Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!
***
Dear Diary,
Diary, medyo naging effective naman talaga ‘yong paglilibang ko sa sarili ko nitong mga nagdaang araw. Almost one month na rin kasi nang i-ghost ako ni Nammy. Pero siyempre, magiging hipokrito ako kung sasabihin kong okay na ako. Hindi naman ganoon kadali na maging okay eh, binabawasan ko lang ang pagdaramdam para mabawasan na rin ang problema ko.
Hinhintay ko pa rin talaga siya. Sabihin nating kahit papaano eh umaasa pa rin ako na darating siya. Babalikan niya pa ako. Ipapaliwanag niya pa sa akin ang dahilan ng biglaan niyang paglisan.
Sa bawat araw na lumilipas, palagi ko pa rin siyang naaalala. Nililibang ko na lang talaga ang sarili ko sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Pero kapag nagpapahinga naman ako at walang ginagawa, doon ko na lang siya maaalala ulit.
Nakikita ko ang hitsura niya saan man ako pumunta. Ang imahen niya, parang nakaukit ito lagi sa mga mata ko. Palagi kong naririnig ang boses niya na tinatawag ako. Namimiss ko na nga ang pagtawag niya sa akin ng ‘honeybunch sugarplum ko’.
Minsan, kahit na sinasabi kong huwag na akong umiyak, natatagpuan ko pa rin ang sarili ko na lumuluha. Umiiyak pa rin talaga ako dahil sa pag-alis niya. Nalulungkot pa rin ako sa nangyari sa aming dalawa. Pero never kong iisipin na matatapos lang ito sa ganito. Alam kong magkikita ulit kami, at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na hahayaang mawala siya. Magpapakatotoo na talaga ako sa kaniya.
Hihintayin ko ang pagkakataong iyon, hanggang sa pumuti ang bulbol este buhok ko.
Ayaw ko namang magdrama ulit ngayon, diary. Sinabi ko lang sa iyo ito para malaman mo kung anong nararamdaan ko. Hindi ko pa nga sure kung ready na ako mag-move on, eh. Napakabilis naman ata para sa akin na limutin siya. Kalilimutan ko na lang pansamantala ang problemang bumabagabag sa isip ko ngayon. Tama! ‘Yon na lang ang gagawin ko.
Buti na lang talaga, diary, at niyaya ako ngayon ni Jayson na gumala raw kami. Lilibrehin niya raw ako ngayon. Pumayag na rin naman ako. Okay na siguro ‘to para malibang ko ang sarili ko, ‘di ba? Libre na rin ‘to, eh, so aarte pa ba ako? Siyempre, hindi na!
Hinintay ko na lang si Jayson dito sa bahay. Ipinagpaalam niya na rin naman ako kay Mudra eh, at saka dadalhin naman niya ang motor. Mas okay na raw ‘yon kaysa mag-commute kami. Sayang lang sa pamasahe, mahal pa naman ang pamasahe ngayon.
Nang makarating na siya sa bahay ay muli siyang nagpaalam kay Mudra na aalis na raw kami. Iuuwi naman daw ako ni Jayson nang buo. Parang tanga lang, ‘di ba? As if naman hahatiin niya ako. Letse!
Sumakay na ako kay Jayson—este sa motor ni Jayson, at agad din niya naman itong pinaandar. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon, pero sinabi niya sa akin na isa raw iyon sa pinakapaborito namin lugar noon. Marami kaming paboritong lugar kaya hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.
Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na kami sa sinasabi niyang favorite place namin. Namangha ako nang makita na nandito kami ngayon sa isang park na madalas din namin puntahan noon ng mga bata pa kami.
Hindi ko alam kung kailan ako huling nakapunta rito, pero isa talaga ‘to sa paborito naming lugar ni Jayson.
Noong mga bata pa kasi kami eh minsan na kaming namasyal dito, at dahil nga pareho kaming makulit ay nilibot talaga namin ang buong park. Kaming dalawa lang talaga. Eh hindi namin alam na hinahanap na pala kami ni Mudra. Akala nila eh kinidnap na raw kami ng mga sindikato. Noong araw ding ‘yon kami nakatanggap ng pangmalakasang palo.
BINABASA MO ANG
Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )
HumorOriginal Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderful pa rin ang kaniyang layp. Meet Pocholo T. Namoran. Pocholo sa umaga, Porschia sa gabi. Ready na b...