Dear Diary,BUWISIIIIIIIT talaga ang Nammy na yorn! Juskoooo! Ang aga-aga eh pinapakulo na niya agad ang dugo ko! Eh paano ba naman kasi?! Sumugod siya rito sa bahay namin. Mag-iiskandalo pa ata ang gaga. Problema na naman kaya nito?
Kahit may muta pa ako, diary, eh kaagad akong bumaba at pinuntahan siya na kasalukuyang nagwawala sa gate. Aba'y ang aga-aga eh masyado nang eksenadora. Nakakarami na rin 'tong si Nammy ah? Napansin kong bawat entry ko eh lagi na lang umeepal. Kailan kaya matitigil ang kalbaryong dulot ni Nammy? Hayst!
“ Honeybunch! Mag-usap tayo! ” sigaw niya sa akin, diary. Aba'y mukhang nasa kabilang bundok pa ata ako para sigawan niya ako nang super duper mega ultra pro max lakas. Inuurat niya na naman ang kagigising pa lang na diwa ko, ah! Huwag niya akong susubukan. Naniniwala kasi ako sa kasabihang magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising na bading.
“ Ano na naman ba ang ipinuputok niyang puki mo at sumugod ka nang maaga? ” pasigaw na tanong ko sa kaniya. Akala niya ah? Hindi ako papatalo 'no! Ang isang baklang katulad ko ay walang inuurungan. Malakas din ang boses namin dahil sanay kaming sumubo ng microphone. Hihi. If you know what I mean, diary. Charot!
“ Bakit mo ako pinatayan ng linya kahapon? 'Di ba sabi ko sa 'yo eh huwag mo na akong iiwasan?! ” galit talagang tanong niya. Eh ano naman sa kaniya ngayon kung pinatayan ko siya ng cellphone kahapon? Namatay ba siya? Hindi naman, 'di ba?
“ Eh, busy nga ako! May ginagawa ako kahapon! ” pag-explain ko sa kaniya. Pero bakit nga ba ako nag-eexplain sa kaniya eh hindi ko na man siya jowa.
“ Kahit na! Dapat sinabi mo sa akin kasi nag-aalala ako sa 'yo at gusto kong makasama ka! ” panunumbat niya.
Wow lang ah?! Ang speed namarn masyado ng shibuli na 'to! Mas mabilis pa 'to sa speed of light ah? Noong nakaraan eh inintindi ko lang na sinabi niyang gusto niya ako kasi nga malakas naman talaga ang appeal ko at maraming nagkakagusto sa akin. Hihi. Echoss.
Nitong nakaraan lang din eh nagdrama na siya sa harap ng bahay namin, as if naman kilalang-kilala ko siya at kilalang-kilala niya rin ako para sabihin na gustong-gusto niya na ako at tinawag pa ako sa baduy na call sign. Ang speed 'di ba?
Eh hindi ko nga alam kung paanong bigla na lang sumulpot sa buhay ko itong shibuli na 'to. Sa pagkakaalam ko eh sa tindahan ko lang naman 'to nakilala at siya pa 'tong lumapit sa akin.
Sa pagkakaalam ko rin ay hindi pa kami ganoon magkakilala kaya imposible namang ambilis niyang magkagusto sa akin 'di ba?
Isa pa, tomboy siya. Bakla na man ako. Ano kaya yorn?
Napakabilis talaga! Dapat nga more on kabaklaan at kalandian lang ang mga entry ko pero ang damuhong shibuling ito ang nagpapagulo sa story ko. Bakit nga ba kasi ini-stress ko ang sarili ko sa kaniya?
“ Baka nakalilimutan mo, Honeybunch ko? Nangako ka sa akin na hindi mo na ako iiwasan at 'yon ang kondisyon natin. ” Doon ko lang naalala ang kondisyon niya, diary, nang banggitin niya yorn.
Hayst! Bakit nga kasi pumayag ang gagang si ako sa kondisyon niya. Sakal na sakal na ako. Ugh! Howard, choke me dzadeeee! Charot
“ Hindi ko na man nakalilimutan. Pero huwag mo nga akong pressure. Shutangina, di ba gusto mo lang makipagkaibigan? Ganito ba ang pakikipagkaibigan sa 'yo? Feeling jowa ka, ganern? ” Gigil na ang amo, diary. Sino ba kasing hindi manggigigil sa shibuling ito na feeling jowa eh wala namang itlog.
“ Pero sinabi ko na sa 'yo na gusto kita, 'di ba? ” Medyo bumaba na ang boses niya, diary. Puwede naman pala siyang magsalita na hindi sumisigaw eh. Letse siya.
BINABASA MO ANG
Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )
HumorOriginal Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderful pa rin ang kaniyang layp. Meet Pocholo T. Namoran. Pocholo sa umaga, Porschia sa gabi. Ready na b...