Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!
***
Dear Diary.
Kumusta ka na, diary? Pasensiya ka na, ah, kung ngayon lang ako nakapagsulat ulit. Ngayon lang ulit kasi naging kalmado ang pakiramdam ko, eh. Hihi. Sinamantala ko na rin ang pagkakataong ito upang maikuwento ko sa ‘yo ‘yong mga nangyari. Baka kasi maya-maya eh atakihin na naman ako ng mga side effects ng gamot, eh. Mahirap na. Ngayon na lang talaga ako naniniwala sa kasabihang time is gold.
Pero kung ginto ang oras, diary, puwede rin ba itong isangla? Hmm? Na-curious na naman tuloy ako.
Isang buwan na, diary, ang nakalipass nang magsimula ang treatment ko. Nasabi ko naman sa ‘yo ‘yong mga naunang side effects na naramdaman ko. Pero akala ko talaga eh ‘yon na ang pinakamahirap, pero hindi pa pala. Tama nga si Doc, may mas matindi pa ro’n.
Napagdesisyunan din ng Oncologist ko na mag-home treatment na lang daw. Delikado raw kasi kung sa hospital pa ako magpapagaling lalo na’t dumarami ang cases ng taong nagpa-positive sa covid. Pumayag naman sina Mudra at inayos nila ang kuwarto ko para maging malinis. Sabi kasi ng doctor eh kailangan daw na maging malinis din ang environment ko dahil nakatutulong daw ‘yon para mas lalo akong gumaling. Nilagyan na rin ng aircon ang kuwarto ko. In fairness, ‘di ba?
Tuwang-tuwa nga ako, diary, nang makauwi na ako sa amin, eh. Na-miss ko rin kasi ang kuwarto ko, ‘yon nga lang eh iba na talaga ang hitsura nito dahil inayos nga nila nang naaayon sa sinabi ng doctor.
‘Yong kuwarto ko kasi eh inayos na parang kuwarto ko lang noon sa hospital. Tinanggal nila ‘yong nagpapagulo raw sa kuwarto ko para mas maging maaliwalas. Pininturahan na rin nila ng puti ang kuwarto ko. Kahit papaano eh maganda na rin naman kahit ganito na ang naging hitsura ng kuwarto ko. Ang importante eh hindi na mahihirapan sina Mudra at Pudra na magpabalik-balik sa hospital para lang mabantayan ako. Baka kasi mahawaan lang sila ng sakit sa hospital, eh.
Doon na mismo sa bahay ipinagpatuloy ang gamutan ko. Hindi rin naman delikado dahil araw-araw naman akong binibisita at tinitingnan ng oncologist ko. Hindi rin naman ako nalilipasan ng oras sa pag-inom ng gamot. Parang nasa hospital pa rin naman talaga ako. Mas komportable pa nga rito, eh.
Dalawang linggo pa lang ang nakalipas nang magsimula ang chemotherapy treatment ko ay napansin ko na ang biglaang pagbagsak ng katawan ko. Kung nangangayayat na ako noon, mass nangayayat ako ngayon. Halos wala na nga akong laman, eh, at mukha na rin akong buto’t balat. Sa pgbagssak ng katawan ko ay nagbago rin ang kulay ng balat at mga kuko ko. Sabi ni Doc ay isa raw talaga iyon sa mga maapektuhan dahil sa gamot na ibinibigay sa akin. Nagsimula na ring mas maging maputla at tuyo ang bibig ko. Nagkaroon na rin ako ng singaw dahil sa infection. Nagkaroon na rin ako ng lagnat kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagod at panghihina.
Sa pagsapit naman ng ika-tatlong linggong gamutan, doon na mas lumala ang sitwasyon ko. Madalas na akong mag-nose bleed, at kung hindi naman nose bleed ay pagsusuka. Ang mas malala pa ro’n, diary, kapag nagsusuka ako eh palaging may kasamang dugo. As in nakapanghihinang makita mo ang sarili mo na sumusuka ng sarili mong dugo. Nawawalan talaga ako ng lakas.
BINABASA MO ANG
Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )
HumorOriginal Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderful pa rin ang kaniyang layp. Meet Pocholo T. Namoran. Pocholo sa umaga, Porschia sa gabi. Ready na b...