Chapter 27 : I Was Born For You

45 12 0
                                    

Manila International Airport, Philippines.

Sangkaterbang nagkakagulong media ang sumalubong kina Blake sa paglabas nila ng Airport.
Tanging mukha na lang ng naghihintay na si Iggy ang nasulyapan ni Blake sa gitna ng crowd.

"Michael, totoo bang nagpunta ka ng China para magpakasal? Siya ba ang pinakasalan mo?!" Umpisang tanong ng isa sa mga naroon.

"No..." Maiksing tugon ni Mickey.

Bless chuckled. In fairness nagprepreno din pala ang bunganga ng kapatid.

"May mga picture na kumakalat sa social media." Sabi ng isa pang naroon.

Nagkatinginan sina Bless at Mickey.

Biglang sumingit si Eduardo sa pagitan ng mga anak. "Ladies and Gentlemen, this is my eldest daughter. Summer Blessilda Snow, Escudero-Ledesma. She's my daughter with the late Summer Snow." Inakbayan ni Eduardo si Bless.

Lalong nagkagulo ang mga press. "Bakit ngayon mo lang siya pinakilala, Mr. President?"

"Because she's a very private person." Tugon ni Eduardo.

"How's your relationship with your father?"Tanong ng isang naroon kay Bless.

Nakangiting tumingin si Bless sa Ama. "So far so good!"  Tugon niya.

"Why Ledesma? Not Escudero?" Muling tanong kay Bless.

"Because she's married to my best friend, Ignazio Angelo Ledesma." Nakangiting sabat ni Mickey .

"Ang may ari ng Ledesma Tower at condominiums?" Muling tanong ng ilang reporter's.

"Yes! The guy over there!" Itinuro ni Mickey si Iggy na biglang tumalikod.

Binalingan ng mga camera si Iggy.

Natawa sila ni Bless.

"Patay na naman ako." Nagkakamot sa ulong sabi ni Mickey.

Mabilis silang umalis sa kinaroroonan ng press na nadivert ang attention kay Iggy.

"Ikaw ba ang nagmamay ari ng Summer Snow Hotel and Casino?"

Natigilan sa paglalakad si Bless.

"Yes." Tugon niya bago sila tuluyang umalis sa harap ng press.

—————-***—————

Summer Snow Hotel and Casino.

Ang pinakabago at pinakamalaking Hotel at Casino sa bansa.

          "Welcome home, Ma..." bulong ni Bless habang nakatayo sa harap ng magarang building na naiilawan ng pula at asul.

     Nakatingala siya sa malalaking letra na nakalagay sa harap ng building. Hindi na mabilang ang mga properties na ipinangalan niya sa ina. Pero ito lang ang kaisa-isang meron siya sa Pilipinas.

          "Congratulations, anak." Masayang sabi ni Eduardo sa anak.

          "Thanks, Dad! My mothers name is finally home." Nakangiting tugon niya sa ama. "Let's go inside!" Excited siyang nagpatiuna sa paglalakad.

     Pagpasok sa loob ng Hotel ay bubungad sa mga guest ang mural ng ina ni Bless. Larawan ito na kuha sa ilalim ng cherry blossoms, with a book on her hands, she's lying on her stomach with her feet up and crossed ankle. Young and beautiful.

     Magkatabing pinagmasdan nina Eduardo at Bless ang mural.

          "I took this picture...when we were in Japan for our last movie together. I think, she was two months pregnant with you at that time." Malungkot pero nakangiting sabi ni Eduardo.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon