Chapter 14: Fall In You

49 12 0
                                    

          Ledesma University Hospital.

     Sabay na nag almusal sina Dra. Magda at Iggy sa Cafeteria ng Hospital. Kasalukuyang nasa operating room si Bless para sa walong oras na operasyon. Isang linggo na ang lumipas mula ng mag umpisa ito bilang Chief Neurosurgeon ng University Hospital ng mga Ledesma.

          "I noticed, madalang na ang episodes ni Bless, Tita. Do you know why?" Putol ni Iggy sa tahimik nilang pag aalmusal.

          "I think, she started trusting you. I noticed, she's very comfortable with you now." sagot ng Dra. "I think, this is a very good thing. I noticed, she often smile now. Halos hindi ko na napapansin ang kanyang Poker face." Nakangiting dugtong ng Dra.

          "She told me, she wants to go back in the States. But I can't let her go." malungkot na sabi ni Iggy. " I can't lose her, again. She needed me more than I needed her."

     Napatitig si Dra. Magda sa kaharap. "I know. Salamat sa pagmamahal at pang unawa mo sa kanyang kalagayan."

          "She's my everything." may lungkot na tugon ni Iggy.

          "I know. And, Thank you, Ignazio." Nakangiting sabi ng Dra.

—————***—————

     Maghapong naging busy si Bless sa Hospital, ganun din si Iggy sa opisina. Alas Sieste na ng gabi ng sunduin ni Iggy ang asawa sa Hospital. Nalabasan ni Bless ang asawa na pinagkakaguluhan ng mga kinikilig na mga Nurses sa Nurses Station.Natigilan ang lahat ng makitang papalapit si Bless.

          "Good Evening, Dr. Bless!" nakangiting bati ng mga ito sa kanya.

          "Good Evening." pormal na tugon ni Bless.

          "Hi, wife! How's your day?!" masayang sinalubong ni Iggy ang asawa. Kinuha niya ang dala nitong handbag. He hold her hand then kissed her on her forehead. "Na miss kita" bulong niya dito.

          "Hey!...Ang daming nakatingin." Tila nahihiyang sabi ni Bless.

     Nginitian lang siya ni Iggy.Kumaway ito sa mga Nurses na kinikilig sa kanilang dalawa.

          "Nag dinner ka na?"masuyong tanong ni Iggy sa kanya.

          "I haven't eaten all day." tugon ni Bless

          "What?!" Kunot noong napatingin si Iggy sa asawa. "Mrs. Ledesma, hindi pwedeng nagpapalipas ka ng gutom."

          "I was busy. I had three surgeries. I don't have time to eat." paliwanag ni Bless.

          "Hindi pwede ang palaging ganyan asawa ko. Baka magkasakit ka." masuyong sabi ni Iggy dito. "Wala pa tayong dinner date, do you want to eat somewhere else?" Masayang suhestiyon nito sa asawa.

           "How about, Tita Magda. She maybe waiting for us?" tugon ni Bless.

         "Actually, she already knew that I'll date my beautiful wife, tonight." kinindatan niya ito.

     She chuckled. "May patanong tanong ka pa, may plano ka naman na pala."

     Natawa si Iggy. Kinabig niya ang asawa. "I love you, Dr. Bless"

Natigilan si Bless. Tinitigan niya ang mukha ng asawang nakaakbay sa kanya.

"Is missing you all day means, love?" Puno ng kuryosidad na tanong niya kay Iggy.

"Maghapon mo akong na miss?!..." maluwang ang ngiting tanong ni Iggy, parang teenager na tila kinilig sa sinabi ng asawa.

Nagkibit balikat si Bless. Kumawala sa pagkaka akbay ng asawa. Nagpatiuna ito patungo sa kanilang sasakyan.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon