KABAKLAAN ENTRY #32

11 7 10
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Diary, sa tingin mo ba eh hahanapin talaga ni Nammy si Jayson o sinabi niya lang 'yon para maging mapayapa na ang loob ko para hindi ko na rin siya kulitin? Kasi gano'n 'yong mga napapanood ko sa mga palabas eh. Kunwari mangangako sila na gagawin nila para lang hindi na mangulit ang taong mahal nila.

Pero alam kong hindi naman gagawin 'yon ni Nammy. Hindi niya naman kasi ugaling manloko at ugaling magpaasa ng iba. Masyado kaya siyang mabait. 'Di ba? Kahit ikaw, diary, eh witness na rin ng kabaitan niya.

Pero siyempre andoon pa rin talaga 'yong thought na baka magkunwari lang siyang naghahanap pero wala naman talaga hanggang sa ang tadhana na talaga mismo ang magtagpo sa amin ni Jayson. Pero ewan! Hindi ko na dapat gambalain si Nammy kasi mahirap na, baka mabadtrip at hindi niya ako matulungan na hanapin si Jayson.

Jusko, diary, ambilis-bilis din talaga ng panahon. Akalain mo 'yon? Pangalawang linggo na ng Hulyo. Ambilis 'di ba? Sayang nga eh, kung wala sigurong Covid eh busy na kami siguro sa mga oras na 'to sa school. Kasi siyempre, Nutrition Month ngayon. Hayst. May ikukuwento muna ako sa 'yo, diary. Hihi. About din sa amin ito ni Jayson. Huwag ka nang umasa na magkukuwento pa ako ng about kay Howard. Matagal ko na siyang kinalimutan at saka balita ko eh nag-break na rin sila ni Patricia kasi jutay raw si Howard. Buti nga sa kaniya.

So ganito nga kasi 'yong nangyari. Hihi. Last last year pa 'to. Siyempre every Nutrition Month eh laging may pa-event. Tapos pabonggahan din kami ng mga fruitstand. Siyempre lagi kaming magkaklase noon ni Jayson, diary. Kaya lagi rin kaming magkasama sa paghahanap ng prutas. Hihi.

So dahil wala naman kaming puno ng kung anong prutas  sa bahay kaya naisipan naming manguha na lang ng kung ano-anong prutas sa iba't ibang section. Hihi.

Dahil nga sa kakaibang taglay na alindog ni Jayson, ginamit niya 'yon para landiin 'yong mga nagbabantay ng iba't ibang fruitstand ng kabilang section. Habang ako naman eh kumukuha ng kung ano-anong prutas habang nakikipaglandian pa si Jayson. Hihi.

Natatawa talaga ako kasi ang mga shungang tagabantay eh enjoy na enjoy sa panghaharot ni Jayson tapos hindi nila alam na nangunguha na pala ako. Jusmeyo, mga kaawa-awang nilalang.

Tapos ito pa, diary. Nang minsan namang nanguha kami ng bunga ng santol doon sa ka-baranggay lang namin. Tama ka, diary, nanguha lang kami. Kapag kasi nagpaalam kami eh susugurin lang kami ni Tandang Pedro gamit ang baston niya. Shutaness yorn.

So 'yon na nga, habang busy kami sa pagkuha ng santol eh itong si Jayson eh hindi man lang nagsabi na paparating na si Tandang Pedro. Aba'y iniwan ba naman ako sa taas ng puno. Shutangina, 'di ba?!

Kaya ayon na nga, bumaba din agad ako kaso naabutan ako ni Tandang Pedro tapos bigla niyang pinakawalan 'yong tatlong aso niya na nakatali kaya eksena talaga ang vakla ng taon! Takbo ako nang takbo kasi baka makagat ako, shutaness!

Gigil na gigil talaga ako kay Jayson that time tapos siya eh tawa nang tawa naman. Ano kayang nakakatawa?

Pero ayon na, namimiss ko na 'yong mga oras na 'yon. Putcha kasi 'tong virus na 'to, eh! Andaming binago sa buhay natin. Tapos isa na ro'n 'yong pagkakaibigan namin ni Jayson. Huhu. When kaya ulit kami magbobonding?

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon