Chapter 20 : You Made Me Live Again

44 12 0
                                    

Parang balon na walang tigil sa pagsibol ng tubig ang mga mata ni Iggy. Panay ang punas niya sa kanyang mga luha habang nakamasid lang sa asawa na pinagkakaabalahan ng mga doctor.Hindi niya malaman ang gagawin. Para siyang napako sa kanyang kinaroroonan.

Nakatutok naman ang mga mata ni Bless sa asawang nakatayo sa paanan ng kayang kama. Ilang minuto rin siyang pinagkaabalahan ng ilang nurses at doctor bago siya tuluyang iniwan ng mga ito.

Tila nahimasmasan si Iggy ng maramdaman ang tapik sa kanyang balikat.

"She's perfectly fine." Sabi ni Dra. Magda. "Stop crying, para kang nawalan ng asawa dyan."natatawang dagdag nito.

"Sorry, I can't help it..." natatawa niyang tugon habang pinapahiran ang pisngi. Hindi niya maipaliwanag ang tuwang nadarama.

Napangiti si Dra. Magda. "I will leave her to you. I will ask the nutritionist to prepare something for her." Nagpaalam ito kay Bless bago tuluyang lumabas ng silid.

"Thanks, Tita." Tugon ni Iggy.

"Why are you still standing there? Are you afraid of me?"mahina pero malinaw na sabi ni Bless. "Will you help me? I want to sit up."

Mabilis na lumapit si Iggy sa asawa. Hinanap niya ang controller ng Hospital bed nito. Inayos niya ang unan sa likod at ulo nito. "Let me know if you are not comfortable" masuyo niyang sabi.

"I'm okay. Thank you." Nakangiting sabi ni Bless. "Sit down here" tinapik niya ang kanyang tabi.

Parang bata na sumunod si Iggy. Umupo siya sa gilid ng kama ng asawa. "How do you feel?" Masuyo niyang tanong habang maingat niyang isinuklay ang kanyang mga daliri sa medyo humaba ng buhok ni  Bless.

"Worried..." mahinang tugon ni Bless.

Natigilan si Iggy. Biglang kumulog. Kinabig niya ang asawa at niyakap niya ito. "It's okay, I'm here. Don't be scared"

"I'm not scared. I'm worried." Mahinang tugon ni Bless.

Kinalas ni Iggy ang yakap sa asawa. "Why? What's wrong?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.Muli na naman nangilid ang mga luha niya habang nakatingin sa mukha ng asawa. "Thanks for coming back, little wife. Akala ko hindi mo na ako babalikan..."muling tumulo ang mga luha ni Iggy.

"What's with your emotions my dear husband? You are making me so worried. May terminal illness na ba ako?" May pag aalalang tanong ni Bless sa asawa. Inabot niya ang mukha nito at tinuyo ang mga luhang nangingilid sa mga mata nito.

Natawa si Iggy. "No..." he planted a soft kiss on her forehead. "You are fine. I was just so scared. Akala ko hindi mo na ako babalikan pa."

"Silly.." natatawang hinaplos ni Bless ang mukha ng asawa na tinubuan na ng stubbles. "You look ten year's older than your age now." Nakangiti at pabirong sabi niya.

Natawa muli si Iggy. "Nawala na ba ang kagwapuhan ko?"

"A little...But still looks charming" Nakangiting biro ni Bless.

Muling gumuhit ang matalim na kidlat, kasunod ang malakas na kulog. Tinakpan ni Iggy ang tenga ng asawa.

"What are you doing?"  Tanong niya sa asawa na mababakas ang labis na pag aalala sa mukha nito.

"The thunder doesn't bother you anymore?" Puno ng pagtatakang tanong ni Iggy sa kanya.

"I'm okay." Tinapik ni Bless ang braso ng asawa. "I'm a big girl now. It only bothers me when I was younger." Nakangiting tugon ni Bless.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon