KABAKLAAN ENTRY #2

178 13 1
                                    


Dear Diary,

Jusko nemern diary, ambilis ng panahon huhuness. Lunes na namern, nagulat ako diary kasi biglang dumating sa amin 'yong pinakahate kong bagay huhu siyempre 'yong modules. Siya 'yong umalis na kailanman ayoko nang bumalik hihi. Pero wala tayong magagawa, diary. Para rin 'to sa future.

Oy! Diary, wag kang magseselos ah kung hindi kita masusulatan minsan. Eksena kasi 'tong modules na 'to, aagawin pa oras ko sa kalandian ko hihi. Pero anyways, pag may free time ako eh susulatan kita ng mga rants ko sa buhay hihi. Oo! Rants lang talaga! Balakajan.

So 'yorn na nga diary huhu, first module pa lang gusto ko nang magbigti shems! Pa'no ba naman kasi, Math agad?! Fyuking enamels nemern ! Actually diary, matalino ako sa Math kahit papaano hihi. Tinalo ko kaya 'yong teacher namin sa Math dati. Napa-walk out pa nga siya eh hihi

Tinanong niya kasi ako, sabi niya , " Namoran, what is the sum of x² plus x² ? "

Jusko diary, ambobo namern ni Sir dat taym kasi 'di man lang niya alam 'yong sagot jusme! Eh diba x² 'yorn, tas i-add daw sa x² ulit kaya 'yong sagot ko eh x⁴ . Ang witty ko diary 'no? Nagalit si Sir dat taym diary kasi mali daw ako. Bakit naman ako mali? Eh tama naman ako 'di ba? May dalawang maliit na 2 kaya sa taas, eh sabi niya i-add ko daw. So 2+2 edi 4! Boblaks namern ni Sir masyado!

Dahil sa inis at pagkakapahiya siguro ni Sir, nagwalk out siya dat taym. Kala niya maiisahan niya ako?! Mali na nga kasi siya kasi dapat x⁴ talaga 'yong sagot pero pinagpipilitan niya pa rin na 2x² daw 'yong sagot. Edi sana 'yong tinanong niya eh 1x + 1x para 2x² 'yong sagot. Bobo ni Sir 'no?

So 'yorn na nga diary, na-stress na namern ako dito sa topic namin ngayon sa Math kasi Polynomials 'yon. Eh anong gagawin ko do'n? Matutulungan ba ako no'n sa pagbili ko ng sibuyas? Jusmeyo! Stressed na stressed na talaga ako diary huhu 'di ko ma-gets 'yong topic namin ngayon. Why kaya? Nabawasan na siguro ang talino ko 'no?

Pero anyways, keri na 'yan. Btw, nakuwento ko na ba sayo diary na bumisita sa akin kanina si Jayson, 'yong straight kong best friend hihi. Sabi niya makikikain daw siya. Shutay nyutom siya diary 'no? Pero 'di ako naniniwala na makikikain lang siya, parang may something eh. Hm? Siguro makikikopya lang 'to ng sagot ko sa modules, pero oks lang. Gene— mapagbigay naman ako diary, so pakokopyahin ko na lang siya. Di hamak na mas matalino ako sa kaniya 'no!

Alam mo diary, parang tanga kanina si Jayson. Niyakap ba naman ako no'ng makapasok na siya sa kuwarto ko. Grabeee diary! Naramdaman ko 'yong bukol niya hihi pero stop na diary! 'Di ko siya bet 'no! Hanggang bestfriends lang kami hihi #bestfriend forever.

So 'yon na nga diary, no'ng umalis na siya sa pagkakayakap sa'kin eh nakangiti siya. Parang tanga ampechay! Pero infairness, guwapo naman talaga siya diary kasi maraming nagkakagustong babae sa kaniya eh. 'Yong iba nga tumutuwad pa sa harap niya dahil sa kakaibang sex appeal na mayro'n siya. May mga bakla ring nagkakandarapa sa kaniya. Ewan ko naman dito kay Jayson kung bakit ayaw pa magjowa. Siguro crush niya ako? Hihi echoss lang.

" Kumusta , New Year mo? " tanong niya sa akin diary, eh ako namang haliparot na bakla hinimas din braso niya. Siyempre friendly himas lang 'no!

" Ayos namern, akala ko nga pupunta ka dito sa amin no'ng New Year para putukan ako , " malanding sagot ko sa kaniya diary. Tumawa na lang siya at binatukan ako. Grabe diary , kung hindi ko lang 'to bestfriend eh sinubo ko na ang malaking notchess nito— oo, malaki talaga diary, sabay kasi kami maligo minsan pero don't worry, walang churvahang nagaganap. Sabay lang talaga maligo hihi.

So 'yon na nga diary, ginabi na si Jayson kakatambay rito sa amin. Ewan ko rin do'n! 'Di tuloy ako maka-focus sa modules ko kasi kung ano-anong kinukuwento sa akin. Napakadaldal niya diary, konti na lang iisipin ko na rin na kafederasyon ko 'tong si Jayson. Miss na miss na talaga akk siguro niya diary. Ang landi ko diary 'no? Pangalawang entry ko pa lang 'to pero grabe na ang atake ng kabaklaan ko hihi.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon