Chapter 19 : I Can't Smile Without You

42 12 0
                                    

Habang walang malay sa Hospital bed, tila replay na naglalaro sa isipan ni Bless ang mga pangyayaring nakalimutan niya mula sa pagkabata.

"Sam!" tawag ni Angelo sa cute na batang babae na naglalaro sa tabing dagat.

"Jelo!" Masayang tumakbo palapit at kumaway ito sa kanya.

"Ang init init pa, bakit naglalaro ka na dito. Sige ka masusunog ang balat mo." panakot niya dito.

"Bleh! Nilagyan ako ni mommy ng sunblocks." Mataray na sabi ni Sam, ang batang babae.

Natawa si Angelo. Matangkad siya sa karaniwang bata sa kanyang edad. Binatilyo na itong tignan.

"San si Jela ?" Tanong ni Sam na lumapit sa kinatatayuan ni Angelo. Nakatingala siya dito. Anim na taon ang tanda nito sa kanya pero ayaw nitong patawag na kuya.

"Jela is taking a nap. Dapat ikaw rin. Para tumangkad ka." Ginulo niya ang maiksing buhok niya.

"Ayaw ko tumangkad." Nakalabing tugon ni Sam.

Yumukod si Angelo para itapat ang mukha niya sa mukha ni Sam. "At bakit, Aling Maliit?" Taas kilay na tanong niya dito.

"Kung tatangkad ako, hindi mo na ako makakarga sa likod mo." Malungkot at nakalabing tugon ni Sam.

"Silly girl" pinisil niya ang ilong nito. " You can still have a piggy back ride kahit mas matangkad ka pa sa akin." Nakangiti at masuyong Sabi niya dito.

She giggles."Ayaw ko. Kasi hindi na ako cute. Tatawagin na akong damulag!"

Nagkatawanan sila.

—————***—————

"When do you plan to go back?"

Napakunot ang noo ni Bless. Nakaupo siya sa tabing dagat. Tahimik niyang pinapanood ang isang batang babae na nakikipaglaro sa mga alon.

"Go back?" napatingala siya sa taong nakatayo sa harap niya.

"Blake?!" Kamukha niya ang taong nasa harap niya at kilala niya ito.

"It's been three months, Bless. Didn't you hear him? He've been begging you. Go back to him." Sabi ni Blake sa kanya.

"Do I need to? How about you?" malungkot na tanong niya. "Aren't you going back?"

Umiling si Blake. "He loves you. He promised me to protect you. You don't need me anymore, Bless." umupo siya sa harap ni Bless. "I will always be part of you. I won't go anywhere. I will be with you, because I am You." Dugtong pa ni Blake. "One day...Kapag kailangan mo ulit ako, nandito lang ako. But you have Iggy now. Build a family to love and protect with him..." nakangiting sabi pa nito sa kanya.

Napailing si Bless. "No....Not true. You are not scared of anything. You are smarter and more clever than me. You are stronger and braver. I will always need you." Puno ng takot na depensa ni Bless.

"That's you, Bless. Look at me? Who do you see?" Matatag na sabi ni Blake sa kanya.

Nangingilid ang luhang napatitig si Bless sa kaharap. "I see my face..." mahina pero malinaw niyang tugon.

"Dahil, Ako ay ikaw...Bahagi ako ng pagkatao mo. Letting me go doesn't mean you will be incomplete, it means you will be whole and not broken anymore." Masuyo pero matatag na paliwanag ni Blake sa kanya.

"I don't understand." Tumulo ang namumuong mga luha ni Bless. She felt so sad, she don't understand why?

Tumatakbong lumapit sa kanila ang batang babae na kanina lang masayang nakikipaglaro sa hampas ng alon sa tabing dagat. Tumayo ito sa mismong harapan niya, sa tabi ni Blake.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon