Prologue: Summer Snow

26 0 0
                                    

"New beginnings are often disguised as painful endings" -Lao Tzu-

       "Ano ang ibig sabihin ng mga ito?!"

     Namumula sa galit na initsa ni Eduardo ang mga larawang hawak-hawak sa nobyang nagbukas ng pintuan sa kanya.

Sumabog sa mukha ni Summer ang mga larawan. Gulat na pinulot niya ang isang bumagsak sa kanyang paanan. Nanlaki ang kanyang mga mata. Siya ang nasa larawan, natutulog ng hubot-hubad kasama ang isang lalaki! Tila mahimbing siyang nakaunan sa mga braso nito.

"Eduardo!...Hindi ko alam...Hindi ko..."

     Nanginginig ang boses niya na halos hindi makapagsalita.

Kagabi ay FAMAS Awards Night. For two consecutive years, siya ang pinarangalan bilang Best Actress. Ang natatandaan niya ay uminom siya ng tubig na ini-alok ng baguhang Actor na may maliit na role sa kanyang pelikula. Pagkatapos, wala na siyang maalala. Nagising siya sa kanyang sariling condominium unit.

"Sa isang pipitsugin ka pa pumatol?! Bakit?....Anong ginawa ko at pinagtaksilan mo ako ng ganito?!"he's enraged.

     Galit na sinuntok ni Eduardo ang pintuan.

     Napapitlag si Summer.

"Hindi totoo yan! Wala akong matandaan...Hindi ko alam..."Tulirong tuliro siya, halos Hindi niya magawang magsalita.

"Simula ng araw na ito, Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo!..Maghiwalay na tayo!" Puno ng galit na dinuro ni Eduardo ang tila wala są sariling nobya.

"Eduardo...Paano?...Bakit?...Paano ang baby sa tyan ko?..."Tila nahimas-masan na sabi ni Summer sa garagal na boses.

"Baby?!..."He gave her a twisted smile. "Sigurado ka bang akin yan?" He arrogantly asked.

    Puno ng galit na tinitigan niya ang kaharap.

"Malay ko kung ilang lalaki ang tinatabihan mo?!"

     Napaiyak si Summer...

"Paano mo...Wala akong alam kung ano ang nangyari...Pero hindi ako nagtaksil sayo, Eduardo..."

     Tinangka niyang lapitan ito, but he brushed her off.

     Nagbabaga sa galit ang dibdib ni Eduardo nang iwan ang umiiyak na kasintahan.

     Nanghihinang napa-upo si Summer sa sahig. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari pero wala talaga siyang maalala maliban sa kanyang pagtanggap ng kanyang Best Actress Trophy. Paano na siya, ang bata sa sinapupunan niya? Wala siyang paki-alam sa career niya...Pero ang bata sa tyan niya, kailangan nito ng ama. Ang kanyang tunay na ama.

     Her real name is Blessilda Snow. But she's known as Summer Snow. She and Eduardo started showbiz when they were in High School. Galing sa pamilya ng mga Pulitiko si Eduardo. Siya naman ay parehong Doctor ang kanyang mga magulang. Amerikano ang kanyang ama at Pilipina ang kanyang ina.

     Nag-umpisang umarangkada ang kanyang karera nang gawin silang Love Team ni Eduardo. Sa edad na Fifteen napanalunan niya ang Best Actress sa Isang International Film Festival. Simula noon kinagiliwan na siya ng mga producer at director, kasama na ang mga malalaking kumpanya. Kabi-kabilaan ang kanyang mga offer, mula sa commercial endorsement, teleserye, at pelikula.

     Pagkatapos siyang hiwalayan ni Eduardo, naging sunud-sunod ang dagok na humagupit kay Summer. Lumabas sa isang Sunday Showbiz Talk Show ang mga larawan niya na may kasamang lalaki sa kama. Na-cancel ang lahat ng mga susunod niyang project, lalo na nang lumabas ang balitang buntis siya at hindi niya alam kung sino ang ama...

     Sa Isang Iglap....

     Para siyang bombilya na napundi at itinapon sa basurahan....

     She faded from the limelight...

—————***—————

Twenty Years Later...

Abala ang lahat ng ibat-ibang organisasyon ng Philippine Media para sa preparation ng "State Of The Nation Address" o "SONA"  coverage ng Presidente. Ang buong IT department ng Palasyo ay ilang buwang nag-prepare para hindi na naman maulit ang nangyari sa mga naunang SONA ng Presidente.

Katulad ng Palasyo, naging maingat at masinsinan din ang preparasyon ng mga naglalakihang TV Network sa bansa. Sa susunod na taon ay huling taon na ng Presidente sa posisyon. Pero mula ng maging Presidente ito wala pa siyang SONA na nai-telivised ng live. Dahil sa bawat "State Of The Nation Adress" nito, Black Out ang buong Pilipinas. Maghapon at magdamag walang signal ang lahat ng mga transmitter.

"Sana naman this time wala ng aberya, Dad."

Hindi mapakali si Mickey habang pinapanood ang ama na nagbibihis ng kanyang Barong Tagalog Attire.

     Natawa si President Eduardo Escudero.

"Michael, parang ikaw ang magso-SONA dyan."

"Dad, hindi ka ba nagtataka? Bawat SONA mo, naba-black out ang buong bansa?" Puno ng pag-aalalang sabi nito sa ama.

"Mga nagkataon lang yun." Tugon naman ng nakakatandang Escudero.

"Sige na. Sunduin mo ang Mommy at kapatid mo."

          "Opo...."

     Nagpatiunang lumabas mula sa silid na kinaroroonan ng ama si Mickey.

Ilang minuto bago ang SONA, kabado ang lahat. Handa na ang ibat-ibang grupo ng mga broadcasting company. Pagpatak ng takdang oras, umere ang live coverage ng SONA ng Presidente. Halos kalahati na ng biglaang mag-black out ang lahat ng TV screen. Mag-buzz ang lahat ng radio station. Hindi nawala ang kuryente at signal, pero ang pumalit sa TV screen ay kumikislap na dalawang salita...

     Sparkling two words...

     Parang mga bituin na kumikislap sa kinang, sa bawat nakabukas na TV screen

      "SUMMER SNOW"

     Dalawang salita na pamilyar sa Presidente...

     Parang kandila na naupos, napakapit sa podium si Presidente Escudero.

"Dyosko!..."

     Nanlalambot na nai-usal niya...

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon