KABAKLAAN ENTRY #38

6 5 6
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Nakakainis na man si Mama, diary! Bigla na lang niya akong ginising gamit ang bunganga niyang hindi ko alam kung gawa ba sa armalite o talagang pinagkihi lang talaga si Mama sa megaphone.

Bungad na bungad talaga ‘yong mga sermon niya sa akin eh, umagang-umaga pa! Jusko nemern! Biglang sumakit hindi lang itong puso ko, pati na rin itong ulo’t tinga ko. Kahit sino naman siguro eh mararamdaman itong nararamdaman ko ngayon, lalo na’t hindi lang simpleng panggigising ang ginawa sa akin. Hayst!

Siyempre, wala akong choice kundi sumunod na lang sa utos ni Reyna Mine-a. Baka hampasin niya pa ako ng tungkod ni Imaw, eh. Mahirap na. Kahit nahihirapan akong bumangon eh pinilit ko pa rin upang maayos ko na rin itong higaan ko. Halos dalawang linggo ko na atang hindi naayos ito, eh, Pati nga ‘yong punda at kumot ko eh hindi ko pa napapalitan. Dugyot ‘no? Pero oks lang naman, malinis pa rin naman siguro ito. Papalitan ko na lang next week, hihi.

Ngayon, alam ko na talaga kung anong sagot doon sa tanong ng Nescafe na kung para saan ka daw bumabangon. Mukhang bumabangon ako para sa sermon ni Mudra. Mahirap na kasi kung patataasin ko pa ‘yong blood pressure ni Mudra, baka bigla siyang magtransform into dragona tapos bugahan niya ako bigla ng apoy. Hihi.

Pagkatapos kong ayusin ang higaan ko eh inutusan naman ako ni Mudra na maligo na raw ako. Nangangamoy na rin daw kasi ako. Nakalimutan ko na kasi kung kailan ako huling naligo. Mukhang last week pa nga ata ‘yo, eh.

Kaagad akong kumuha ng damit na pamalit at agad na pumunta sa CR. Pagbaba ko na pagbaba ko pa lang eh naabutan ko sina Kuya at Pocari na nakatulala sa akin. Parang ngayon lang ata nakakita ng magand. Letse!

“Oh? Anong tinitingin-tingin niyo riyan? Masyado na ba kayong nagagandahan sa akin?’’ tanong ko sa kanila.

“Himala at lumabas ang unggoy sa kaniyang lungga!” pambubuwisit sa akin ni Kuya.

“Oo nga, Kuya! Mukhang galin pa nga ata siya sa gubat, eh,” rebut ni Pocari.

Inirapan ko na lang silang dalawa at dumiretso na lang ko sa banyo. Isinabit ko na ang tuwalya ko at binuksan ang shower—charot! Wala pala kaming shower, hihi. Binuksan ko na ang gripo at hinntay na mapuno ang drum ng tubig.

Habang naghihintay ako na mapuno ang dram, nakikita ko ang mukha ni Nammy sa tubig. Kasabay ng pagtulo ng tubig ay ang pagpatak naman ng mga luha ko. Naiinis ako, kasi pati ba naman sa pagligo eh nakikita ko pa rin si Nammy.

Nang mauno na ang dram ng tubig ay agad na akong nagbuhos. Ilang araw din akong hindi naligo kaya ineexpect ko na marami-raming tubig ang magagamit ko para lang maligo. Mukhang mauubos ko pa nga ‘yong isang sachet ng shampoo, eh! Baka matunaw na rin lahat-lahat ng sabon eh hindi ko pa nalililnis nang maayos ang katawan ko. Hihi.

Pinapakiramdaman ko na lang ang bawat patak ng tubig na dumadampi sa balat ko. Iniisip ko na baka haplos ito ni Nammy. Ganito kasi kapresko ang kaniyang balat sa tuwing dumadampi sa akin.

Halos isang oras din ako naligo dahil nilinis ko talaga nang mabuti ang katawan ko. Hindi ko sure kung kailan ulit ako makaliligo kaya sinagad ko na ang pagkakataon na ito. Hihi.

Nang makalabas na ako sa CR ay agad din akong naupo sa mesa upang kumain ng pananghalian. Tanghali na rin kasi ako ginising ni Mudra kaya hindi ko na naabutan ‘yong agahan.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon