Cahpter 15 : Little Sweetheart

47 12 0
                                    

          Ledesma University Hospital Laboratory

     Unang kita palang ni Bless są MRI scanned pictures na nasa ilang screen ng computers sa loob ng laboratory alam na niya agad kung ano ito. Kasama niya si Doc Magda.

          "This is a Brain Aneurysm. With this case, clipping is the best procedure." Kaswal na sabi niya.

    Ang Brain Aneurysm ay isang kondisyon sa utak kung saan ang bahagi ng daluyan ng dugo są utak ay lumolobo at napupuno ng dugo. Ito ay maaaring pumutok at magsanhi ng kamatayan ng taong meron nito kung hindi maagapan są pamamagitan ng Operasyon katulad ng Clipping procedure. Ang procedure na ito ay  lalagyan ng maliit na clip ang lumobong bahagi para saraduhan ang patuloy na pagpasok ng dugo dito at maiwasan ang pagputok.

          "Who's the patient? It seems like a VVIP?" Tanong niya sa tiyahin.

     Tinitigan ni Dra. Magda ang pamangkin. Gusto niyang makita ang reaksyon nito kapag sinabi niya kung kaninong MRI result ang tinitignan nila ngayon.

          "The President of the Philippines...Your Father..."

     Wala sa sariling nabitawan ni Bless ang hawak na ballpen.

          "Say that again?!" Halos hindi siya makapaniwala sa narinig.

           "Sana, maging mas matimbang ang pagiging doctor mo, kaysa sa personal mong galit at hinanakit, Dr. Bless." Seryosong tugon ni Dra. Magda.

     Bless chuckled and look at her with disbelief. "Are you kidding me? " Puno ng galit ang pakiramdam na iniwan niya ang tiyahin sa loob ng laboratory.

—————***—————

          Ledesma Condominiums.

          "Is something happened, today, Tita?" Tanong ni Iggy Kay Dra. Magda.

     Hindi siya kinibo at pinansin ni Bless. Kaunti lang ang nakain nito. Pumasok sa silid nila nang walang kibo.

          "Nakita niya ang medical records ni Eduardo." Tugon ni Dra. Magda.

         "Mickey told me about his fathers condition. Parang alam ko na ang tugon ni Bless." Malungkot na sabi ni Mickey. "I will try to talk to her, Tita.

     Tulog na si Bless ng Pumasok si Iggy sa kwarto nila. Maingat siyang tumabi dito. Hinila niya palapit sa kanya ang asawa. Pero laking gulat niya ng maramdamang yumuyugyog ang mga balikat nito. She's crying.

         "Bless..." masuyo niyang tawag dito. Maingat niyang hinaplos haplos ang ulo nito.

     Hindi ito sumagot. Isinubsob lang nito ang mukha sa kanyang dibdib.

     Tinapik tapik niya ng mahina ang likod ng asawa. Matagal bago ito tumahan .

          "Bakit kailangan kong iligtas ang taong dahilan ng sakit na dinanas namin ng Mommy ko?" Humihikbing tanong ni Blake.

          "Because you're the most capable doctor in this situation....God allows you to survived so you can save lives at isa na sa buhay na ililigtas mo ay ang Daddy mo."masuyong paliwanag ni Iggy.

     Napahikbi si Bless. "Can't I say no?" tumingala siya kay Iggy.

          "Yes, you can." Nakangiting tugon ni Iggy. "But you are the most skilled and Chief Neurosurgeon in the Hospital. "I know, it will be hard, Little Wife." Mahigpit niya itong niyakap. "But trust me, this will be the most fulfilling surgery in your career as a Neurosurgeon." Hinalikan niya ito sa ulo. "During the surgery, be a doctor and forget you are his child"

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon