Chapter 31

781 46 7
                                    

L I A

"Good morning," bulong niya na nakapagpangiti sa akin.

Umayos ako ng higa bago humarap sa side niya at niyakap siya. I heard him chuckled bago pinulupot ang braso niya sa akin. I'm still sleepy though pero pinilit kong hindi makatulog ulit dahil hindi ko alam kung anong oras papasok si Pilak sa work niya ngayon.

I don't want to be left alone in here.

"Hindi kana talaga papasok ngayon?" he asked for the nth time.

Sinagot ko siya ng marahan na tango habang nakasubsob sa dibdib niya with my eyes still closed.

Hindi ako papasok today dahil alam kong pupuntahan ako nila Yzah do'n mamaya. I know them, hindi nila ako titigilan hangga't hindi nila ako nakakausap. Well, except for Karl, siya ang laging nagsasabi sa 'min na bigyan ng space ang isa't-isa kapag nagkakaroon ng tampuhan.

"Then, would you like to come with me?" Napadilat ako ng mga mata dahil sa tanong ni Pilak.

I immediately look up to see his face habang nakakunit ang mga noo. Pero tumawa lang siya at minasahe ang noo ko. "Wala kang shift ngayon?" I curiously asked.

"I file an absence for two days," he declared.

"Bakit?" curious ulit na tanong ko.

But instead of answering ay hinalikan niya ako sa noo bago tumayo sa pagkakahiga. "I cooked something. Tara, kain na muna tayo."

Umupo ako at pinasingkitan ng mga mata si Pilak. He just laughed at me though bago nilahad ang kamay sa harap ko. Pero hindi ko ito inabot at tinaasan lang siya ng kilay, waiting for him to spill the beans.

"I'll tell you later, for now let's just eat first."

Umismid sa kaniya bago kinuha ang kamay niya at tumayo. But of course, hindi agad ako lumabas ng kwarto. Pinauna ko na siya sa labas.

Naghilamos muna ako ng mukha at nag ayos ng sarili bago tuluyang lumabas. Naabutan ko siya sa lamesa habang nakangisi sa phone niya.

Tumaas ang kilay ko dahil doon at dahan-dahang naglakad papalapit sa kaniya pero hindi pa 'ko nakakalapit ng husto nang ibaba niya ang phone.

"Sino 'yon?" nagdududang tanong ko sa kaniya.

"Who?" pagmamaang-maangan niya. "Oh, you mean this?" he asked habang winawagayway ang phone.

"Mukhang may nakakatawa diyan eh, laki ng ngiti mo kanina," sabi ko habang umuupo sa harap niya.

He put some food first on my plate bago tumingin at tumawa sa 'kin. See, may kakaiba talaga kay Pilak ngayon. Simula nung umaga, kakaibang vibes na ang binibigay niya. He can't even tell me kung bakit siya nag file ng absence for 2 days.

"Stop glaring at me," he laughed nang maramdaman na masama ang tingin ko sa kaniya. "It's nothing serious."

Kahit na sinabi nitong wala lang 'yon ay hindi ko pa rin maiwasang magduda.

I still stared at him habang kumakain kami pero hindi niya ako pinapansin, instead nilalagyan lang niya 'ko lagi ng ulam sa tuwing nagtatama ang paningin namin. He really looks so suspicious right now. I might think na kaya siya nag leave ng absence ay dahil may iba siyang pupuntahan.

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon