KABAKLAAN ENTRY #34

12 5 11
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Diary, dalawang araw nang hindi nagpaparamdam sa akin si Nammy. Ewan ko lang kung bakit, pero 'yong last na usapan namin eh noong sinabi niya sa akin na mag-meet daw kami. Eh nasabi ko rin naman sa 'yo, 'di ba, na hindi niya ako sinipot that time.

Hayst, naguguluhan din ako rito kay Nammy. Ewan ko ba sa kaniya. Baka tinopak, or baka naman nagkasakit lang siya, 'di ba? Pero kung sakaling nagkasakit man siya, dapat eh sinabi niya na agad sa akin para hindi na ako mag-alala. Mas mag-aalala kasi ako kapag mayro'n na ngang emergency na nangyari sa kaniya tapos wala pa siyang paramdam.

Napurnada rin tuloy 'yong plano kong pag-amin sa kaniya. Dapat eh noong isang araw pa talaga, kaso hindi nga siya sumipot. Hayst! Ampangit naman kasi kapag sa chat or call ko sinabi sa kaniya. Walang ka-thrill-thrill, 'di ba?  Jusko, diary! Napaka-corny ko na, 'no? Pero hayaan mo na ako, minsan lang naman 'to eh. Don't worry, kapag ako sinaktan ni Nammy, hinding-hindi na talaga ako magmamahal. Siyempre kasi nasaktan na nga ako sa lalaki, pati ba naman sa babae? Naku! Ewan ko na lang talaga.

To be honest, nami-miss ko na talaga si Nammy kahit na dalawang araw pa lang kaming hindi nagkakausap. Hindi talaga siya mawala-wala sa isip ko. Letse naman kasi, eh! Simula nang ma-realize ko na may feelings na pala ako sa kaniya, mas lumala pa tuloy 'yong nararamdaman ko. Hayst! Mas mabuti pa nga ata no'ng mga panahong indenial pa ako sa feelings ko para sa kaniya. Pero mas mainam na rin 'to, mas masarap kasi sa pakiramdam na mas lalo kang nahuhulog sa taong gusto mo.

Sana ayos lang ngayon si Nammy. Gusto ko pang sabihin sa kaniya lahat ng mga gusto kong sabihin. Gusto ko pang aminin sa kaniya lahat ng gusto kong aminin. Gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kagusto. Hayst! Napaka-corny ko na talaga. Hindi na ako 'yong baklang Porschia. Parang nagiging lalaki na talaga ako dahil sa kaniya. Hayst, Nammy! Why namarn kasi ganiyan ang naging epekto mo sa akin?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iilusyon nang may biglang kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Medyo na-stress pa ako, kasi masyado naman siyang eksenadora sa moment ko. Hayst! Nag-iisip pa nga ako kung paano ko gagawin 'yong first date namin ni Nammy eh—as a couple. Hihi. Sure naman kasi akong sasagutin agad ako ni Nammy kapag niligawan ko siya. Deads na deads kaya sa akin 'yon.

Pinapasok ko na kung sino man ang damuhong kumakatok, at nagulat ako nang makita ko si Jayson. May dala pa siyang burger at drinks. Magagalit na sana ako pero huwag na lang. Nagugutom na rin kasi ako eh. Hihi.

“Oh? Ba't parang tanga kang nagsasalita diyan mag-isa?” tanong sa akin ni Jayson. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

“Pake mo ba? Buksan mo na nga 'yang dala mo, at nang makain na natin 'yan.” Inagaw ko sa kaniya 'yong plastic bag na pinaglagyan ng burger at drinks, at saka inilapag sa table ko.

Iniabot ko sa kaniya ang isang burger at drinks, at iiling-iling niya pa itong kinuha.

“May regla ka na naman siguro, 'no? Tinutoyo ka na naman, eh,” biro niya sa akin, sabay kagat ng burger niya.

Infairness din, Diary, kasi na-miss ko 'yong pang-aasar ni Jayson. Alam mo 'yon? Ilang months din kaming hindi nagkita, eh. Kaya parang hindi na rin ako sanay sa mga pang-aasar niya. I mean, hindi naman sa ayaw ko, pero medyo nasanay na rin ako na si Nammy lang 'yong nang-aasar sa akin.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon