Chapter 21 : Leaving Yesterday Behind

43 11 0
                                    

Ilang linggo ring nanatili sina Iggy at Bless sa Batangas. Nang tuluyang maka recover bumalik silang pareho sa trabaho. Lumipat naman si Dra. Magda sa condominium na provided ng Hospital para sa mga Director's. Para na rin bigyan ng 100% privacy sina Iggy at Bless bilang mag asawa.

Tuwing weekend at walang scheduled surgery si Bless umuuwi sila ni Iggy sa Subic o di kaya sa Batangas sa Beach house na dati pag aari ng ina ni Bless.

—————***—————

Tulog pa si Bless ng makauwi si Iggy mula sa kanyang Opisina. May mahalaga siyang business meeting kaya ginabi na siya ng uwi. After lunch na nakauwi si Bless mula sa magdamagan nitong Operasyon sa hospital.

Maingat niyang hinalikan sa noo ang natutulog na asawa. Hanggang ngayon tila ayaw pa rin niyang maniwala na si Bless ang kasama niya at hindi si Blake. May pagkakataon na tila si Blake ang kaharap niya.

Dala ang binuksan na beer in can, maingat siyang lumabas sa balcony ng kanilang silid na mag asawa. Ilang minuto na siyang nakatayo at nakatanaw sa buong siyudad na nababalot ng ibat-ibang ilaw, ubos na rin ang kanyang beer. Maya-maya narinig niya ang maingat na pagbukas ng balcony door. Lumabas mula rito si Bless.

"Hey...Did I wake you up?" Mabilis na sinalubong ni Iggy ang asawa.

"No. I was half awake when you got home." Tila tinatamad na tugon ni Bless. Iniyapos niya ang kanyang mga braso sa beywang ng asawa. "I'm hungry." nakatingala niyang sabi sabi dito.

Iggy smiled and planted a kiss on her lips. "I will prepare something for you.

"You smell good..." ani Bless na ibinaon ang mukha sa dibdib ng asawa.

Yumukod si Iggy. Itinapat ang bibig sa tenga ng asawa. "Baka hindi ka makakain sa ginagawa mo, Mrs. Ledesma..."masuyo niyang bulong.

Mabilis na bumitaw si Bless sa pagkakayakap sa asawa, pero bago pa siya nakalayo, bigla siyang pinangko nito. Napasigaw siya.

Natatawang dinala ni Iggy ang asawa sa kusina. He sits her on the stool at the breakfast bar. "Do you have anything in mind? What are you in the mood for?" masuyong tanong ni Iggy habang nakatunghay sa mukha ng asawa.

"Instant ramen." tugon ni Bless.

Napakunot ang noo ni Iggy.

"Are you sure?" Puno ng pagdududang tanong nito dito.

"Yes, Mister. I'm 101% sure." Nakangiting tugon ni Bless.

Panay ang lingon ni Iggy sa asawa habang niluluto ang instant ramen. Halos mag iisang taon na niyang kasama ito. Kahit minsan hindi ito kumain ng instant noodles bilang Bless. Tanging si Blake lang ang mahilig kumain nito. Kahit siya mismo hindi siya pala kain ng instant noodles. Pero napansin niya ang pinagkaiba nga dalawa, si Blake gusto ng itlog sa ibabaw ng kanyang noodles, si Bless gusto ng grated carrots at napa cabbage. Si Blake kutsara at tinidor ang ginagamit, si Bless naghanap ng chopsticks.

"Can I ask you a question?" Medyo alanganing tanong niya sa asawa habang nag-eenjoy ito sa pagkain.

"Sure. What is it?" Tugon ni Bless.

"Meron ka bang maalala na panaginip o pangyayari habang natutulog ka ng tatlong buwan?" Seryosong nakatitig si Iggy kay Bless.

Tinapos ni Blake ang pagkain. itinukod ang dalawang siko sa ibabaw ng breakfast bar. Sapo ng dalawang kamay ang kanyang maliit na mukha.Ipinikit ang mga mata. "I was in a Beach. An Island that looks like a paradise. Maraming bulaklak iba-ibang kulay. Maraming ibon na humuhuni. Lot's of butterflies..." paglalahad nito habang nakapikit.

Kill Me, Love Me : "Summer Snow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon