Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!
***
Nammy’s POV
Nagising ako nang may ngiti sa labi. Napakasarap kasi sa pakiramdam na muli kong nakasama si Porschia, ang taong pinakamamahal ko. Matagal ko na rin talagang hinintay ang pagkakataong ito, dahil matagal din akong nawalay sa piling niya.
Alas sais na ng umaga at tuluyan na ring sumikat ang araw, pero hindi pa rin nagigising si Porschia. Siguro’y bumabawi pa rin talaga siya ng tulog dahil alam kong pagod na pagod na siya.
Naaawa na rin ako sa lagay ni Porschia, pero wala akong magawa. Kung puwede lang sana na ako na lang ang sumalo ng nararamdaman niya, gagawin ko. Pero hindi ko kayang gawin ’yon, eh. Wala akong magawa para maibsan ang sakit at paghihirap na nadarama niya. Pero kahit ganoon, gagawin ko pa rin ang lahat para hindi na niya maramdaman na nag-iisa siya. Mula ngayon, hindi na ako mawawalay sa tabi niya.
Tinitigan ko na lamang ang mukha niya habang natutulog siya. Na-miss ko ang moment na ito. Na-miss kong titigan ang mukha niya. Nakatutunaw nang puso na makitang mapayapang natutulog ang taong pinakamamahal ko sa tabi ko. Ito na yata ang pinakamagandang bagay na dumating sa buhay ko.
Ngunit bigla akong nakaramdam ng kaba nang may mapansin ako sa kaniya. Hindi siya humihinga. Agad kong itinapat ang hintuturo ko sa butas ng ilong niya upang alamin kung may hangin bang lumalabas dito, pero wala akong naramdaman. Kinabahan na ako.
Agad kong kinuha ang kamay niya, at naramdaman kong malamig na ito. Agad kong kinapa ang pulso niya upang tingnan kung pumipintig pa ba ito, pero wala na akong naramdamang pulso sa kaniya.
Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ko. Ginising ko siya, pero hindi siya gumigising. Ilang beses kong sinubukan, pero wala talaga.
Agad akong lumabas ng kuwarto niya upang tawagin si Tita na kasalukuyang nag-aalmusal. Sinabi ko sa kaniya ang nangyayari kay Porschia ngayon, kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa kuwarto ni Porschia. Sinundan ko rin siya.
Nanatili lamang ako sa pintuan habang tinitingnan si Tita na yakap-yakap si Porschia; sinusubukan niyang gisingin ito, pero hindi na talaga kumikibo si Porschia. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapaiyak dahil sa nasasaksihan ko. Ayaw kong maniwala na nangyayari ito ngayon. Hindi ito totoo!
Bigla na lang napahagulgol si Tita habang yakap-yakap si Porschia habang hinihiling na magising na ito. Kaagad akong lumapit kay Tita upang palakasin ang loob niya, pero sige pa rin ang iyak niya. Maging ako’y nasasaktan na rin talaga. Masakit para sa akin, pero mas masakit pa rin para kay Tita na makitang hindi na humihinga ang anak niya.
Agad niyang inutusan si Picollo na tumawag ng tulong upang maidala namin si Porschia sa hospital. Nagbabaka-sakali pa rin naman kaming mare-revive pa siya ng doctor. Naniniwala akong buhay pa rin si Porschia. Naniniwala ako ro’n. Alam kong kakayanin pa ito ni Porschia.
***
Agad naming idiniretso si Porschia sa emergency room pagkarating na pagkarating pa lang namin sa hospital. Hindi na kami pinayagang pumasok kaya doon na lang kami sa labas ng room pumasok.
BINABASA MO ANG
Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )
HumorOriginal Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderful pa rin ang kaniyang layp. Meet Pocholo T. Namoran. Pocholo sa umaga, Porschia sa gabi. Ready na b...