KABAKLAAN ENTRY #27

15 7 12
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

In fairness ah, kahit papaano eh magaan na talaga ang pakiramdam ko. Hihi. Ilang beses ko na nga atang sinabi sa 'yo pero mukhang hindi ka naniniwala, eh. Puwes, ngayon ay dapat ka nang maniwala kasi magaan na talaga ang pakiramdam ko, diary.

Napagtanto ko kasi na kapag iniyakan ko lang si Jayson eh baka walang mangyayari sa akin. Sure din akong malulungkot lang para sa akin si Jayson. 'Yon lang naman ang kailangan ng isip natin 'di ba para tuluyan na tayong maging mapayapa—ang yakapin at tanggapin ang katotohanan.

Gayundin may Howard, alam kong hindi na talaga niya ako kauusapin. Mukhang naka-ignored message na nga rin ako sa kaniya, eh. Well, umaasa pa rin naman ako, diary. Pero hindi na 'yong super duper asado talaga kasi masyado na ata akong maganda para paasahin lang. Hihi. Charot!

Huwag ka nang magreklamo, diary! Mas okay na 'tong nagjojoke ako kahit corny kaysa naman mag-senti ako, 'di ba? Gagang thwo!

Isa pa, diary, sa nagpagaan ng loob sa akin eh 'yong sinabi ni Nammy sa akin last time. Sabi niya sa akin na ngayong araw daw eh ipapasyal niya ulit ako sa mall at maglalaro kami ng arcade. 'Di ba, masaya 'yon, diary? Na-miss ko na rin kasi maglaro. Huhu.

Alas siyete pa nga lang ng umaga eh nakabihis na ako, diary, kahit na ang usapan namin eh alas onse niya ako susunduin. Mas okay na 'tong napakaaga kong maghanda 'no! Kaysa naman abutan na naman ulit ako ni Nammy na tulog pa sa kuwarto. Hihi.

Nakikita niya kaya, diary, na nakanganga ako kung matulog? Humihilik ba ako? Hayst! Sana don't.

Andito ako ngayon sa sala habang hinihintay siya. Panay nga ang tingin ko sa bintana eh kapag may naririnig akong dumaraan na sasakyan. Hihi. Hindi naman ako masyadong excited 'no! Sadyang gusto ko lang talaga na mawala na nang tuluyan ang lungkot na nadarama ko. Kahit ngayong araw lang.

Sa sobrang busy ko sa kakatanaw sa labas ng bintana ay hindi ko na napansin si Pocari na tumabi na pala sa akin. May pasilip-silip din siya sa bintana.

“ Anong ginagawa mo, Ate Porschia? May pinagtataguan ka ba? Umutang ka na naman, 'no? ” saad niya habang nangungulangot na naman.

Alam mo, diary, napapaisip din ako sa kapatid kong 'to. Hindi ba siya nauubusan ng kulangot sa ilong? Hayst! Hindi naman kipay 'yang ilonv niya pero minu-minuto niyang finifinger. Kaderder!

Inirapan ko lang siya, diary, at mukhang nasungitan ata sa akin kaya pinunas niya sa damit ko 'yong kulangot na nakuha niya. Kahit kailan talaga eh kadiri ang babaeng 'yon. Bakit ko pa kasi naging kapatid 'yon, eh?! Choss! Lablab ko pa rin siya kahit dugyot siya.

Maya-maya pa ay nakarinig na naman ako ng sasakyan na paparating kaya agad akong dumungaw upang tingnan kung si Nammy nga ba ito. Nagulat ako nang makitang hindi siya ito, bagkus si Kuya na bumaba sa isang kotse.

Pagkababa niya, may bumaba ring babae na mukhang mas matanda pa ata kay Mudra. May binigay 'tong pera kay Kuya.

Kaano-ano kaya niya 'to? Ninang ba 'to ni Kuya? Aba'y sana ol yayamanin ang Ninong at Ninang!

Pagkatapos bigyan ng pera si Kuya ay agad na hinalikan ni Kuya 'yong babae sa pisngi. Ang sweet naman ni Kuya sa Ninang niya. Hihi.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon