Chapter 23 : My Hurt and My Healer

41 12 0
                                    

Hindi mapakali si Bless. Palakad-lakad siya sa loob ng kanyang Opisina. Tapos na ang kanyang consultation hours at rounds, wala din siyang scheduled surgeries. Hindi maalis sa isipan niya ang nakita nang mag shopping sila ni Alyana. Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa kanyang desk.

"We need to talk." Seryosong sabi niya ng may sumagot sa kabilang linya. "ASAP."

Kinagabihan, lumanding ang private chopper ng mga Escudero sa Helipad ng Ledesma Tower. Lulan nito ang Presidente, ang First Lady, at si Mickey.

Puno ng pag aalalang pinagmamasdan ni Iggy ang asawang kanina pa walang imik. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa sa loob ng kanyang opisina. Busy sa kanyang laptop. Gusto niyang isipin na si Blake ang nakikita pero agad niyang iwinawaksi ang ganung isipin. Simula ng magising ito sa pagka-comatose parang pinagsamang Blake at Bless na ang kanyang asawa.

Maya-maya pay umawang ang pintuan. Sumilip si Andy mula rito.

"They are here!" he declares before he open the door.

"Thanks, Andy!" Nakangiting sabi ni Bless.

"Kung wala na kayong kailangan, mauna na akong umuwi." Paalam nito sa mag asawa at sa mga Escudero.

"Okay, have a goodnight and take care!" Sabi ni Bless dito.

Ako na bahala sa kanila, thank you!" Sabi ni Iggy na kumaway sa kaibigan.

Sabay-sabay na pumasok ang mga Escudero sa magarang opisina ni Iggy.

"Hindi ko na matandaan ang huling pagpasok ko dito." Sabi ni Mickey habang iniikot ang mga mata sa loob ng silid.

"You have a beautiful working space, Ignazio." Puri naman ni Eduardo.

Tahimik lang na nagmasid si Almira. Hindi malaman kung babatiin si Bless.

"You all take a seat." Pormal na sabi ni Blake.

Sabay sabay namang sumunod ang mga sinabihan. Pati si Iggy tahimik na umupo sa kanyang upuan sa harap ng kanyang office desk.

"Tonight, I will be a doctor and a member of this family." Seryosong sabi ni Bless. "This is all about Ally." nakatutok ang kanyang mga mata kay Almira.Gusto niyang makita ang reaksyon nito.

Nagkatinginan ang kanyang mga kaharap.

"Gaano kalala sa akala niyo ang depression niya?" Nanatiling nakatutok ang mga mata ni Bless kay Almira.

"She goes to Therapy since she was thirteen." Tugon ni Mickey. "She seems doing fine." Dagdag pa nito.

"The therapy is not working." Mabilis na tugon ni Bless. "Hindi lang simpleng depression meron si Ally. I suspected a borderline personality disorder." Dugtong niya na tumingin sa ama. "Alam niyo bang sinasaktan niya ang sarili niya?..." kay Mickey naman siya tumingin bago ibinalik ang tingin kay Almira. "Did you ever check her body?" Tanong niya dito.

Tila naparalisa si Almira. Namutla ito. "Diyos ko!" She said sa gumaragal na boses. Napailing iling ito.

"Yes! She's hurting herself." Pormal na tugon ni Bless. "In the medical world this is called Non-suicidal Self-injury or NSSI. This is commonly associated to depression and borderline personality disorder." Paliwanag niya.

Natigagal lahat ng kaharap niya. Napatitig ang mga ito sa kanya.

"Did she talked to you about this?" Tanong ni Mickey na hindi makapaniwala sa sinabi ni Bless.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon