Chapter 10 :The Memory Of The Past

48 11 0
                                    

     Hindi lubos maisip ni Iggy na ang babaeng pinakasalan niya at nagpatibok ng kanyang puso sa unang pagkikita ay isang kathang isip lamang ang pagkatao.

          "Blake is a good persona but dangerous!" parang sirang plakang paulit ulit niyang naririnig sa isip niya ang sinabi ni Dra. Magda. "Blake is the alter..." Wala sa sariling naipilig ni Iggy ang kanyang ulo.

          "Good Morning!"

     Natigilan sa paghigop ng kanyang kape si Iggy ng makita ang bagong gising na asawa. Tumayo siya sa pagkakaupo. "Come here!" tawag niya dito. Muli siyang naupo.

     Natigilan naman si Bless. "Why?" tila wala są sariling lumapit ito kay Iggy.

     Bigla siyang hinapit ni Iggy. Bumagsak siya sa kandungan nito.

          "Hey!" protesta niya. "What are you doing?"nagpupumiglas na sabi ni Bless.

          "Be still." mahigpit na niyakap ni Iggy ang asawa.Lalo niyang hinigpitan ang yakap dito ng tumigil sa pagpupimiglas ito. "Let's stay like this for a while." he whispered.

     Kagabi pa niya gustong yakapin ng mahigpit ito at gustong sabihin na huwag siyang mag alala dahil proprotektahan niya ito habang buhay.

          "But..."natigilan sa sasabihin si Bless ng mapansin ang luhaang mata ni Iggy.

     Huli na para itago ni Iggy ang mukha. "Sorry, don't mind me." sabi nito sa asawa.

          "What's wrong?" Bless run her thumb on his cheeks. Tinuyo niya ang umaagos na luha sa pisngi ng asawa.

          "Nothing...It's tears of Joy." nakangiting tugon ni Iggy.

     Gustong gusto niyang magpakilala dito. Na siya ang batang lalaki na kalaro nito noong mga bata pa sila. And batang lalaki na nagbigay ng kwintas na may kasamang singsing. At nangakong papakasalan siya paglaki niya.

          "I don't know what makes you so happy, but I'm glad you are okay." nagtangkang tumayo si Bless pero hinila siya pabalik ni Iggy sa kandungan nito. "Hey! I want to drink coffee too!"

     Iniabot ni Iggy ang tasa ng kanyang kape sa kanya.

     Umiling siya. "Hindi ako umiinom sa ininuman ng iba" reklamo niya.

          "Hey!...Hindi ako ibang tao, Mrs. Ledesma." tila nagbabanta ang tingin ni Iggy dito.

     Lumabi si Bless. "I want..." naputol ang kanyang pagsasalita.Iggy sealed her lips with a kiss...

     Sa una dampi lang..Pero nung hindi nito maramdaman ang pagtanggi niya, he starts kissing her more passionately.

     Napahawak na lang si Bless ng mahigpit sa T-shirt ng asawa.

----------***----------

         Nasugbu, Batangas.

     Pagkatapos ng Isang linggong pananatili nila sa Subic, Zambales nagpasya si Iggy na dalhin sina Bless at Dra. Magda sa Batangas kung saan naroon ang kanilang Family House at official residence ng kanyang mga magulang.

     Nagising si Bless sa mahinang pagtawag ni Iggy sa kanyang pangalan

          "Nandito na tayo. Naghihintay na sila sa atin." Nakangiting sabi ni Iggy sa kanya.

     Naunang lumabas ito mula sa sasakyan, umikot sa kinaroroonan ni Bless at pinagbuksan ito ng pinto.

     Masayang sinalubong ng Isang may edad na lalaki at babae ang nauna nang si Dra. Magda.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon