     Napangiti si Dra. Magda."Aren't you happy that she's jealous? I think that's a good sign. She started showing some emotions now." Sabi nito kay Iggy.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon