Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!
***
Dear Diary,
Pasensiya na, diary, kung ngayon lang ulit ako nakasulat. Kinailangan ko kasing magpalakas, eh. Nagsimula na rin kasi noong nakaraang linggo ‘yong pag-undergo ko sa chemotherapy.
Nagsimula nang malagas ang buhok ko, diary. Natakot pa nga ako noong una. Kapag nagsusuklay kasi ako after kong maligo eh andaming buhok ang nalalagas. Mas kinabahan pa ako lalo nang mas lalong dumami ‘yong nalalagas na buhok sa akin. Kapag gumigising ako eh andami kong nakukuhang buhok sa may unan ko.
Noong una eh natakot talaga ako. Alam ko naman, diary, na isa ito sa mga side effects ng gamot na iniinom at itinuturok sa akin, pero iba pa rin pala talaga kapag ikaw na mismo ‘yong nakaranas nito. In-explain na man sa akin ni Doc ang mga dahilan kung bakit pati ang paglagas ng buhok ay isa sa mga nagiging epekto ng gamot, kaya wala naman daw akong dapat ikabahala.
Dahil nga sa patuloy na paglagas ng buhok ko eh napagdesisyunan na lang nina Mudra na ipakalbo ako. Ayaw ko talagang magpakalbo, diary, kasi ang chaka kong tingnan kapag kalbo ako. Hindi kasi bagay sa akin, at saka sayang din naman ng buhok ko. Ang ganda pa naman nito. Kaso wala na akong choice, diary. Pinilit na ako nina Mudra na magpakalbo kahit na labag sa loob ko, eh. Para hindi na rin daw ako ma-stress sa kakakuha at katatapon ng mga buhok na lumalagas mula sa akin. Isahang tapon na lang daw ngayon. Pumayag na lang din ako kasi naiirita ako sa pamimilit nila.
Napangiwi pa ako nang makita ko ang sarili kong itsura na wala na talagang buhok. As in napakapangit ko talaga tingnan dahil hindi naman sa akin bagay iyon. Gusto ko ngang umiyak eh dahil naiinis na talaga ako. Letseng chemotherapy kasi ‘yan! Bakit kasi kailangan pang madamay ‘yong buhok ko?! Medyo nahihiya na tuloy ako.
Sina Mudra at Pudra eh sinabi sa aking ayos lang naman daw ‘yong naging hitsura ko. Hindi na rin daw masama. Kahit papaano eh hindi naman daw pangit tingnan sa akin. Si Kuya Picollo naman eh tuwang-tuwa at namamangha. Bagay na bagay raw sa akin ang gupit ko kaya huwag daw akong panghinaan ng loob. Mas naging lalaking-lalaki pa nga raw ako tingnan, eh. Ang shutang Pocari naman eh tawang-tawa sa naging hitsura ko. Hinahawakan niya pa nga ‘yong ulo ko, eh. Mukha raw akong lollipop dahil ang payat-payat ko raw tapos kalbo pa ako. Gusto ko sana siyang batukan, kaso hindi ko naman magawa. Pati kasi ang pag-angat lang ng braso ko eh feeling ko nakakapagod. Kaunting galaw nga lang eh nangangalay na ang kamay ko. Kainis, ‘di ba?
Medyo nanghina rin ang katawan ko, diary. ‘Yong tipong nanghihina na nga ako noong hindi pa ako chinechemo eh mas lalo pa akong nanghina ngayon. Sabi ni Doc eh side effects lang daw talaga ‘yon. Kailangan ko pa raw maghanda para sa mas malala at matinding side effects na maaari ko raw maranasan sa susunod pang mga araw at linggo. Tiyak na mas manghihina pa raw ako lalo kaya kailangan ko raw na mas tatagan pa ang loob ko. Kapag hindi ko raw kasi tinatagan ang loob ko eh baka maging delikado raw ang lagay ko dahil baka hindi ko kayanin ang mga side effects na mararanasan ko pa.
Medyo kinabahan din ako kahit papaano. Nagdadalawang isip na naman ako kung tatatagan ko pa ba ang loob ko o hahayaan na lang ang tadhana na magdikta sa buhay ko. Ang gulo na naman ng isip ko.
BINABASA MO ANG
Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )
HumorOriginal Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderful pa rin ang kaniyang layp. Meet Pocholo T. Namoran. Pocholo sa umaga, Porschia sa gabi. Ready na b...