Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!
***
Dear Diary,
Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. Diary, anong ginagawa niya rito?
“Anong ginagawa mo rito, Jayson?” nagpipigil ng galit na tanong ko sa kaniya. Pinapakalma ko lang ang sarili ko dahil ayaw ko ngang masira itong araw ko. Pero mukhang magsisimula na naman yata akong mainis ngayon.
“Naparito ako, Potpot, para batiin ka,” sagot niya. “Happy birthday sa ‘yo! S-Sana… Sana naging masaya ka sa pinakamahalagang araw ng buhay mo.”
Sarkastiko akong napatawa. “Naging masaya naman talaga ang birthday ko eh,” sambit ko. “Kaso bigla ka na namang umepal. Ano pa bang ginagawa mo rito, huh? Ubos na ang handa namin kaya hindi ka na makakakain, kaya umalis ka na.”
Pinigilan ako nina Mudra dahil nagiging sobra na raw ang mga sinasabi ko. Aam ko namang masyadong harsh ang treatment ko kay Jayson, pero mas masakit pa rin ang ginawa niya sa akin.
“Potpot, sorry,” malumanay na sambit niya. “Gusto ko nang makipagbati sa ‘yo, eh. Gusto ko nang maging maayos tayong dalawa. Matagal na kitang gustong makausap pero hindi mo naman ako pinapansin.” Lumapit siya sa akin. “Potpot, please, birthday mo pa naman ngayon. Gusto mo bang masira pa lalo ang araw mo?”
“Wow! Sa tingin mo ba eh hindi mo na nasira ang araw ko?” sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Masaya na ako dapat, eh. Masaya na! Kaso umepal ka na naman dito. Ano ba kasing kailangan mo? Sinabi ko naman sa ‘yo, ‘di ba, na hindi na tayo magkakaayos. Sinira mo na ako! Tapos aasa ka pang maayos mo ang pagkakaibigan natin? Sinong niloko mo? Ay! Ako nga pala ang niloko mo.”
Nagsimula na siyang lumuha, diary. Naaawa na rin sa kaniya sina Mudra, pero wala akong pakialam. Hindi niya ako madadala kaartehan niya. Siya pa talaga ang may ganang umiyak ngayon? Kahit naman ilang beses pa siyang umiyak sa harap ko eh hindi niya matutumbasan ang balde-baldeng luha na inilabas hindi lang ng mata ko, pati na rin ng puso ko.
Kung sana inisip niya na noong una pa lang na puwede itong mangyari sa amin, eh ‘di sana hindi na lang niya ‘yon ginawa. Hindi na lang siya nanloko. Hindi na lang siya naging makasarili. Inisip niya lang kasi ang sarili niya, eh. Tapos aasa siya na gano’n-gano’n na lang ‘yon? Na mabilis ko siyang mapapatawad? Ulol! Patawarin niya sarili niya!
“Potpot, ano ba kasi ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?” Mababakas sa boses niya ang pagmamakaawa. “Hindi ka lang naman kasi ang nasasaktan. Oo, inaamin ko, nagkamali ako.” Humugot siya ng malalim na hininga. “Pero pinagsisisihan ko na nga ‘yon. Gumagawa na nga ako ng paraan para magkaayos tayo, eh.”
“So, sinisisi mo pa talaga ako kung bakit mas pinili kong ipagtabuyan ka kaysa makipag-ayos sa ‘yo?!” pasigaw na tanong ko. “Bakit hindi mo kaya itanong sa sarili mo kung gaano kahirap tanggapin lahat? Kung ikaw kaya ang lokohin ko tapos masisira no’n ang tiwala mo, sa tingin mo ba eh madadala ka ng paghingi ko ng sorry? ‘Di ba, hindi?”
Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Nakatingin lang sina Mudra sa amin, at ako naman ay hindi maiwasang tingnan nang may galit si Jayson. Nakayuko naman si Jayso at mapapansin na umiiyak ito.
BINABASA MO ANG
Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )
HumorOriginal Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderful pa rin ang kaniyang layp. Meet Pocholo T. Namoran. Pocholo sa umaga, Porschia sa gabi. Ready na b...