Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!
By the way, may bagong cover na ang baklang Porschia. Hihi. Hope yah like it!
***
Dear Diary,
Hanggang ngayon eh nasa isip ko pa rin, diary, 'yong nangyari no'ng Wednesday. Hihi. Ang sarap talaga sa feeling na mamasyal. Kahit papaano eh na-relieve ang stress ko. Thanks talaga kay Nammy. Biyaya talaga siya ng langit.
Napapaisip pa rin nga ako, diary, kung bakit naging harsh ako sa kaniya. Hihi. Pero ayos lang, napansin mo namarn siguro na naging mabait na ako sa kaniya. Hihi. Gano'n kasi dapat, diary. Kailangan nating magpakabait sa taong mababait sa atin.
But weyt—sa mga taong totoong mabuti sa atin, ah. Kasi minsan may mga pakening slapsoil na doble kara eh. 'Yong akala mo mabait sa 'yo, pero plastik naman pala. 'Yong akala mo kaibigan mo, pero may gusto pala sa 'yo. Jayson, is dat yu? 'Yong akala mo sweet sa 'yo, pero 'di ka naman pala gusto. Howard, is dat yu?
Hayst! Deadmahin na lang nga natin 'yang mga proble-problema na yarn. Andaming problema sa mundo kaya huwag na nating pagtuunan ng pansin 'yarn. Wala na nga tayong ambag sa Pilipinas tapos magiging problema pa tayo. Hayst! Megatron? May ambagan na pala ngayorn. Hihi.
Pero weyt lang, diary, may ikukuwento na naman ako sa 'yo. Eh kasi naman! Si Nammy! Pumunta na naman dito ngayon. Nakakainis nga eh. Babaeng full of surprises talaga 'yon! Hindi ko alam kung anong trip niya pero pumunta na naman siya rito nang walang pasabi. Isa na lang talaga at sasabunutan ko na 'yang shibuli na yarn. Hihi. Choss!
As usual, naabutan na naman niya akong nakahiga sa higaan ko. Eh! Nakakatamad naman kasing gumalaw. Hihi. At saka kahit sabihin na nating kahit papaano eh gumagaan na ang loob ko ay hindi pa rin natin maiaalis ang katotohanang may kalungkutan pa rin sa kaibuturan ng puso ko. Sadyang natakpan lang 'yon ng kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Kahit papaano eh naglaho na ang sobra-sobrang lungkot at nabawasan na ang kaiiyak ko. Huhu. Masyado pa namang maganda ang mata ko para paiyakin lang ng nga boizz.
“ Porschia! Gising ka na ba?! ” tanong niya sa akin, diary. Hindi niya siguro ako nakikita kasi nakahiga ako pero hindi paharap sa kaniya ang posisyon ko
“ Hindi pa, tulog pa ako. ” Humilik pa ako para kunwari ay tulog pa talaga ako.
“ Gago ka talaga. Kung tulog ka, bakit ka sumagot? ” natatawang tanong niya sa akin.
“ Kung alam mo naman palang gising na ako, bakit mo pa tinanong kung gising na ako? Sa tingin mo ba sasagot ako kung tulog ako? Gago ba you? ” pambabara ko sa kaniya, diary. Akala niya ah! I'm a Greek Philosoper kaya. Hihi.
Lumapit lang siya sa akin at naupo sa tabi ko. Aba'y ang kafal-kafal na pala ng mukha nitong si Nammy, ah? Nagagawa nang lumabas-pasok sa kuwarto ko. Titi ba siya, diary, at labas-pasok siya? Hmp!
“ Bumangon ka na riyan, may pupuntahan tayo. ” Napalingon ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.
“ Saan? Sa Farm niyo ulit! Ayoko! Nakakaumay ang mga mukha ng kabayo. ” Ipinatong ko ang ulo ko sa kamay ko na para bang ginawang unan at pumikit.
“ So nauumay ka na sa mukha mo? ” natatawang tanong niya. Agad ko naman siyang pinandilatan ng mata.
“ Shinushuta mo ba ako, Shibuli? ” Nag-taas kilay pa ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )
HumorOriginal Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderful pa rin ang kaniyang layp. Meet Pocholo T. Namoran. Pocholo sa umaga, Porschia sa gabi. Ready na b...