Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!
***
Dear Diary,
For almost one month, iyak lang ako nang iyak, diary. Hindi ko alam ko alam kung paano ititigil ‘to. Masyado talaga akong nasaktan sa nangyari. Masyado talaga akong nadala sa emosyon at nararamdaman ko kay Nammy. Masyado akong nalungkot sa pagkawala niya.
Pero naisip ko kasi, diary… paano kung si Nammy ay tulad din talga ng ibang tao, ‘di ba? I mean ‘yong role lang talaga sa buhay ko eh turuan ako sa pagdedesisyon ko sa buhay. Turuan ako sa mga bagay na alam kong hindi ko kakayaning matutuhan nang mag-isa. Paano kung ganoon lang talaga ang role niya sa buhay ko, ‘di ba? Paano kung tapos na nga ang misyon niya na pasayahin ako at turuan akong mapagtanto ang mga bagay na noon ay hindi ko alam? Siguro nga ganoon talaga, at dahil tapos na siya sa misyon niya, kaya umalis na siya. Para siguro hindi ko na idedepende ang sarili ko sa kaniya.
Tama, baka nga ganoon talaga ang gustong iparating sa akin ni Nammy. Baka gusto niya lang talaga akong maging matatag. Alam kong ayaw niya akong nakikitang malungkot, dahil nalulungkot din siya sa tuwing nakikita niya akong malungkot.
Nasaksihan ko kung paano siya maiyak sa tuwing umiiiyak ako. Kung paano siya tumawa sa tuwing tumatawa rin ako. Para bang naging konektado na noon ang mga emosyon namin. Kaya siguro ganito na lang kahirap para sa akin na tanggapin ang lahat.
Pero naisip ko, diary… hindi lang naman siguro ako ang nahihirapan. Na-realize ko na mahirap rin siguro kay Nammy ang ginawa niyang pag-alis nang walang paalam. Mahal ako ni Nammy, eh, kaya sigurado akong mabigat din sa kalooban niya ang ginawa niyang desisyon.
Hindi ko naman siguro kailangang magpa-victim, dahil pareho lang naman kaming nahihirapan. Hindi ko man siya nakikita ngayon peroalam kong pareho kami ng nararamdaman ngayon. Pareho lang din kaming nahihirapan.
Napakalupit naman kasi ng tadhana, ‘di ba? Bakit kasi sa dinami-rami ng puwedeng mapalapit at mamahalin mo, ‘yong mga tao pa talagang walang posibilidad na mapa-sa ‘yo. Ang hirap ‘pag gano’n. Daig mo pa yata ‘yong mga nagpepenitensiya sa sobrang dami ng sugat na naidulot sa ‘yo. Buti na lang sana kung sa katawan ka nasugatan, eh. Kasi madali lang pahilumin. Pero sa puso? Naku! Ramdam na ramdam mo pa rin ‘yong sakit kahit ilang araw, linggo, buwan, o taon mo pa ‘yan pahilumin.
Sinabi rin pala sa akin noon ni Nammy na masyado raw mahalaga ang mga luha ko para sayangin lang daw sa maling tao. Huwag ko raw papagurin ang mga mata ko sa kaluluha, dahil ako lang din naman daw ang mahihirapan kapag nagsimula naitong mamanhid at tuluyang tumigil sa paluha.
Tama naman talaga si Nammy. Sa katunayan, mukhang siya nga ang pinatamang tao na dumating para sa akin, eh. Tamang tao siya, pero hindi tamang maging kami. Pain, ‘di ba? Legit pain!
Feling ko, mukhang ito na talaga ang tamang panahon para itigil ko na ang kaiiyak. Ayoko na rin naman sayangin ang sarili ko sa kaiiyak. Hind ko naman talaga totally kalilimutan si Nammy dahil hinding-hindi ko magagawa iyon. Part na siya ng buhay at puso ko kaya alam kong hindi ko kakayanin na tanggalin siya sa buhay ko. Patitigilin ko na lang ang sarili ko sa kaaasa na muli siyang babalik. Patitigilin ko na lang ang sarili ko sa kahahawak ng mga pangako niya.
Pero, diary, huwag kang echosera ah. Hindi por que sinabi ko na sisimulan ko nang mag-move on eh gano’n-gano’n na lang kadali para sa akin ‘yon. Siyempre hindi pa naman ganoon katagal ang nangyari kaya kahit papaano eh sariwa pa rin sa akin itong nararamdaman kong lungkot. Pero please, tulungan mo ako, ah? Para maisakatuparan na rin natin itong plano kong pagmo-move on.
BINABASA MO ANG
Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )
HumorOriginal Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderful pa rin ang kaniyang layp. Meet Pocholo T. Namoran. Pocholo sa umaga, Porschia sa gabi. Ready na b...