Dear Diary,
DIARYYYYYYY! Sorry ah? Masyadong matagal ang amo mo sa pagsulat ng entry. Eh pano ba naman kasi! Malapit na ang summative exam namin kaya kailangan kong mag-aral ng bonggang-bongga! Oh diba?! Kavorg ka! Gusto kong maging top 1 sa klase namin ngayon hihi. Charr lang, mahirap pala maging Top 1. Pa-Top-on na lang, puwede pa. Haha. Charr ulit!
Anyways, 'di ko nga pala nasabi sa 'yo , Diary. Birthday noong nakaraan ni Lola. Yup, kaya ang eksena eh pumunta kami sa bahay nina Lola para i-celebrate ang 85th Birthday niya. Oh! Kavorg diba, Diary?! Panahon pa ng Hapon nabuhay si Lola pero mukhang mas matatag pa siya sa Atomic Bomb na ginamit pampasabog sa Hiroshima, Japan. Ang witty ko talaga , Diary! Kita mo? Alam na alam ko yorn!
Noong pumunta na kami sa bahay ni Lola, as usual eh magmamano muna kami. Kaso alam mo ba, Diary, noong magmamano na ako kay Lola eh bigla siyang nagulat at nagtago sa likod ni Tito.
" Diyos ko! Ba't niyo dinala si Satanas dito? " sabi ni Lola. Ang harsh naman ni Lola, Diary. Siguro masyado lang akong hot sa paningin ni Lola kaya naisip niya na kinavorg ko ang impyernong pinamamahalaan ni Satanas. HAHAHA!
" Lola, ako po ito, si Porschia. Apo niyo po ako, " pagpapakalma ko kay Lola. Lumapit sa akin si Lola at hinawakan ang mukha ko at sinipat.
" Pocholo? Ikaw ba 'yan? " Tumango ako bilang sagot, Diary. Kaagad akong niyakap ni Lola. Owemjii, naalala niya na ang pinakamaganda niyang apo!
Nang hindi na nakayakap sa akin si Lola eh tiningnan niya ulit ang mukha ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
" Sabi ko na nga ba at ikaw 'yan! Ikaw ang pinakapaborito kong kabayo, eh! "
Tawa nang tawa ang Family Namoran, Diary! Ano kayang nakakatawa? Mukha na ba akong kabayo? Che! Kung kabayo man ako, masasabi kong ako ang pinakamagandang breed ng Stallion 'no! Letsugas sila!
Matapos ang tawanan ay nagkuwentuhan muna kami. Maya-maya pa ay nabored ako kasi ang pinag-uusapan nila eh 'yong nakaraan. Letse, di naman ako na-informed na History Teacher pala sila. Shutanginerns namarn!
Dahil nga sa sobrang bored ay tumayo ako kasi nakaupo ako, Diary. Alangan naman tumayo ako kasi nakatayo ako. Vovo ka va, Diary? Hay naku!
Agad akong dumiretso sa isang kabinet na nasa sala lang kung saan nakapatong ang mga pictures nina Lola at pati na rin ang mga pictures nina Papa at ng mga tita't tito ko.
Hindi ka maniniwala, Diary! Labing-walong magkakapatid kaya sina Papa. Oo! Palavarn ang Lola niyo! Ay Lola ko pala hihi. Chosera ka, Diary! Maghanap ka rin ng sarili mong Lola!
Oo, Diary. Eighteen silang lahat. May mga Tito kasi ako na may kakambal at may mga Tita rin akong triplets. Lahi raw kasi nina Lola ang may kakambal. Naisip ko tuloy, Diary, hindi ba nangangalay ang mahiwagang kuweba ni Lola kapag nanganganak siya? Hihi. Quiet na nga lang tayo, baka pagalitan tayo eh.
Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa mga pictures na naroon. Nakita ko 'yong isang picture ni Papa noong bata pa siya. Nakasakay siya sa kabayo. Tapos tiningnan ko 'yong nakasulat sa ibaba ng frame.
Me and Pocholo, the Horse
Ang hayuff! Pinangalan pa talaga ako ni Papa sa kabayo! Kaya pala akala ni Lola sa akin kanina eh kabayo ako! What the peckpeck!
Deadma ko na lang 'yon, Diary. Nagpatuloy na lang ako sa kakatingin ng mga pictures hanggang sa mapunta ako doon sa pinakamalaking picture. Family picture ito.
Sinulyapan ko nang maigi ang picture hanggang sa nakaramdam ako ng kakaiba.
No! This can't be, Diary! Hindi 'to maaari!
BINABASA MO ANG
Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )
HumorOriginal Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderful pa rin ang kaniyang layp. Meet Pocholo T. Namoran. Pocholo sa umaga, Porschia sa gabi. Ready na b...