Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!
***Dear Diary,
Oy! Hihi. Sorry. Katatapos lang namin kumain eh. Oo! Ang sarap, diary. Halos naka-ilang beses nga ako kadidighay eh. Ang sarap-sarap talaga! Lalo na 'yong liempo, diary? Oo! Try mo! Tapos 'yong leche flan! Huhu. Mapapa-leche! ka na lang sa sarap. Hihi.
So kung tatanungin mo ako, diary, kung anong pinag-usapan namin... Hmm, wala naman masyado. I mean, as usual, tinanong lang ako about sa buhay ko. Kung sino at anong uri daw ako ng nilalang. Kung bakit pa raw ako nabuhay. Kung paano raw ako ginawa. Hihi. Siyempre echoss lang! Eto namarn.
Nalaman ko rin, diary, na Nadine pala ang pangalan ni Tita. Hihi. Now I know.
May iba pang tinanong sa akin si Tita Nadine at dahil nga madaldal ang vakla, todo chika naman ako sa kaniya. Nakaka-enjoy nga kausap si Tita eh. Mas may sense siya kausap kaysa kay Nammy. Ang shibuling yorn, puro pambabara lang ang alam. Hayst!
Sabi pa nga ni Tita Nadine sa akin na next time raw eh imbitahan ko sina Mudra at Pudra sa bahay nila. Isama ko na rin daw ang mga kapatid ko. Tutal eh may swimming pool naman daw sila sa likuran ng bahay nila kaya puwede raw kaming mag-swimming.
Taray, 'di ba? Samantalang kami noon eh pinagkakasya lang ang katawan namin sa palanggana. Minsan naman sa dram lang. Hihi.
Pero siyempre hindi ako papayag na hindi mo malaman, diary, 'yong ibang pinag-usapan namin. Hihi. Eh si Tita Nadine kasi, ginawang topic 'yong childhood ni Nammy.
“ Porschia, may kapatid ka bang babae? ” tanong sa akin kanina ni Tita Nadine habang kumakain. Tumango naman ako bilang sagot.
Puno pa kasi ang bibig ko, diary. 'Di ba may kasabihan tayo na don't talk when your mouth is beautiful. Tama ba 'yong kasabihan ko? Well, maganda naman talaga kasi ang bibig ko so hindi muna ako magsasalita. Hihi.
“ Ah, gano'n ba? Ipapadala ko rin sana sa 'yo 'yong mga pinaglumaang damit nito ni Nammy. Hindi kasi nagamit 'yong iba. Aba'y ang hilig niya pala eh hindi pambabaeng outfit. Mas ginusto niya pang isuot 'yong mga baduy na panlalaking outfit. ” Tumawa nang mahinhin si Tita Nadine habang kumakain pa rin.
“ Luh? Anong baduy? Ang ganda nga ng mga outfits ko, eh. Palibhasa mas gusto niyong pa-girl ako, ” reklamo ni Nammy habang nakatingin pa rin sa kinakain niya.
“ Ang sabihin mo, boyish ka lang talaga, ” biro sa kaniya ni Tita Nadine. Huhu. Kahit pala si Tita eh nasasabi ring isa siyang shibuli.
“ Whatever. ” Napa-rolled-eyes pa ang shibuli. Well, pagkakaisahan namin siya ni Tita. Lagot siya ngayon.
“ By the way, Porschia, alam mo ba na 'yang si Nammy eh wala pang nagiging boyfriend. Kung sakaling magiging kayo, eh ikaw ang magiging first boyfriend niya. ” Ngiting-ngiti pa si Tita nang sabihin niya 'yon.
Bakit kaya gano'n , diary? Silang mayayaman kahit kumakain eh ang linis pa rin ng ngipin kahit na ngumiti sila. Pero akong isang hampas-lupa? Kahit di pa ako ngumiti eh hindi mo na gugustuhing ngumiti pa ako. Hihi. Baka makita mo lang 'yong ulam namin noong isang linggo pa. Nakakatamad kasi mag-toothbrush eh. Kakain lang naman ulit.
“ Sorry po, Tita, pero mukhang hindi ko kayo mapagbibigyan diyan. ” Kumuha ako ng saging at binalatan 'yon sabay kagat at tingin kay Tita. “ Saging po kasi ang aking nais. ”
BINABASA MO ANG
Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )
HumorOriginal Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderful pa rin ang kaniyang layp. Meet Pocholo T. Namoran. Pocholo sa umaga, Porschia sa gabi. Ready na b...