Chapter 13 : Even If

47 11 0
                                    

Ledesma Condominiums.

"I'm home!"

Masayang bungad ni Iggy pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng kanyang Condo. Bumalik na muli sila sa Makati City mula sa Subic, Zambales. Kailangan nitong pumasok sa trabaho para sa isang multi million transactions.

Nilingon lang ni Bless ang asawa. She's too busy kneading a dough for her pasta dish.

Natatawang kinuha ni Iggy ang apron na nakasabit sa may dingding.Nilapitan niya ang asawang abala sa ginagawa.

"How's your day, Mrs. Ledesma?"masuyong tanong niya dito.

Tumigil sa ginagawa si Bless, humarap ito sa asawa na gahibla na lang ang layo sa kanya.

Maingat na isinabit ni Iggy ang apron sa leeg ng asawa, pagkatapos iniyapos niya ang dalawang braso sa beywang nito para itali ang magkabilaang gilid ng apron.

Natigil sa paghinga si Bless.

Napangiti si Iggy. "What's for dinner?" nakangiting tanong niya sa asawang namumula ang mukha. He planted a kiss on her forehead. sabay bulong. "Breath..."

Tsaka lang tila nabuhusan ng tubig na nagbuga ng hangin si Bless."I'm making Pasta." tugon niya bago muling bumalik sa ginagawa.

Natatawang ginulo ni Iggy ang maiksing buhok ng asawa. "How much time before dinner?"

"Thirty minutes." maiksing tugon ni Bless na hindi nililingon ang asawa.

"Good, I have time to take shower before dinner."Iggy kissed her on the temple."I'll be back."masuyo niyang paalam kay sa kanya.

Nakailang hakbang pa lang siya palayo sa kusina ng tumigil siya. Humakbang siya ng patalikod pabalik sa kinaroroonan ni Bless.

Natigilan muli sa ginagawa si Bless, napatingin ito sa kanya.

    "What?.." She asked.

          "I miss you!" nakangiting sabi ni Iggy.

     Inirapan ni Bless ang asawa. " Para kang Mc n Cheese!" Winisikan niya ng harina ang tumatawang asawa.

          "Why is that?" Tila kinikilig na tanong ni Iggy.

          "Ang cheesy mo!" tugon ni Bless na muling pinagpatuloy ang ginagawa.

     Natawa si Iggy ng malakas. Inilang hakbang ang asawa. Kinawit niya ang mga kamay sa beywang nito. He pulled her closer to him. "I love you, Mrs. Ledesma." nakangiting sabi niya sa nagulat na asawa.

     Sa halip na tumugon inhaplos ni Bless ang kamay na may harina sa gwapong mukha ni Iggy. "Maligo ka na, istorbo ka eh." tila na-aasar niyang sabi.

          "Opo, Mrs. Ledesma." Tugon ni Iggy kasabay ng mabilis na halik sa labi nito.

     Nanlaki ang mga mata ni Bless sa ginawa ni Iggy "Mapagsamantala ka talaga!" dumakot siya ng harina at umaktong isasabog ito sa asawang nakayapos sa kanya.

     Natatawang mabilis na binitawan ni Iggy ito bago pa siya masabugan ng harina sa mukha.

     After dinner tahimik na pinapanood ni Bless ang mga tila nagsasayaw na ibat ibang kulay na liwanag ng mga ilaw na nagmumula sa matatayog na building. Nakatayo siya sa balcony ng silid nila ni Iggy.

     Nasa study si Iggy at Dra. Magda. Kasalukuyang nag uusap tungkol sa pagpasok ng magtiyahin sa Hospital na pag aari ng pamilya ni Iggy. Napagpasyahan ni Dra. Magda na manatili muna siya sa Pilipinas para sa kay Bless.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon