Chapter 6: The Switch

60 11 0
                                    

          Ledesma Condominiums

     Mahimbing na magkatabing natutulog sina Iggy at Blake sa kama.

----------***----------

     Malakas ang dagundong ng kulog at nakakatakot ang guhit ng bawat kidlat.

     Nanginginig siya sa ginaw at takot. Magkahalo ang kanyang luha at sipon. Nakabaluktot siya sa madilim na sulok.

     Kasabay ng malakas na kulog at kidlat ay ang sigaw ng babaeng nasasaktan. Malinaw sa pandinig niya ang mga tunog ng nababasag na bote kasabay ng sigaw at iyak ng tila tinotorture na babae.

     Ang kanyang "Mommy"

          "Mommy!" Nanghihinang bulong niya.

     Ang kanyang payat at maliit na katawán ay gusto ng bumigay dahil sa takot, lamig, at gutom.

     Napakadilim ng basement. Nasa loob pa siya ng cabinet, nakabaluktot.

          "Sorry, Mommy. Sorry..." She cried.

     She bawled.

     She's too tiny to save her mother from her abusive boyfriend.

     Ang bawat sigaw ng kanyang ina ay parang kutsilyong sumusugat sa kanyang murang pagkatao.

          "Dito ka lang ha. Don't come out kahit na anong mangyari. Promise me."

     Ito ang palaging sinasabi ng ina sa kanya tuwing naka high sa drugs o di kaya ay lasing ang kinakasama nito.

     Nila locked siya ng ina sa malamig, madilim, at maliit na basement ng kanilang tinitirhang bahay.

     Ayon sa ina, she will be safe here. Hindi siya masasaktan ng sira ulo nitong kinakasama.

     Minsan, ilang araw siyang naroon, lalo na kapag nasobrahan są bugbog są katawan ang ina at di makabangon para ilabas siya mula dito.

     Nakakatulog na lang siya sa gutom.

     Pinagtitiyagaan niyang mamaluktot sa madilim na cabinet, yakap ang manipis na kumot na nilagay doon ng ina para sa mga ganitong sitwasyon.

     Minsan may tubig at tinapay siya, pero sa pagkakataong ito walang maibili ng kahit man lang crackers ang ina, kinuha lahat ng boyfriend nito ang kinita nito sa paghuhugas ng plato sa restaurant, kinain din nito ang inuwi nitong tira-tirang pagkain na para sana sa kanya.

          Dalawang taon.....

     Dalawang taon na simula ng pumunta sila ng ina sa Amerika.

     Malinaw pa sa kanyang ala ala ang lahat. At alam niyang hindi niya makakalimutan ang lahat...

     Dahil ang bawat iyak, sigaw, at pagmamakaawa ng ina, ang bawat pasa at sugat nito sa katawan nakaukit sa kanyang isipan.

     Sumusugat sa kanyang puso at pagkatao....

          "Mommy...!"

     Napasigaw siya ng malakas ng dumagundong ang malakas na kulog!

     Nanginginig ang kanyang katawan.

----------***----------

     Napabalikwas si Iggy. Naalimpungatan siya sa pagtulog.

     Biglang bumangon at sumisigaw ang katabi sa kama.

   Mula sa kama, patakbong sumiksik si Blake  sa sulok ng silid.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon