Chapter 9 : Behind The Switching

54 11 3
                                    

     Pagkatapos magpalit ng damit pang bahay tumungo sa kusina si Bless. Tahimik niyang pinagmasdan ang nakatalikod na si Iggy.Inihahanda nito ang nilutong pagkain sa Kusina.

      Parang may humila sa mga paa ni Bless. Walang ingay niyang nilapitan at niyapos mula sa likuran ang asawa.

     Halos mabitawan ni Iggy ang hawak na sandok at bowl. Natigilan siya sa ginagawa.Maya maya pay naramdaman niya na tila umiiyak ang asawang nakayapos sa kanya.

          "Be still..." Bless whispered.

     Nanatiling hindi kumikilos sa pagkakatalikod si Iggy kahit gustong gusto na niyang harapin at yakapin ang tila umiiyak niyang asawa.

     Ilang minuto pa ang lumipas nang maramdaman niyang lumuwag ang pagkakayakap ni Bless sa kanya. Unti unti siyang pumihit paharap dito.

     Humikbi si Bless.

     Tama ang hinala ni Iggy umiiyak ito. "What's wrong?" malambing niyang tanong dito.

     Umiling lang si Bless na hindi mapigilan ang kanyang mga luha. "I don't know why I'm so emotional today?" napahikbi siya.

     Kinuha ni Iggy ang makabilaang kamay ng asawa. Ikinawit niya ito sa kanyang leeg. Hinawakan niya ito sa balakang.

     Binuhat niya itong parang bata at iniupo sa mataas na stool  na nasa tabi ng breakfast bar ng kusina. Pinahiran niya ang mga luhang patuloy na dumadaloy mula sa mga mata nito.

          "Hush! what should I do?"Hinawakan niya ang maliit at magandang mukha ng asawa."Tell me what's wrong, huh?" Puno ng pag aalalang sabi niya.

     Napahikbi lang si Bless. "I'm not sure...I don't really know why I feel so sad..." muling tumulo ang luha ni Bless.

     Hindi napigilan ni Iggy ang sarili, bigla niyang hinalikan sa labi ang umiiyak na asawa.

     Natigilan si Bless pero patuloy pa rin ang paghikbi.

     Ang damping halik ay naging mapanuyo. Hanggang sa maramdaman ni Iggy na napakapit na sa kanyang balikat ang mga kamay ng asawa. Lalong lumalim ang kanyang halik dito. Nanunuyo...Nanunudyo...

     Ilang saglit lang, parang estudyanteng natuto si Bless...Masuyo niyang tinugon ang bawat dampi at hagod ng mga labi ni Iggy.

----------***----------

          Manila International Airport.

     Masayang sinalubong ni Bless ang tiyahin.

          "Tita!...How's your trip?"

          "Not bad. Nakakangawit lang sa sobrang haba" Natatawang tugon ni Dra. Magda. Masaya niyang niyakap ang pamangkin. "I miss you, Blessilda."

     Alam agad nito na si Bless ang kausap. Dahil "Doc Magda" ang tawag ni Blake sa kanya. Kapag si Bless ang kanyang kaharap tinatawag niya itong "Blessilda"

          "So, this is the pambansang playboy, ha?" maluwang ang ngiting binalingan niya si Iggy.

     Napakamot sa batok si Iggy.  "Welcome Home Po!" Magalang na sabi nito sa Dra.Iniabot ni Iggy ang kanang palad. "Ignazio Ledesma po." pakilala niya sa sarili. "Just call me, Iggy."

     Inabot ni Dra. Magda ang kamay nito. "How are you related to Dr. Leon and Dra. Angela Ledesma?"

     Nagulat...Kunot noong tinitigan ni Iggy ang kausap. "Do you know my parents?" He politely asked.

     Tumango si Dra. Magda. "San tayo, sa Hotel?" tanong nito kay Iggy at Bless.

          "My condominium has three rooms. We could stay there tonight para makapagpahinga po kayo. Tapos bukas, we'll  go to Subic if that's okay with you." Tugon ni Iggy.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon