Chapter 26: The Past

41 12 0
                                    

          Summer Snow Research Facility. Shenzhen, Guangdong Province, China.

          "Ma, sinong gumawa ng portrait mo? It's Beautiful!" Tanong ni Mickey na puno ng paghanga sa life size na larawan ng ina na nakasabit sa wall ng silid nito.

     Napakasaya ng hitsura ni Almira sa naturang painting.

          "The Wind Dancer, ang best friend ni Blessilda." May pagmamalaking tugon ni Almira.

          "Binisita  kayo ni Bless? Mahigit anim buwan yun na hindi namin nakita. Nandito lang pala siya sa China?" Naupo sa sofa na naroon si Mickey.

     Napatingin si Almira kay Eduardo na tinutulungan ang asawa sa pag aayos ng bagahe na dadalhin nila para sa beach vacation nilang mag anak.

          "Two months ago. Sabay silang pumunta dito ng Daddy mo." Nakangiting tugon ni Almira.

          "So, alam mo rin kung nasaan si Blessilda, Dad?!" Gulat na tanong ni Mickey sa ama.

     Tumango si Eduardo. "Ako ang sumundo sa kanya nang araw na umalis siya." Tugon nito kay Mickey.

"What?! Patay ako kay Ignazio nito." Nagkakamot sa ulong sabi ni Mickey.

"Nung magpunta sila dito ni Daddy, dinala niya kaming tatlo sa South Korea. Doon siya nag stay nung layasan niya ang Jerk mong kaibigan. Naroon din ang painter niyang best friend. She has a Mansion in the richest neighborhood of Seoul City, you know!" Puno ng pagmamalaking sabi Alyana na nakatayo sa bungad ng pintuan kasama si Bless.

"Alam na ni Ignazio, kaya huwag ka ng mag alala. Babatukan ka lang naman nun. According to him bugbog daw ang batok niya sa inyong dalawa ni Andy tuwing naghihimutok siya." Natatawang tumabi si Bless sa kapatid.

"How could you do this to me? Alam pala ng pamilya natin kung nasaan ka, pero hindi mo ako sinali?" Puno ng pagtatampong sabi ni Mickey.

Niyapos ni Bless ang katabi. "Alam ko naman na hindi mo kayang tiisin ang Frenemies mo. Kaya sinabihan ko sila na huwag ipaalam sayo." Nakangising tugon ni Bless na may halong pa cute.

"Mabuti na yun at na realized niya na hindi mahalaga kung ano ang katayuan ng tao sa buhay, pagdating sa pag-ibig." pahayag ni Almira.

"I agree." Tugon ni Eduardo. "Ready na kami, ikaw Ally ang mga gamit mo?"

"Nilagay na ng driver sa sasakyan, Dad. Kayo na lang ang hinihintay" masayang tugon ni Alyana. "Tinulungan ako ni Ate. Ambilis mag impake."

Natawa si Bless. "You don't need to bring a lot of things. We can buy what we needed there." Masayang sabi niya.

Hindi kayang sukatin ng kahit na ano man ang kaligayahang meron siya ngayon. Simula pagkabata, puro takot at pighati ang naranasan niya.

—————***—————

Wuzhizhou Island, Sanya City, Hainan Province, China.

Namangha ang pamilya Escudero sa ganda ng view sa kinaroroonan ng Beachfront house ni Bless.

"This is a million dollar view here!" Sabi ni Mickey. "Wow! As in WOW!!!..." Sigaw nito.

Natawa lang si Bless. "Samahan kayo ni Manang Aida sa inyong mga silid. I'll be upstairs." Sabi niya sa mga ito.

"Hello po." Bati ng middle aged woman na lumabas mula sa kusina.

Inakbayan ito ni Bless. "Manang Aida, these are my family. Si Manang Aida at ang pamilya niya ay galing ng Pilipinas. I brought them here five years ago."

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon