KABAKLAAN ENTRY #28

17 7 10
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Ano ba talagang silbi ng mga mata natin, diary? 'Di ba ginagamit natin ang mga mata natin, diary, para makakita? Pero bakit gano'n? Bakit hindi ko talaga nakita na hindi ako gusto ni Howard, diary? Bakit hindi ko agad nakita na may iba pala siyang gusto? Bakit?

Andito ako ngayon, diary, sa harap ng bahay nina Howard, diary. Hinihintay ko siyang lumabas. Gusto ko siyang kausapin, diary. Gusto kong linawin lahat. Tatlong araw na kasi ang nakalipas pero hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi niya. Hindi pa rin matanggap ng sistema ko na ginano'n niya lang ako. Aykenaaaaaaaat!

Kahit nilalamok na ako, diary, at init na init na dahil tirik na tirik ang araw eh matiyaga pa rin akong naghintay. Gusto ko talaga siyang kausapin, diary. Gusto ko talagang linawin ang lahat.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita ko na si Howard na lumabas ng gate nila. Bago pa man siya makasakay sa motor niya ay agad ko siyang tinawag.

“ Howard! ” Tumakbo ako papalapit sa kaniya. “ Buti na lang at naabutan kita.

“ Porschia? Anong ginagawa mo rito? 'Di ba sinabi ko na rin sa 'yo na wala kang maasahan sa akin. Bakit ka ba nagpumilit pa na pumunta rito? ” Kumunot ang noo niya pagkatapos niyang sabihin iyon.

“ Gusto kitang kausapin. Gusto ko lang linawin ang lahat, ” mahinang tugon ko.

“ Para saan pa? Bilisan mo na at pupuntahan ko pa si Patricia, ” aniya.

Suminghap pa ako bago siya tiningnan nang direkta samantalang ibinaling naman niya ang kaniyang mata sa ibang direksiyon.

“ Howard, alam mo namang gusto kita , 'di ba? Wala ba talaga akong puwang sa puso mo ni katiting lang na espasyo? As in wala na ba talaga? ” pangungulit ko sa kaniya. Napakamot naman siya ng ulo niya.

“ Porschia, paulit-ulit na lang ba tayo? 'Di ba humingi na nga ako ng paumanhin dahil hanggang kaibigan lang ang turing ko sa 'yo. Hanggang doon na lang talaga 'yon. ”

Naluluha na ako, diary, pero pilit ko pa ring tinatagan ang loob ko.

“ Pero bakit mo naman ako pinapapunta sa inyo lagi? Bakit hinahatid mo pa ako at sinusundo? Ano bang meaning no'n? Wala bang meaning 'yon? ” tanong ko sa kaniya at umaasa ako na sana'y pinahalagahan niya 'yon gaya ng pagpapahalaga ko sa maliit na bagay na iyon.

“ Natural, Porschia, ihahatid at susunduin kita dahil ako ang nang-aya sa 'yo. Kargo de konsensiya ko pa kapag may nangyaring masama sa 'yo. Hindi ba malinaw sa 'yo na nagpapaturo lang naman ako? Ngayon, marunong na ako at nagagawan ko na rin ng calligraphy si Patricia. Hindi ko na kailangan ang tulong mo, okay? Salamat nga pala sa mga kabaitan mo, baka sabihin mong wala akong utang na loob. ”

Gusto nang tumulo ng luha ko dahil sa sinabi niya, diary, pero kailangan ko pang maging matatag. Tatagan mo pa, Porschia, tatagan mo pa. Please lang! Kayanin mo!

“ So hindi mo talaga ako mahal? ” paninigurado ko sa kaniya kahit alam ko na ang kasagutan.

“ Mahal kita, Porschia, pero bilang kaibigan ko. Napalapit na rin ang loob ko sa 'yo dahil lagi mo akong pinakikitaan ng kabutihan ever since na magkakilala tayo. Ayoko namang suklian ng kasungitan at kasamaan 'yon. ”

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon