Chapter 25 : I Miss You Like Crazy

38 12 0
                                    

    Tahimik na nakatitig lang si Iggy sa katabing asawa. Lulan sila ng Private Jet ni Bless pabalik ng Pilipinas.

          "Say it!" Sabi ni Bless na hindi tumitingin sa katabi. Abala siya sa kanyang laptop.

          "Bakit nung umuwi ka ng Pilipinas hindi mo ginamit ang Jet?" Tanong ni Iggy. Marami siyang gustong itanong sa asawa.

          "Dahil kay Mickey. Kapag ginamit ko ang Jet hindi ako makikilala ng kapatid ko." Kaswal na tugon ni Bless.

          "So, hindi coincidence ang pagsabay natin sa eroplano?" Ani Mickey na nakaupo sa kabilang bahagi ng Isle.

          "There's no coincidence with Blake. It's all planned." Kinindatan niya ang kapatid.

          "I knew it!" Mickey Exclaimed.

          "About your company investment to my company, you knew about it?" Muling tanong ni Iggy.

          "No. I don't get involve in any business transactions. I'm a surgeon not a businesswoman." Tinapik-tapik ni Bless ang braso ng asawa. Isinara niya ang kanyang laptop at hinarap ito. Tinitigan niya ang asawa. "The not so handsome guy that Nanay Rita mentioned was Blake's first boyfriend."

          "So, I was right, he's an Ex." Nakangiwing tugon ni Iggy.

     Napangiti si Bless. "He's an Ex and a very good friend."

           "Good friend, huh!" Nakairap na tugon ni Iggy.

     Natawa si Mickey. "Lahat din naman ng Ex mo, ay mga good friend mo na ngayon di ba?" Tukso niya kay Iggy.

          "Shut up!" Singhal ni Iggy dito.

     Napapangiti lang si Eduardo sa usapan ng mga kasama.

—————***—————

      Simula ng dumating sila galing China, tila naging mailap si Iggy kay Bless. Madalas na ito ginagabi ng uwi mula sa kanyang Opisina.

          "We need to talk..." Seryosong sabi ni Bless kay Iggy. Iginiya niya sa breakfast bar ito. Ilang linggo na ang nakalipas mula ng manggaling sila sa China. Napansin niya na madalas tahimik ang asawa at distant ito sa kanya.

          "I have a meeting later today. Baka gabi na ako makauwi." Kaswal na sabi ni Iggy na kumuha ng kape.

          "Do you have time to talk?" Seryosong tanong ni Bless. Wala siyang pasok sa Hospital pero nakabihis siya.

          "I have thirty minutes." Tugon ni Iggy

          "That's good enough for me." Pormal na tugon ni Bless.

     Natigilan si Iggy. Napatitig ito sa asawa. Napansin niyang nakabihis ito. "I thought you are not going to work today?"

          "That's why I need to talk to you. I'm leaving, and I don't know when we see each other again." Seryosong tugon ni Bless.

     Nanlaki ang mga mata ni Iggy. Naibagsak niya ang hawak na tasa ng kape na bumulwak ang laman at kumalat sa counter. "What are you talking about?"

          "I understand that my status in life shocked your Ego."

     Lumakad si Bless sa may refrigerator. Kinuha ang isang envelope na nakapatong sa taas nito.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon