Chapter 12 : The Painful Past

49 12 0
                                    

Escudero's Private Residence.

"Mom! You don't want to see dad right now." Pilit na pinipigilan ni Mickey ang ina papasok sa private office ng ama.

Pero tinabig lang ni Almira ang mga braso ng anak na nakaharang sa harapan niya.

"What's going on?!... Totoo bang nakipag kita siya sa kapatid ng dati niyang Girlfriend?!" Galit na tanong nito sa anak.

Tumango si Mickey. "Ano ang ginawa mo fifteen years ago, Ma?" puno ng lungkot na tanong ni Mickey sa ina. "Bakit mo nagawang manakit ng isang inosenteng bata?" hawak hawak nito ang braso ng ina.

Kumunot ang noo ni Almira. "What are you talking about?!" Tanong niya na puno ng pagtataka.

Biglang bumukas ang pintuan ng private office ni President Escudero.

"Get in!" Matigas at puno ng awtoridad na sabi nito sa asawa.

"Dad...You don't want to do this right now. Please.." Pakiusap ni Iggy sa ama.

"Stay out of this, Michael." Matigas na tugon ng nakakatandang Escudero. Isinara nito ang binuksang pintuan.

Kumatok si Mickey ng marinig na tunog ng nai-locked na pintuan.

"Dad!"

Parang naupos na Kandinsky si Mickey, napasandal siya sa likod ng nakasaradong pintuan.

"Maupo ka!" Matigas at puno ng awtoridad na utos ni Eduardo Escudero sa asawa. "Sa oras na ito hindi ako ang Presidente ng Pilipinas. Ako ang lalaking nagpakasal sayo, dahil sa paniniwala ko sa mga kasinungalingan mo!" puno ng poot na tinuran nito sa asawa.

"Ano bang nangyayari, Eduardo?" Tila naguguluhan na tanong ni Almira sa asawa.

May kinuha si Eduardo sa kanyang drawer, ang digital recorder na binigay sa kanya ni Dra. Magdalena Snow.

He turn the recording on.

"Umupo ka!" muling utos nito sa asawa.

Nanginginig na umupo si Almira ng marinig ang tila palahaw ng isang bata. Kuyom ang kamao ni Eduardo habang pinapakinggan nilang mag asawa ang recording. Namutla si Almira, nanginginig ang mga daliri, parang gusto niyang tumayo at tumakbo palabas. Nakita niya ang matinding galit sa mga mata ng asawa.

"Anong klaseng kahayupan ang ginawa niyo ni Elena sa mag ina ko?!" Tila Leon na gustong manlapa sa galit na sigaw ni Eduardo.

Napatayo si Almira, tinangka niyang yapusin ang asawa, pero tinabig siya nito. She kneeled down with tears and fears on her eyes.

"Patawarin mo ako, Eduardo." Napahagulgol siya. Puno ng pagmamakaawa ng kanyang mukha. "Patawarin mo ako." She bawls.

"Dahil sa ginawa mo fifteen years ago, my daughter grew up with miserable life. Ang kaisa isang babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko, namatay sa pananakit at pang aabuso!...." Mariing sabi nito sa asawa.

Puno ng sakit at hinanakit ang kanyang boses.

"Anong klase kang tao?" sinuntok nito ang lamesa. "Tinatanong mo kung bakit hindi kita kayang mahalin?...Ngayon, alam mo na!...Dahil wala kang puso!" Puno ng galit na iniwan nito ang asawang nagmamakaawa.

Parang kandilang naupos si Almira. Napahiga ito sa sahig.

"Patawarin mo ako, Eduardo..." Humahagulgol niyang sambit.

Nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto si Michael. Puno ng awang inalalayan ang ina.

—————***—————

Subic, Zambales.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon